Mahirap ang CHANGE kung hindi mo alam saan pupunta
Monterey Bay Aquarium
Game of Thrones Daily
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Not today Justin

roma★
todays bird

if i look back, i am lost
Mike Driver
tumblr dot com
RMH
Fai_Ryy

blake kathryn
The Bowery Presents

gracie abrams
NASA
art blog(derogatory)

titsay

Jimmy Eat World
$LAYYYTER
Cosmic Funnies
seen from Brazil
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Türkiye

seen from Germany

seen from Malaysia

seen from Ecuador

seen from United States

seen from Mexico

seen from France
seen from Colombia
seen from Ethiopia
seen from United States
seen from United States
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Colombia
seen from United States
@emvisiblesblog
Mahirap ang CHANGE kung hindi mo alam saan pupunta
Life update:
I feel like I’m floating on my problems—not sinking, not swimming, just hovering there. They're all around me, and I can see them clearly, but I can’t seem to move through them. I keep telling myself it’s not that bad because I’m still above water, still functioning. But the truth is, I’m tired. Tired of pretending I’ve got it under control when really, I’m just drifting. I want to move, to fix things, but I don’t even know where to start. Maybe I don’t need all the answers right now. Maybe just admitting I feel stuck is enough for today. And maybe tomorrow, I’ll try to paddle—just a little.
Nahihirapan akong i-balance lahat ng nangyayari. Both may point. Pero, iba na kasi ang generation ngayon. Mas sensitive na sila. Hindi ko alam pa'no ko na iaapproach mga kapatid. Unlike dati. Pagod pa sa work. Then, puro na lang problema. Ang daming iisipin. Pagod na katawang-lupa ko. Gusto ko bitawan pagiging panganay talaga madalas. Minsan mas ginugusto ko na sana lagi nalang may work, kahit masakit sa katawan. At late uuwi. Atleast, hindi ako nag iisip isip o nag-ooverthink. Nakakasawa. Nakakapagod isipin kung ano ba talaga dapat gawin.
P.S Pa, sana nandito ka pa. Ikaw na kumausap. Hindi ko na kayang panindigan pagiging ate o sabihin na lang nating magpakatatay para sa kanila. Lumulubog na rin ako, Pa. I need you 😭😭 Kung nandito ka, for sure magiging magaan. Ganiyan ka e. Kahit gaano kabigat, kaya mong pagaanin.
It's been a year since I wrote this
Ang mahirap kasi kapag nag speak up ka, baligtad ka pa rin. Kaya tama lang na manahimik na lang. Kapag maglabas ng sama ng loob Hindi rin nila matanggap. Kasi nga both side may mali. Tsaka di nagmemeet half way. May 3/4 at 1/4 na sides.
Do you think time will heal all wounds?
What if our wounds don't really heal? 🤔
Hold on. Keep on going!
Life update 04|2024
Wala kang ibang kakampi kundi sarili mo lang
Habang patungo ako sa tindahan natin sa palengke, bigla kitang naalala Pa. Ang bilis ng panahon, 6 yrs ka na palang nasa heaven. Nakakamiss kasama kang magtinda. Tipong walang tulugan dahil sa palengke na natutulog kapag bisperas, tapos kwentuhang seryoso na may halong kalokohan. Nakakamiss Pa. Mas naramdaman kong may kulang talaga lagi.
Salamat, Pa! Isa ka sa dahilan kung bakit 'gang ngayon pinipili kong magpatuloy.
Paalis na ako, Pa. Sana talaga ngayong January na para makabalik na rin.
Ikaw pa rin Ang sandalan at iyakan ngayong 2023!
Dalaw ako sa'yo minsan.
Love you, always 🤎🤗🥺
Hello, 2022.
Kaybilis mong lumipas.
Salamat sa'yo!
Halo-halong emosyon ang naging hatid mo.
Gayunpaman masaya akong NALAGPASAN KITA! 💪 Tamang hawak sa lahat ng mga itinuro mo ngayong taon!
Haharapin ko ang 2023 na may TIBAY, LAKAS, at NGITING handa na ulit lumaban. *Yown*
Lord, Salamat po nakaya ko!
Iba talaga tandem natin! ☺️
Mananatili sa iyong lilim, palagi.
Happy New Year, everyone! 🎉💪
Welcome, 2023
Stop letting the pressure of your situations burden you.
May mga tao naman akong pwedeng kwentuhan, sabihan o kausapin. May pumipigil sa'kin para 'di magsabi. Baka kasi hindi na naman sila makinig muna, o kaya pagsasabihan na ako agad, o kaya may makikinig man pero bakas sa mukha nilang parang paulit ulit na lang at nawawalan ng interes makinig, o kaya sasabihin na 'Kaya mo 'yan, strong ka e' , o kaya naman magkukwento ako pero maya maya 'yong kausap ko na ang nagkukwento nawala na ako sa momentum kaya hindi ko na itutuloy sasabihin ko, o kaya hindi naman nila maiintindihan. Ang hirap magkwento kapag ang daming rason kung bakit dapat 'di ka magkwento.
12/14/2022
Kaninang madaling araw, bago ako matulog napatingin ako sa salamin. Bigla Kong nasambit ang katagang 'Ang lungkot ng mga mata mo. Mukhang pagod na pagod ka na' At kusang tumulo ang aking mga luha. Ngunit, pinigilan ko. Hindi pwedeng gabi-gabi na lang umiiyak ako ng tahimik. Sobrang bigat at sakit sa dibdib na humihikbi nang palihim. Kaya naman, pinilit kong matulog at baliwalain na naman Ang nararamdaman ko. *Invalidating my own feelings, again* Nakakasawang isipin pero, kailangan kong maging matapang, dapat maging matatag ako. Hindi pwedeng ako lang iisipin ko, marami akong dapat ikonsider. Haaaaaaaaaaaay!
Hanggang kailan mo kayang magpanggap na okay ka lang. Pinipilit mo na ayos lang ang lahat.