Iniwan mo yung babaeng handang tiisin ang antok makausap ka lang
Binalewala mo yung babaeng handang magtago ng sakit ng nararamdaman mapasaya ka lang
Kinalimutan mo yung babaeng handang tumulong sa'yo kahit pa wala ng matira sa kaniya
Tinalikuran mo yung babaeng handang tawirin ang lahat kahit pa hibla ng sinulid makasama ka lang kahit saglit
Bakit? Kahit ano'ng antok at pagod kaya ko namang tiisin makausap ka lang. Kahit puno na ng sakit at takot iton'g puso ko, ang pasiyahin ka parin ang uunahin ko at hindi pag-inda nito. Kahit pa hindi ako sapat para sa'yo handa kong ibigay lahat ng makatutulong sa'yo. Kahit pa anong layo ang lalakbayin ko, susuungin at tatawirin ko makasama ka lang. Pero bakit?
Bakit iwanan pa rin ako? Bakit balewala pa rin ako? Bakit nilimot pa rin ako? At bakit tinalikuran mo pa rin ako?
Alam ko lahat ng bakit ay dulot ng sakit. Nais kong malaman ang sagot sa lahat ng bakit. Pero hindi na ngayon, dahil paulit ulit kong dapat ipaalaala sa aking sarili na hindi lahat ay nananatili.
My Broken Vow
08.21.19 | 12:12AM













