Yung picture na yan yung tinetext nako ni mommy kasi hinahanap mo na daw ako. Ang gulo gulo mo daw niyan eh, kasi iritang irita ka na. Tapos pagdating ko, ako na nagasikaso sayo. Minamasahe kita, hawak ko yung kamay mo. 1 year na ate, first day yun ng finals namin nung 4th yr, 1st sem. Pumunta ako sa hospital... wala ka na. Ang bilis talaga ng panahon, graduate na ko, pharmacist na ako. Hanggang ngayon, ang sakit sakit padin ate yung pain pag naaalala ko parang kanina lang lahat nangyari. Kahit wala ka na nung graduation ko, pagpasa ko ng board exam. Lahat yan ate, ikaw ang no.1 na reason bakit strong ako. Grabe ate, miss na miss na kita... gustong gusto kita akapin. Gustong gusto kita masahihin. Hahalikan kita sa noo, at sasabihin kong mahal na mahal kita. Na sobrang swerte ko kasi isa ka sa mga special na tao sa buhay ko. Hindi ko man mairereturn na lahat sayo ng sacrifices mo para sakin, pero lahat ng meron ako ngayon, lahat to para sayo... ikaw yung nag build ng good sides ko at napaka swerte ko dun. I love you ate, alam kong proud na proud ka sakin at alam kong ikaw yung no.1 fan ko. At ako din yung no.1 fan mo. :)











