Pagsusuri sa Mga Aspeto sa Pag-aaral sa Kontemporaryong Estetiko ng Sining ng Pilipinas
Batay sa akda ni Alice Guillermo
Marahil ang Pilipinas ay isang arkipelagong bansa, hindi natin maikakaila na ang bawat lugar ay may kani-kaniyang kultura’t tradisyon batay sa kung paano at gaano nila pinahahalagahan ang isang naturang lugar. Nang dahil dito, nagkaroon, lalo na ang mga katutubo, ng bawat pananaw at pagbibigay pakahulugan sa isang naturang bagay na inilalahad sa pamamagitan ng sining. Maaaring sining sa paggawa ng awiting tinataglay ang kanilang paniniwala sa iba’t ibang diyos at bagay na nakikita sa kapaligiran, sining sa pag-aalay ng sayaw upang magbigay pugay at kasiyahan sa kanilang lugar at hinding-hindi mawawala sa kultura ang paggawa ng sariling disenyong sining na mas nagbibigay identidad at yaman at ambag sa kasaysayan ng bansa.
Lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay nasakop ng iba’t ibang dayuhan na siyang nakaapekto sa pag-aaral sa kontemporaryong estetiko ng Pilipinas. Isa sa nabanggit sa teksto ay ang tradisyon na isa sa naging aspeto sa kontemporaryong sining ng ating bansa. Dahil sa mga pagsakop ng mga banyaga, natuto ang mga katutubo na paunlarin at mas gamitin ang sining na ito bilang sandata sa kinabibilangang lipunan upang mas makilala, simbolo na ang isang lugar ay mayaman sa kultura’t tradisyon. Sa pamamagitan ng sining, hindi lamang ipinapakita ang kanilang labis na pagmamahal sa kapaligiran bagkus ito rin ang kanilang paraan upang ipakita ang mga pangyayaring mahirap nang mabura sa mga idelohiya’t konsepto sa paglikha ng mga dakila nating artista lalo na ang mararahas na kaganapan simula nang sakupin tayo ng iba’t ibang bansa tulad ng Espanya, Hapon at Estados Unidos. Sa paraan ng paggawa ng sining mas naipaparating ng mga Pilipino noon ang kanilang hinaing sa madalim na kaganapan sa loob ng bansa.
Gayunpaman, isa ang Pilipinas sa tinitingala bilang bansang mayaman sa likas na yaman dahil sa iba’t ibang materyales na maaaring gamitin sa paggawa ng mga materyal-sining na siyang ginagamit ng mga katutubo sa araw-araw na pangangailangan, bilang palamuti sa kung anoman at bilang negosyo para sa iilan na siyang sumasalimin sa pagkamalikhain ng mga Pilipino. Ang mga materyales na ito ay isa rin sa aspeto sa pag-aaral ng kontemporaryong estetiko ng bansa. Sa paggawa ng mga materyal na sining nangangailangan na makahanap ng mga pangunahing produkto upang makabuo ng isang bagay. Sa pagiging malikhain ng mga katutubo, naging suplay nila ang mga nakikita kapaligiran tulad ng abaka sa paggawa ng pamaypay, banig at iba pa, putik na kailangan sa pagbuo ng banga at pigurin, langis na ginagamit sa pagpipinta, puno ng bamboo at iba pang punongkahoy sa paggawa ng mga simpleng kasangkapan. Ang paggamit ng mga alternatibong materyales na ito ay orihinal at mula sa ideya ng katutubo at kulturang Asyano lalo na sa Pilipinas dahil sa sapat na klima na mayroon ang bansa. Unti-unti, nagkaroon ng mas makabagong panghalili sa mga materyal na ito dulot ng modernisasyon.
Bilang panghuli kong tatalakaying aspeto, ito ay tungkol sa pagpapakahulugan sa bawat disenyo at kanilang sinisimbolo. Mataas ang pananalig ng mga katutubo sa kanilang sining kaya naman hindi nakapagtataka na ang bawat bagay na kanilang nilikha ay dumaan sa mahabang proseso at maaaring may ritwal na pinagdaanan. Sinasabi na mas maraming hugis, linya, karakter, kulay at anyo ay mas maraming ibig sabihin ang nais ipabatid ng naturang sining. Sa bawat disenyong makikita ay may taglay na sumasalamin sa kultura at tradisyon. Sa kabilang banda, ang Pilipinas bilang bansa na naging kolonya ng ibang bansa, tayo ngayon ay nahaharap sa samu’t saring pagpapahayag ng masisidhing damdamin. Sa pamamagitan nito ay mas naihahayag natin ng nais nating sabihin sa paraan ng paggawa ng sining. Ito ay maaaring masidhing paglalabas ng saloobin sa usaping politika, pag-ibig sa bayan at pagkamit ng kalayaan at hustisya sa kamay ng makapangyarihang tao. Si Rizal bilang halimbawa ang kanyang mapaghimagsik na mga akda sa paraan ng pagsulat at mga awiting sumasalamin sa lipunan at kultura ng bansa. Sa kasalukuyan, ito na rin ang paraan upang ipakita ang paghihimagsik ng mga Pilipinong patuloy na lumalaban sa maling pamamalakad sa ating bansa.
Sa kaso ng Pilipinas, hindi naging ganon kalaki ang ating pagpapahalaga sa mga sining na ambag ng maraming katutubo at mga sikat na pintor at iskulptor. Marahil mas tinatangkilik sa kasalukuyan ang sining ng dayuhan dala na rin ng pagiging globalisadong mundo at utak-kolonyal ng maraming Pilipino. Bagamat may ilan pa ring tumatangakilik at labis na binibigyang pansin ang sining ng ating bansa upang ipamalas na hindi pa rito nagtatapos kung ano ang ating pinagmulan. Dahil sa pagbibigay konserbatibo sa mga sining na halos ilang dekada na ang lumipas, nananatili pa rin ang mga bakas ng hirap at pagod ng mga katutubong Pilipino at lakas at determinasyon sa paggawa ng mga sining na sariwa pa isip ng mga Pilipinong nakaranas ng pananakop at panghaharas.
Iba-iba ang kategorya ng sining. Iba-iba kung paano ginawa ngunit may iisang adhikain at silbi kung bakit nilikha. Tangkilikin ang sariling atin dahil ito’y orihinal at likas pa sa ating mga katutubo. Ang pamanang hinding-hindi kukupas sa ating pagkatao. Dapat pagyamanin at mas ipadama sa ibang bansa na tayo’y may sariling identidad na likhang sining.
- Cabico, Emerson R. HUMSS 12-11







