Dahil sa mga pinapakita at sinasabi niya nag-assume ka na mahal ka niya, kaso hindi pala.
Ahh. Bigti na! Teehee.
(s) reignnangbiritera
AnasAbdin
Mike Driver
Cosimo Galluzzi

⁂

blake kathryn

JVL

Discoholic 🪩

祝日 / Permanent Vacation

Kaledo Art
todays bird

No title available
Three Goblin Art
No title available
RMH

PR's Tumblrdome
Keni
Not today Justin

Origami Around
dirt enthusiast
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Brazil
seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Brazil
seen from South Africa

seen from South Africa
@ervin08
Dahil sa mga pinapakita at sinasabi niya nag-assume ka na mahal ka niya, kaso hindi pala.
Ahh. Bigti na! Teehee.
(s) reignnangbiritera
Sa unang pagkikita'y hindi inaasahan
Kagandahan ay agad tumatak sa isipan
Mga ngiting gumapos sa aking mga mata
At ang buhok mong tunay na kahalihalina
Tadhana naman ay sadyang mapanukso
Nagbigay daan ng magkalapit tayo
Kagandahang taglay aking nasilayan
Maging sa pagpikit ay hindi malimutan
Tibok ng puso'y hindi malaman
Nang ika'y aking mahawakan
Para bagang ako'y isang paslit
Na nagkukubling nakapalipit
Habang ika'y aking pinagmamasdan
Humanga sa'yo ay hindi maiwasan
Masulyapan lang ng mga mata mong pangarap
Ay para ng nasa alapaap
Ako'y walang sinasambit
Ngunit maraming gustong ipahiwatig
Tanging ngiti at pagtitig
Ngunit maraming nais ipahiwatig
Kaya ako'y naglakas loob
Baka sakaling iyong masagot
Gumugulo sa aking isipan
Hindi alam ang dapat maramdaman
Batid ko ang iyong mundo
Katotohanang hindi ako
Makagulo ay wala sa hinagap
Ipinahayag lamang ang aking pangarap
Salamat sa magandang panaginip
Kahit ito'y isang pag-idlip
Salamat sa'yo aking mundo
Kahit saglit ay napasaya mo ako
To those who believe, no explanation needed. To those who didn't, no explanation is possible.
ervin0808
COMET 2008 - 2009
May mga pangyayari sa buhay natin na nagpangiti, nagpatawa at nagparanas sa atin ng mga bagay na kahit kailan ay hindi matutumbasan ng kayamanan sa mundo.
Buhay "HIGH SCHOOL" ang karaniwang sinasabi na pinakaMASAYANG bahagi ng buhay estudyante. Masasabi kong ganyan ang COMET! Ang pagsasamahan namin ay subok at pinatatag na ng panahon.
(BUWAN NG WIKA)
Kami ang punong abala sa buwan ng wika, lahat ay abala sa paghahanda ng mga kakailanganing dekorasyon at mga tamang kasuotan para sa gagampanan naming tauhan. Ang ginawa naming pagtatanghal ay hango sa palabas na "PINOY BIG BROTHER" ngunit hindi ito basta basta isang palabas dahil bawat isa sa amin ay gumanap bilang mga bayani ng lahing PILIPINO. Lahat kami ay nagbigay ng kanya kanya opinyon upang mapaganda ang aming palabas at sa huli ay naging maganda ang mga papuri ng mg guro sa aming pagtatanghal.
(FIELD TRIP)
Hindi ko na matandaan kung saan saan kami nagpunta nito, ngunit ang maliwanag pa sa isip ko ay ang mga KALOKOHAN naming pinaggagagawa, andyan ang WACKY FACE nila KINO, ANDREW at RA sa bawat lugar na palagay namin ay nakakatawa, ang batuhan ng mga "junk foods" sa bus, ang kantahan habang bumibyahe, at syempre ang pagkuha ng mga litrato, kahit pagod na pero kapag narinig na ang salitang "PICTURE" tatakbo at tatakbo yan at sabay ngiti.
(CHRISTMAS PARTY)
Syempre sa lahat naman ng estudyante ang pinakahihintay ay ang christmas party, nagkaroon kami ng maliit na pagtitipon sa classroom at simpleng mga palarong pangbata na amin namang kinagiliwan, bago naman kami nagkaroon ng magandang party ay maraming problema ang nangyari bago ito naging matagumpay, medyo nahuli yung pagkain namin dahil sobrang traffic nung mga panahong yun pero nagawan naman ng paraan at nakakain na din kami, sobrang pagod din ang inabot namin para malagyan ng mga palamuti ang buong silid, hindi ko ito makakalimutan dahil naging masaya kaming lahat at nangibabaw ang kahulugan ng pasko.
(FOUNDATION WEEK & INTRAMURAL)
