Mga Alaalang Kalakip ng Isang Kanta
I.
Ngayon lang, hayaan mong umiyak ang sarili mo.
Ilabas lahat ng sakit na matagal mong kinimkim sa puso mo.
Na dahil lahat ay nagbago na.
Lahat ay nawala na.
At wala ka nang magagawa.
Ngayong gabi, iiyak mo lang.
Walang makakarinig sa mga palahaw mong puno ng pait at sakit.
Walang makakaalam at nakakaalam sa sakit na nararamdaman mo.
Dahil sa lahat nga ay nagbago na.
Walang may alam sa hinagpis ng puso, utak at katawan mo. Â
Walang may pakialam.
Kahit siya na hinihiling mong magkaroon ng pakialam.
Ngayong gabi, ilabas mo lahat ng hinagpis at sakit na nararamdaman mo.
Para sa mga pangakong alam mong mapapako.
Sa mga pangarap na sabay niyong binuo pero hindi na matutupad
Kagaya na lang ng pangakong sabay kayong magtatapos ng pag aaral at magiging legal sa pamilya niyo pagkatapos ng ilang taon.
Ang pangakong pang habang buhay at ang mga biruang pamamasukan sa kanilang bilang isang kasamabahay.
Kasabay ng pag iyak mo, ang pag dagsa ng alaalang nagbiruan kayo sapagkat hindi raw niya kailangan ng kasambahay dahil tiyak na sisirain mo lang ang pamamahay nila.
Ang mga biruan na magkapatid ang turingan na naging dahilan ng pagtatampo mo.
Ngunit ng gabing iyon, nagkaroon ka ng pag asa.
Sa mga tingin niya, sa mga sinabi niya.
Sa pag akay niya sayo kasi nga nalasing ka sa strawberry wine.
Sa bracelet na binigay niya.
Simple lang pero napangiti ka.
Nang gabing iyon, natatak yun sa isipan mo dahil ang gabing iyon ang sandal kung saan sabay sabay kayong natulog na magkakaibigan.
Sa sumunod na gabi ay tampuhan.
Nang malaman niyong hindi lang pala ikaw ang binigyan ng bracelet.
Pero pagkatapos ng iyakan, nagkaayos ang lahat.
Masasaya at masasakit na alaala.
Lahat nang iyon ay kasama siya.
Ang mga sandaling tago ang pagkikita.
Mga sikretong pagkikita sa pinag aaralan mo.
Sandaling magkahawak ang kamay niyo at nagbibiruan.
Mga gabing magdamag na magkausap sa telepono.
Biruan at pagseselos sa ex niyang hiniwalayan niya nang dahil sayo.
Mga pag aaway niyo dahil sap ag eenertain niya sa mga nagkakagusto sa kanya.
Sino ba naman ang makakalimot?
Ah. Oo nga pala.
Sinong makakalimot sa araw na nagkaaminan na?
Araw iyon ng pagtatapos mo sa sekondarya.
Nasa labas ka non dahil napag utusan kang maghatid ng pansit sa mga kaibigan ng pamilya mo.
Nakita mo ang bisekleta niyang gamit ng isang babae.
Nagtaka ka dahil alam mong nasa bukid siya at tinutulungan ang tatay niya.
Pero nagulat ka nang makita mo siya.
Araw na iyon, nalaman niyang gusto mo siya.
Nakatingin ka lang sa cellphone mo dahil sa nahihiya ka.
Pero nagulat ka nang sinabi niyang bakit hindi na lang alisin ang pagiging magkapatid sa inyong dalawa?
Magkasama kayo sa tropa na ang turingan ay kapatid.
Iyon ang naging dahilan ng pagtatampo mo isang gabi.
Magkapatid.
Pero noon, sinasabi niyang alisin ang pagiging magkapatid.
Namula ka.
Hinampas ang katabi.
Kung kaya naman naputol ang bracelet na binigay niya.
Hindi mon alam ang gagawin noon. Pero naayos iyon.
Ah. Sino bang hindi makakalimot? Sa naging tawagan niyo?
Isa kang babaeng mahilig sa kanta at nang panahon na iyon, kanta ni Demi ang naibigan mo.
Night and Gale.
Todo ang kilig mo nang tawagin ka niyang Gale.
Night and Gale.
Nightingale.
Pero isang gabi, bawal man.
Nagkita kayong magkakaibigan.
Sa kwarto mo, magkakausap kayo.
Pero dumating ang mga magulang mo.
Nagalit sila.
Pinalayo ka.
Binantayan kang parang preso.
Bago sila umalis, patago mo siyang niyakap.
Iyon ang una.
Pero yun na rin pala ang huli.
Tandang tanda mo pa ang mukha niya noon.
Ang mga mata niyang humihingi ng kapatawaran.
Pero ngumiti ka lang.
Nagpakatatag at sinabing okay lang.
Kinabukasan, nagbago na ang lahat.
Matindi na ang pag ayaw ng pamilya mo sap ag kakaibigan niyo.
Mistulang naging sumpa ang pangalan nila sa pamilya mo na nagdudulot ng galit sa mga magulang mo sa tuwing nababanggit.
Nag dusa ka ng maraming buwan.
Mula sa mga patutsada ng magulang mo, lola, lolo.
Pati nga mga kamag anak mo.
Hinusgahan ka at pinahirapan.
Pero walang nakaalam.
Hindi mo pinaalam.
Dahil ayaw mong sisihin ng mga kaibigan mo ang sarili nila.
Kaya naman kinimkim mo sa sarili mo ang lahat.
