Pagtapos sa Aking Pinagsimulan
Walong taon na ako nag-aaral sa Don Bosco at ako ay nasa ikalabing-isang baitang. Ilang taon na lamang ay patapos na ang aking paglalakbay bilang isang Bosconian. Marami akong maaalala sa DBTI Makati. Ang aking mga guro, mga kaklase, pati na rin ang mga pagkain, at marami pang iba. Habang ako’y palapit nang palapitsa  dulo, naaalala ko ang aking mga naranasan. Minsan inaalala ko ang unang araw ko sa paaralan na ito. Una kong nakilala ang Don Bosco Makati dahil sa aking ama, isang Bosconian noon. Lagi niya sinasabi kung gaano kahalaga ang oras niya sa Don Bosco Makati. Dahil sa kaniyang mga kwento, nagkaroon ako ng interes sa paaralang ito. Nagsimula ako mag-aral sa DBTI Makati noong ako ay nasa ika-apat na baitang. Lumipat kami sa Makati sa panahon na ito at napahanga ako sa laki ng lungsod. Nabigla ako noong pumasok ako sa Don Bosco. Halos nawalan ako ng gana mag-aral dahil hindi ako makasabay sa aking mga kaklase. Sa mga unang linggo sa paaralan, mag-isa lang ako kumakain tuwing tanghalian at di ako masyado nagsasalita sa klase. Ngunit sa paglipas ng mga taon, nagkaroon ako ng mga kaibigan. Mga kaibigan na kasama ko pa rin hanggang ngayon. Sa tagal ko sa paaralan na ito, hindi ko mabilang ang mga magagandang karanasan na nakuha ko. Habang tumatagal, bumuti ako bilang isang tao at tumaas ang aking mga grado. Tinuruan ako ng Don Bosco Makati na ipakita ang aking tunay na sarili, gayundin na walang limitasyon sa aking mga kakayahan. Namana ko ang ugaling Bosconian at naging kultura ko ang kultura ng Don Bosco. Nasa kalahati na ako sa taon ng paaralan at unti-unti ako napaisip. Ano ang mangyayari kung hindi ako pumasok sa Don Bosco Makati. Hindi ko makikilala ang aking mga kaibigan. Maaari na iba ang aking magiging ugali. Maaari na hindi ako magiging mabuting Kristiyano. Nagpapasalamat nalang ako na tinadhana ako sa paaralan na ito. Kaya naman, kung may pagkakataon kang pumasok at mag-aaral sa Don Bosco Makati, kunin mo ang pagkakataon na iyon. Tunay na magiging mahalaga ang oras mo bilang isang Bosconian.Â












