Reaksyon sa mga dokumentaryo
a.) Pag-uugnay ng unemployment sa mga dokumentaryong pinanood.
Batay po sa mga napanuod ko po,Ang I-witness-”Ang dagat at si lolo pedro” at ang Reporter’s Notebook- “Kayod sa kalsada”. Lahat po ay meron pong trabaho ngunit hindi po kasya ang kanilang kinikita sa pang araw-araw. May mga matatanda po na 60 pataas na ang kanilang edad ngunit nagtatrabaho parin para po may pangtustos sila sa mga pangangailangan nila. Kahit po may pandemya at delikado po ang kanilang kalusugan, nagtatrabaho parin po sila kahit kakarampot ang kanilang kita. Ang iba po sakanila ay sila rin po ang nagbubuhay sa kanilang pamilya kaya po pag hindi po sila nagtrabaho wala po silang pangkain sa araw na iyon. Ang iba po ay nagkaroon silang ng sakit dahil sa trabaho nila pero hindi sila tumitigil at magpagaling.
b.) Reaksyon sa dokumentaryo
1.) Reporter’s Notebook- Kayod sa Kalsada
Ang reaksyon ko po sa dokumentaryong ito ay nakakalungkot po dahil may matatanda pong kumakayod para lang po may panggastos sa pang araw-araw. Matatanda narin po sila at dapat nagpapahinga na po sila kaso mas pinili po nilang magtrabaho. Sa trabaho po ni Lolo Charlie, Mahirap po ang kanyang trabaho at nakabilad po siya sa initan. Nagbibisikleta po siya ng ilang kilometro para po maihatid ang mga kailangang ihatid. Ang nakakalungkot po ay may sakit po siya at kailangan niya pong tiisin ang sakit na iyon. Kay Lolo Frank naman po, Nagtatrabaho po siya bilang isang magtataho at nakakaawa po siya dahil matanda na rin po siya at mahina na po ang kanyang mga binti. Araw-araw po siyang nagtitinda pero hindi po sapat sakanyang pamilya ang 150-200 pesos sa pang araw-araw.
2.) I witness- Ang Dagat at si Lolo Pedro
Ang reaksyon ko naman po sa dokumentaryong ito ay nakakalungkot po dahil napaka hirap po ng trabaho nila at napakadelikado ngunit kakaunti lang po ang kanilang nakukuhang pera. Mga 5 pesos hanggang 20 pesos lang po ang kanilang bentahan ng kanilang isda ngunit kapag binenta na umaabot ng 100 pesos. Nakakalungkot po na konti lang po ang nakukuha nila at kapag po may namatay na isda, mababawasan po ang kanilang konting kita. Maliit lang po ang kita nila kahit sila po ang humuhuli ng mga ito.











