It feels shit that they expect so much from you, yung dapat ganito, dapat ganyan, dapat mataas, dapat walang grade na aabot sa ganito. Nakakasawa rin naman na sobrang taas ng expectations nila tapos ikaw hindi mo na alam kung pano kapa kikilos. Ang hirap kaya, yung hindi mo na maenjoy yung buhay mo kasi may mga bagay kang dapat kang mas unahin. Oo syempre dapat iprioritize yung pagaaral mo, oo they care about you and they want you to be successful one day pero hindi sa ganitong paraan, hindi sa paghihigpit kasi mas mababaliw ka lang eh, mas matatakot kang gumalaw kasi alam mong may sisista sayo. Ang sakit lang kasi hindi mo gusto yung paraan nila, na bibitawan ka ng masasakit na salita, na mas pinapangunahan nila ang bawat bagay bagay. Ang sakit lang kasi pamilya mo eh, oo sinasabi nilang matalino ka, pero ang sakit lang marinig sa kanila yung mga masasakit na salita paghindi mo napapatunayan yung sarili mo. Ang hirap maging estudyante, ang hirap maging estudyante na gusto nila. MInsan, mas gusto mo nalang magsarili, minsan gusto mo nalang patunayan na kaya mo, gusto mo nalang ipakita sa kanila na may mga bagay na hanggang diyaan lang at hindi mo na kayang umangat pa, kasi hindi naman ikaw yung tipo ng estudyante na sobrang talino, sobrang sipag, sobrang focus sa pagaaral. Talino? Wala eh hindi ka katulad nila na sobrang talino, wala eh hindi ganon kataas yung grades mo kagaya ng sa kanila. SIpag? Hindi kasi ikaw yung estudyante na ganito ganyan na nakasanayan nila na dapat ganun ka eh. Alam mo yun, gusto mo nalang mas magaral sa school kasi pagsa bahay ka nagaral, sasabihin pa nilang “HImala ha?” “Anong sumapi sayo?” Ang sakit lang na marinig sa kanila to, sobrang sakit lang na hindi sila nagtitiwala sayo, na iniisip nila na hindi ka naman nagaaral, chamba lang yung grades mo dahil pa easy easy ka lang pagdating sa bahay. Focus? Pano ka nga ba makakapagfocus kung ganon yung trato nila sayo, pano ka nga ba mamomotivate kung lahat na ata ng masasakit na salita na natanggap mo. Nakakapagod lang, nakakapagod lang maging isang taong gusto nila na maging ikaw samantalang hindi man lang nila inisip kung ano ba ang gusto mo. Nakakalungkot lang na sila yung pamilya mo pero hindi mo malabasan ng sama ng loob, ng hinanakit sa buhay kasi wala eh takot kang malaman nila kasi ayaw mo rin silang saktan kaya eto ka tinitiis lahat, lahat ng masasakit na salita, lahat ng lait, lahat ng mga bagay na kahit hindi naman talaga ikaw ay tinatanggap mo nalang kasi yun ang nakikita nila sayo. Masakit oo pero sana dumating yung araw na lahat ng sakit mawala, sana kaya mong patunayan sa kanila na kaya mo talaga, na mas okay pang magsarili ka nalang kesa patuloy na indahin lahat ng sakit na dulot nila. Oo kasi palamunin ka lang eh, wala ka pang ipagmamalaki ngayon, wala kapang maipagyayabang kasi wala eh estudyante ka palang. Sana dumating yung araw na tapos na tong hinanakit, tapos na tong pagdurusa, tapos ng tong pagtitiis at magiging masaya kana. Sana..
