Sobrang dami naming ginawa nitong mga araw na ito, pero masaya dahil halos lahat ng ginawa namin ay naging matagumpay. nagkaroon kami ng "MARRIAGE BOOTH" dito at nagkaroon din kami ng "SILENT DRILL", lahat ng kalokohan na pwede naming gawin ay ginawa namin, para kaming mga nakawala sa kulungan sa sobrang ligalig, minsan tamang tambay lang sa damuhan at konting kwentuhan at kung minsan ay bigla nalang kaming tatawa dahil may nakita kaming bagay na nakakatawa, ganun kami talaga kahit simpleng bagay ay nagagawa naming kakatuwaan. Bawat isa sa amin ay mas naging malapit sa isa't isa sa mga pagkakataong ganito, medyo nakakabitin ang isang linggo para sa amin.
(JUNIORS AND SENIORS PROM)
Ito ang huli naming prom na maatenan, kaya lahat samin ay talagang pinaghandaan ito, kailangan lahat kami ay todo sa proma at eleganteng tignan, ito ang gabi ng mga puso na sabihin na nating "nagkakaintindihan" dahil ito na ang pagkakataon na maari mo siyang isayaw at sabihin ang dapat mong sabihin, natural na lang sa ating mga kabataan ang mga ganyang sitwasyon. Nakakapaniba ang gabing ito dahil kung titignan mo ang lahat ng nakapaligid sayo ay mararamdaman mong para bang dalaga at binata na kami noong mga oras na iyon, pino kung gumalaw at matikas kung kumilos. Na-enjoy namin ang bawat sandali ng gabing iyon at syempre pagkatapos ay nagtipon kami sa bahay nila Bang at dun itinuloy ang kasiyahan, hindi man kasama ang iba pero naging masaya parin kami.
(ARAW NG PAGTATAPOS)
Ang araw na ito na ata ang pinakamalungkot at pinakamasayang araw ng buhay namin, oras na para tahakin namin ang ladas na dapat naming puntahan, andyan ang iyakan habang kumakanta ng "FAREWELL TO YOU MY FRIEND" at nagyayakapan na para bang ito na ang katapusan ng aming mga mundo. Naaalala ang bawat sandaling lagi kaming magkakasama, sa hirap o sa kalokohan man, na aming itatago at ituturing na kayamanan kailanman. Ganun pala ang pakiramdam na par bang ayaw mo ng umalis at matapos ang gabing iyon dahil alam mong sa sandaling umalis ka ay baka hindi na kayo muling magkita pa. Makikita mo sa bawat isa sa amin kung gaano namin pinapahalagahan ang bawat araw, oras at sandaling kami'y nagtawanan. Walang sinuman ang gustong umalis sa kanilang mga kinatatayuan at panay ang yakapan at kuhaan ng litrato ng isang makasaysayang oras ng aming mga buhay. Ngunit ganyan talaga ang buhay, lahat ay may katapusan at kailangang magpatuloy at gawing mas makabuluhan.
(AFTER 4 YEARS)
Lumipas man ang maraming taon ay nandito parin kami, minsan nagkakaroon ng panahong magkita-kita at magkamustahan, patunay na hanggang ngayon ay kami ay magkakaibigan. Ngayon ay abala kami sa kanya-kanyang propesyong tinatahak.Nakakamiss maging HIGH SCHOOL, pero ang mas nakakamiss ay ang mga panahong alam mong tumatawa ka kasama ang mga TUNAY mong mga kaibigan.
TEN YEARS FROM NOW GANITO PA KAYA TAYO? :)
BAGYONG "HANGING HABAGAT"???
Tuwing darating ang malakas na ulan sa ating bansa, karaniwang tagpo na ang mga bahang kalsada, umaapaw na ilog at dam, at suspensyon ng mga klase sa iba't ibang bayan na nasalanta dulot ng masamang panahon, halimbawa na dito noong Setyembre ng taong 2009 noong hinagupit ng Bagyong Ondoy ang Pilipinas. Marami sa ating mga kababayan ang nasawi, nawalan ng tirahan, nawalan ng kabuhayan, at na trauma sa nangyari, ngayon ay mukhang naulit ang nakaraan
Ika- 7 ng Agosto taong 2012
Walang bagyo, walang hudyat ng bagyo ngunit ang Metro Manila at mga karatig lungsod at bayan ay lubog sa baha.
Personal kong naranasan ang maipit sa daan dahil sa malalim na baha, dahilan ng huling paganunsyo ng suspension ng mga klase sa aming paaralan. Nakita ko ang mga kapwa ko estudyante na nakayapak lamang at walang atubiling lumusong sa baha para lamang makauwi ng ligtas sa kanilang bahay. Habang humahanap kami ng mga kaibigan ko ng paraan upang makaalis at makaiwas sa baha ay bumungad sa amin ang rumaragasang tubig na dumadaloy sa kakalsadahan sa maynila na parang animo'y isang ilog sa gitna ng lungsod, nagdesisyon kami na bumalik sa pinanggalingan namin at maghintay na lamang ng sasakyan, at sadyang mabait ang Diyos at kami ay nakasakay at nakauwi sa kani kanilang tahanan. Habang ako ay naglalakbay pauwi ay nakita ko ang mga basurang palutang lutang at sumasabay sa agos ng tubig sa gitna ng kalsada. BASURA ! isa sa mga sanhi ng pagbaha dito sa Pilipinas. Matagal na nating alam ang bagay na ito ngunit hanggang ngayon ay yan parin ang dahilan ng mga malakihang pagbaha sa dito sa ating bayan.
