INDUSTRIAL VALLEY COMPLEX, MARIKINA CITY
HAZARD IDENTIFICATION
Ang mga kalamidad na madalas na tuma-tama sa barangay ng Industrial Valley Compex ay baha. Kadalasan na ito ang sakuna na tumatama dahil ang lugar ay malapit sa Marikina River. Noong 2009, tumama ang bagyong “Ondoy” at ito ay nag bigay ng napakalaking pinsala sa buong lungsod ng Marikina. Madaming buhay ang kinuha ng sakunang ito at isa ito sa pinakamapinsalang bagyong nagdaan. Noong 2012 din ay tumama naman ang habagat na nakapag pa baha sa lugar ng dalawang beses, isa ito sa mga pinaka nakakatakot na experience ng mga residente. Dahil nakapag linis na at nakapag ayos ang mga tao nang humupa ang unang pag baha ngunit pag dating ng madaling araw ay tumama na naman ang pangalawang baha. Noong nakaraang taon din bandang Agosto ay may habagat nanaman na nagdulot ng malakas na ulan upang maging dahilan ng pag baha. Kaya ang pag baha ang numero unong kalamidad sa lugar.
Ang isang panganib din na iniiwasan ng lugar ay sunog dahil ang mga bahay dito ay magkakadikit at karamihan ng bahay ay gawa sa light materials na mabilis mag liyab kapag mag ka sunog. Isa pa ay ang lindol, dahil ang lugar ay nasa west fault line. Isa sa mga kinakatakot ng mga residente dito ay kapag may tumamang malakas na lindol ay may posibilidad na maraming buhay ang mawala, kaya ang ginagawa ay laging nag coconduct ng mga earthquake awareness drills.
Kapag may bagyo ay umaasa ang barangay sa mga impormasyon na ibinibigay ng PAGASA. Kapag may pararating na bagyo ay merong tatlong lebel na nag-aalarma sa mga residenteng nakatira sa mababang lugar. Unang alarma ay tutunog ang sirena upang bigyan ng warning ang mga tao. Pangalawang alarma ay tutunog muli ang sirena at sinasabihan na lumikas na ang mga residente. Ang ikatlo at huling sirena ay tutunog at magkakaroon na ng force evacuation sa mga residente.
VULNERABILITY, ELEMENTS AND PEOPLE AT RISK ASSESSMENT
 Ang bagyo ay kadalasang tumatama sa panahon ng tag-ulan sa mga buwan ng Agosto hanggang Octobre. Pinakamatinding napipinsala ang mga taong nakatira malapit sa ilog, mabilis umangat ang tubig sa ilog dahil ito ay mababaw na. Kung tumama ang sakuna ang pinaka maapektuhan ditto ay ang mga bata, dahil ginagawang evacuation center ang nag iisang eskwelahan sa lugar. Malaki ang magiging epekto ng sakuna sa lugar dahil nga ang lugar ay maraming nakatirang tao maapektuhan ang kanilang mga pag-aaral, pag tra-trabaho at kanilang mga negosyo. Ang pinakaligtas na lugar na pwedeng mapuntahan ng mga tao ay ang paaralan sa lugar o sa Monte-vista o di naman kaya ay sa subdivision sa taas.
Ang pinakadelikado na lugar ay sa park, dahil ito ang isang open na lugar at malapit sa ilog na kapag mataas na ang tubig ay maaring matangay ang sino mang naandito.
Sa ngayon, wala namang suliranin na di kayang pag daanan ang barangay dahil lahat ng tao ay nag kakaisa. Lahat ng residente at mga opisyales ay nag kakaisa upang mas mapaganda ang barangay ng IVC. Tuwing may mga bagyo at pag baha na nangyayari ay nag tutulong tulong ang mga tao upang malinis agad ang mga kuyagot sa daan.
CAPACITY AND DISASTER MANAGEMENT ASSESSMENT
Madaming ginagawang seminar ang barangay upang pag handaan ang mga sakunang ito. Taon taon ang ay nag sasagawa ng mga awareness lalo na sa lindol dahil isa ito sa pinakakinatatakutan ng mga residente.
Ang plano ng Barangay sa mga sakuna ay unahin ang mga, PWD, Elderly, Women at Children. Kailangang i-vacate ang mga taong hindi kayang iligtas ang kanilang mga sarili. May mga naka stand-by lagging mga rescue boats upang sagipin ang mga nangangailangan tuwing may sakuna. Merong 4 na rescue boats ang barangay na ready anytime i-deploy.
Mayroon ino-offer na financial assistance ang barangay para sa mga nasalanta ng bagyo. Mayroon din pinamimigay na mga tulong material upang makatulong sa mga pamilyang nasalanta. Mayroong specific na committee ang namamahala sa mga dapat gawin sa oras ng kalamidad. Sila ang nakikipag coordinate sa kinauukulan kung anong dapat ang mga susunod na hakbang ang gagawin.
The community’s number one problem when rainy season comes is flooding. It is caused by improper waste disposal, which results to the clogging of sewerage system. People tend to throw away their trashes because they think it’s just a small piece of wrapper but when it gets accumulated it becomes a big amount. Also, when flood comes people tend to panic.
I propose for the community to have a proper waste disposal team. To conduct seminars every month to remind people on how to segregate trashes every year. There should be appropriate education for people to be reminded that it is our doing why sewage systems are clogged. Also, there the residents should be required to have a “to-go kit” in case of flash floods. So, if ever they would be required to evacuate or get stranded in their homes there would be enough supplies for them to be able to survive a few days isolated.
Special thanks to Barangay Kagawad Tess Publico of Industrial Valley Complex, Marikina City for allowing me to conduct an interview.











