Nari,
una sa lahat, hahahahha, di ako magaling sa ganito, okay? pero ayun na nga, diko din naman alam kailan mo to mababasa?
okay lang ba sabihin na, ang cute cute mo lang talaga kapag naka yellow ka? cute ka naman lagi eh, pero kapag suot mo yung favorite mong mga damit na kulay yellow, mas nagiging cute ka.
pinakilala ka lang naman sakin dati ni sungjin, tapos dun na naging mag ka tropa tayo.
nakakatawa lang kasi ikaw yung babaeng hindi talaga nag papa talo pagdating sa asaran? ayan tuloy target na kita lagi. pati puso ko ikaw na yung target.
una palang naman, nahalata ko na parang may gusto ka din sakin? pero wala akong ginawa kasi ayokong I-take advantage yung feelings mo sakin, at saka pati, 2nd year college palang naman tayo nung nagkakilala tayo. sabi ko, focus muna sa studies at saka pati sa barkada.
okay naman na ako, kasi nakakasama naman kita halos araw araw? nakakasabay kumain, kasabay gumala, kasabay umuwi, nakakausap pa sa group chat.
gustong gusto kong inaasar ka kasi sobrang ganda mo kapag nakakunot noo mo, tapos galit ka, at saka titingin sakin ng parang naka pout. sabi mo nga hindi ka nagpapout ksi for cute girls lang yun, sabi mo. eh hindi ka kamo cute, maganda ka kamo. Tama naman? cute ka, pero maganda ka din. Sarap mong panggigilan eh, putangina. 😠pwede bang akin ka nalang?
akala ko steady na yung relationship natin non? yung araw araw ganun, kaya nga lang kasama ang tropa. pero okay lang din sakin yun kasi sapat na nga yung nakakasama kita araw araw.
not until may nakilala kang bago. hindi mo na ko laging hinahanap para asarin, hindi ka na din laging nakakasama sa tropa. hanggang sa nalaman ko na naging kayo na.
tanga ko din sa part na yun.
gusto kong malaman, anong feeling ng girlfriend ka? anong feeling ng inaalagaan ka ng isang Nari. kung anong pakiramdam ng nasa nga braso kita, hahalikan kapag gusto. ano kayang feeling? putang inang napakaswerte naman.
natatanggap ko naman na, baka crush lang nga naramdaman mo sakin. kita ko naman kasi yung effort at pagmamahal na ibinuhos mo nung time na yun sakanya. mahal na mahal mo sya, ri. anong laban ko?
isang taon, ri. tiniis ko makita na masaya ka sa piling ng iba. pero ayos lang, basta masaya ka ri. basta masaya ka.
hanggang sa nalaman ko na niloko ka nya. na nabuntis nya yung ex mo habang kayo. nabaliw ako nun kakaisip na umiiyak ka gabi gabi kasi iniisip mo yung halaga mo. na iniisip mo na hindi ka pa ba sapat. hindi ka nagsasalita sa gc nun, ri. nag alala kaming lahat.
pero laking pasasalamat ko na nagmessage ka sakin noon. nangamusta ka, at humingi ng pasensya kasi di ka nakakapagchat sa gc natin. sabi mo sakin, hindi ka okay.
"hindi ako okay dowoon eh, ang sakit masyado haha"
sinundi kita sa dorm mo nun, nag aya akong punta tayo sa coffee shop. sabi ko treat kita. ngumiti ka pero hindi totoo eh.
habang nagkekwento ka sakin noon sa coffee shop gusto kong magwala. sa lahat ng taong nakilala ko ikaw yung alam kong malakas, hindi agad umiiyak. pero pag upo palang natin noon sa upuan.. ngumiti ka sakin tapos bigla kang umiyak.
sobrang ganda mo, pero ayoko na makita ka ulit na ganun. ayoko, ri. ang sakit din kasi.
inalagaan ka namin ng ilang taon, tapos gagaguhin ka lang? tanginang yan.
pagkatapos ng gabing yun, nakipagusap ka na ulit saming lahat. alam namin tinatry mo maging okay. kitang kita ko yun nari.
natakot akong umamin sayo.
paano kung hindi kita kayang alagaan? paano kung masaktan kita. paano kung masira lang pagkakaibigan natin?
alam ko namang hindi ka pa din handa eh. kaya hinayaan ko na munang bumalik ulit lahat sa dati, yung dating tropa, yung walang iba.
okay naman, ri. tumagal ng isang taon.
kaso pinaglalaruan ka ng tadhana kasi naging kagroup mo sya sa thesis mo. natakot ako ulit, ri. na bumalik lahat sayo, na yung mga totoo mong ngiti ma palitan ng lungkot.
hanggat maaari, sumasama ako sayo. hanggat maaari dapat nakikita kita lagi, hindi pwedeng hindi. Hindi ako mapapalagay.
kaso, ri, isang araw naging ilap ka sakin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko. indirectly na umaamin ka sakin, pero wala akong ginagawa. Ayoko kasing ikaw ang aamin, ri. dapat ako yung mauuuna.
dahil don, hindi ka na naguupdate kung kailan meetings nyo pati lakad nyo. pero bakit ka nga naman mag uupdate, hindi mo naman ako boyfriend.
nalaman ko kay sungjin noon, na nag overnight ka ng hindi ko alam. nagkaproblema daw at hindi ka makauwi. gusto mong umuwi pero hindi mo magawa.
laking pasalamat ko na likas na madaldal yung tropa nating si sungjin. Hahahahhaha.
sinundo kita noon, ri. umiyak ka nanaman. umiyak ka nanaman sa harap ko, ri. putanginang mga luha yan.
bakit kailangang makita ko nanaman sa mga mata mo yan. nung nakita ko yung gago mong ex pinigilan ko lang sarili ko na suntukin yun eh.
hanggang sa sabi mo ayaw mo pa umuwi.
ayaw ko pa din sana noon nari. ayoko umuwing alam kong hindi ka okay. kaya pumayag akong magpunta tayobsa coffeeshop.
kailan ka kaya magiging akin, ri?
hanggang sa nag aya ka na umuwi. halatang antok na antok at pagod ka na eh. ang kaso, umamin ka nanaman sakin. sabi mi hulog na hulog ka na. wag ka mag alala, ri. salong salo na kita. noon pa man.
pero natakot ako ulit. bakit naman kasi inuunahan moko, ri?
after nanaman nun, naging mailap ka nanaman. si jae na yung sinama mo sa meeting. kapag magkakasama tayo hindi ka lumalapit sakin.
gulong gulo na din ako sa sarili ko nun.
hanggang sa may nag aya sayo makipag date.
oo nga pala, nakalimutan kong marami dn palang ibang nagkakagusto sayo. ganda mo kasi.
charming. sobrang cheerful. sobrang adorable. yung tipong ang sarap alagaan? doon na ata ako napikon, ri.
ano bang ginagawa ko, bakit hinahayaan ko lang?
di ko na natiis, naki epal ako kahit alam kong mali. hahahahha. pero worth it naman pagpapaka epal ko di ba?
kasi ngayon alam mo na. mali inaakala mo, ri. na mas mahal mo ako? hindi ata. kasi mahal na mahal na mahal kita, una palang. pero okay lang, kahit sabihin mong mas mahal mo ako. sarap din naman sa feeling eh?
corny ampota
basta ayun
akin ka na gago ka
sayo lang din naman ako :">
wag ka kiligin masyado pota, ang corny nga ng blog na to. hahahahhahahahahaha. labyu, ri! 💛


