Ano nga ba ang dahilan?
Ako ay napaisip at inilagay ang sarili sa sitwasyon, at aking napagtanto ang napakalaking problema ng ating bansa.
Basura ba ang tunay na problema?
Hindi lang basta basura ang problema, hindi lang basta kawalan ng maayos na dam at imprastraktura.
ipinapakita ng larawang ito ang tunay na problema
DESIPLINA NG BAWAT TAO! yan ang pinaka matinding problema at patuloy na lumalaki dahil sa mga maling paniniwala at asal ng bawa't isa sa atin na hindi nabibigyan ng tamang aksyon.
Bawat tao ay may kakayahang makapagisip at malaman ang tama at mali ngunit nakakalungkot isipin na halos lahat sa atin ay hindi ito nagagamit sa wastong paraan. Ang mga basura nating itinapon kung saan-saan, naisip mo ba na itapon ito sa talagang dapat nitong pagkalagyan? ang pondo na dapat na nakalaan para sa mga pagpapagawa at rehabilitasyon ng mga imprastraktura, naisip mo ba na huwag itong tipirin o kaya naman ay nakawin at gamitin sa personal mong intensyon? ilan lang yan sa mga katanungang sumagi sa aking murang isipan. Wala kang karapatang magturo o maghanap ng masisisi sa trahedya na iyong sinapit kung ikaw mismo ay hindi gumawa ng paraang tulungan ang sarili para iwasan ito.
Tama na ang pagtuturo ng daliri sa ating gobyerno, kung kayo mismo ay walang ginawang paraan para makaiwas sa mga sakuna, nagmamatigas pa na iwan ang inyong bahay at kapag tumaas ang baha tyaka magpapalikas at higit sa lahat ay ang isipin ang pansariling kaligayahan habang ang kalikasan ay patuloy na nasisira dahil sa ating kasalaulaan.
Panahon na ng pagbabago, huwag nalang tayo basta umasa sa tulong ng iba, matututo tayong tumayo sa sarili nating mga paa at magtulungan upang malinis at mapaganda ang kapaligiran at laging tandaan na ang bawat mumunting basura na ating itatapon ng walang matalinong desisyon ay malaki ang dulot na trahedya kapag ang kalikasan ay naghamok. Panahon na din po ng pagbabago sa mga maling nakagawian, huwag na nating hintayin pa na maulit ang ganitong trahedya ay makasama pa sa libo libo nating mga kababayang nasawi at pinagdamutan ng kapalaran.
KABALIWANG MAITUTURING
Sa unang tingin ako'y iyong nabihag,
Para bang ang puso ko sayo'y nalaglag.
Di malaman bakit hinahanap-hanap,
Ang mga mata mong bituing pangarap.
Paghangang ito'y hindi matatawaran,
Dahil sa buhay ko'y ikaw ay dumaan.
Bawat galaw ng kamay tinitignan,
Bawat ngiti ay napapanaginipan.
Kahibangan bang maituturing ito,
Nais lamang malaman mo ang totoo.
Pakiramdam ko'y hindi pangkaraniwan,
Tanung lamang, dapat ba itong iwasan?.
Tadhana naman ay sadyang mapanukso,
Nagbigay daan na magkalapit tayo.
Kagandahang taglay aking nasilayan,
Maging sa pagpikit ay hindi malimutan.
Ikaw ay nalapitan at nakausap,
Pinagmasdan ang ngiti mong pinangarap.
Kaligayahan ay hindi matawaran,
Ngunit ito'y huwad na katotohanan.
Mga sulyap mo'y siyang aking pagngiti,
Mga ngiti mo ay akin namang tangi.
Isip ko'y biglang bumulong sa emosyon,
Nililinlang ka ng sariling ilusyon.
Maraming gustong ipahayag at gawin,
Ngunit ang araw at oras ay kulang sa'tin.
Mamarapatin pa kaya ng tadhana?,
Kung ang hiling ay muli ng makita ka?.
Masaya ako at dahil nandyan ka na,
Ngunit nangangambang bukas wala ka na.
Mundong ginagalawan ay magkaiba,
Hindi alam kung magkakalapit pa ba.
Presenting the Loyola siblings. Kristel on percussion and main vocals, Ervin on guitar, Paolo on beatbox.
“Life is like riding a bicycle - in order to keep your balance, you must keep moving.”
Albert Einstein