Lahat lahat.
Dumating ang maraming buwan.
Kinailangan mo nang umalis para sa kolehiyo.
Napunta ka sa malayong lugar.
Doon na nagbago ang lahat.
Siguro nga, tinulungan ka ng paaralan mong palawakin ang pag iisip mo.
Sabi mo nga, nag mature ka.
Pero alam mo sa sarili mo.
Natuto ka lang wag pansinin ang sakit na nararamdaman mo.
Gusto mo siyang makita.
Gusto mo silang makita.
Mayakap, makausap sa personal.
Natuto kang itago ang lahat at ngumiti kahit na hindi niyon naabot ang mga mata mo.
Natuto kang lokohin ang sarili mong nararamdaman.
Sabi mo masaya ka. Totoo iyon.
Pero hindi ka masaya ng buo.
Kulang ang nararamdaman mo.
Pero pinilit mong ikubli ang nararamdaman mong sakit.
Priorities sabi mo nga.
Oo, priority mo ang pag aaral mo.
Dahil sa wakas, naintindihan mo ang lahat ng pasakit ng mga magulang mo.
Lahat ng hirap na dinadanas nila para sa iyo.
Pero sa pagpili mo, alam mong may mawawala.
Alam mong sa pagpili mo, kailangan mong may bitawan ka.
Pamilya mo o sila.
Mahal mo siya, sila.
Pero mas mahal moa ng mga magulang mo.
Kaya naman nang gabing iyon, pikit mata mong sinabi sa kanya ang mga katagang
âI give up.â
 Alam mong marami kang panunumbat na matatanggap.
Pero bilang natuto kang lokohin ang sarili mo, sinabi mo na lang sa sarili mong hindi ka nasasaktan at okay lang.
Pinilit mong wag mag isip.
Paglalaro sa umaga, pag aaral, pagsasayaw hanggang gabi, pag aaral.
Hindi ka naglaan sa sarili mo ng panahon para makapag pahinga dahil alam mong bibigyan mo lang ang sarili mo ng panahong makapag isip kung nagkataon.
Alam mo na sa ginawa mong desisyon, mamamatay ka.
Unti unti mong pinatay ang sarili mo.
Pero hinayaan mo lang.
Dahil para sa iyo, iyun ang tama.
Sa ginawa mong desisyon, may bagay kang pinapahalagan na makakamit pero kasabay noon, may mawawala rin sa iyo.
Sa pag uwi mo, alam mong wala ka nang babalikan.
Wala kang karapatang mag reklamo dahil ikaw ang may gawa noon.
Ikaw ang nagdesisyon.
Hindi mo na sila pwedeng balikan.
Hindi pwede.
Pamilya mo.
Priorities nga.
Hindi magiging maayos ang lahat hanggaât hindi ka nakakatapos, pati na rin sila.
 Kaya naman sa pag uwi mo, hinanda mo na ang  sarili mo.
Nagkaroon ka ng maraming oras na mag isip.
Ngunit ayaw mo.
Ayaw mong sirain pa ang sira nang pagkatao mo.
Kung kaya naman pinili mong huwag lumabas at itulog na lang.
Nang sa gayon, hindi ka makapag isip.
Pero isang gabi, hindi sinasadya, may narinig ka na lang na kanta.
Nakakatawa dahil kahit anong iwas mo, mapapaisip ka pa rin pala.
 Sa dami rami na ng ating pinagdaanan, ngayon mo pa ba maiiisipang isuko ang lahat ng ating pinagsamahan
 Oo. Ngayon ka pa nga sumuko.
Dahil takot ka.
Ayaw mong bitawan ang pamilya mo.
Mas pinili mong pasayahin ang pamilya mo kaysa pasayahin ang sarili mo.
Kaya naman ngayon, labis kang nahihirapan.
Na minsan, hinihiling mo na lang na sana mawala ka na.
Naalala mo pa ang araw na tumawag siya sayo. Tanda tanda mo pa ang mga katagang sinabi niya âGanun na lang ba kadali sayong bitawan kami?â
Gusto mong sumagot ng hindi.
Gusto mong sabihin na hindi mo ginusto ang lahat.
Pero alam mo na pag nagsalita ka, bibigyan mo lang siya ng dahilan para ayusin ang lahat.
Na hindi pwede.
Dahil buo na ang desisyon mo.
Kaya naman kasabay ng pagpatak ng luha mo, pinatay mo ang tawag.
Dumapa ka na lang at umiyak sa unan mo.
Minsan, hinihiling mo na lang n asana hindi ka na gumaling sa sakit mo.
Na sana ikaw pa rin yung dati na bigla na lang mawawalan ng memorya.
Pero simula nang gumaling ka, naging permanente lahat ng alaala mo.
Natatandaan mo lahat.
II.
Ngayon gabi. Hayaan mo ang sarili mong mag isip.
Umiyak at masaktan.
Dahil walang makakaalam.
Walang nakakaalam.
Maliban sa unan mong basa na.
Sa kumot mong gusot gusot na.
At sa laptop mong kaharap mo.
Walang nakakaalam kundi ang silid mong pinatayan mo ng ilaw.
Walang nakakaalam.
 Binura mo lahat ng pag uusap niyo.
Sa cellphone.
Facebook at kung saan saan.
Dahil ayaw mong dumating sa puntong paulit ulit mong babasahin ang mga pag uusap niyo.
Pero ngayon gabi, natagpuan mo na lang ang sarili mong binabasa ang mga usapan niyo sa group chat.
Ah. Oo nga pala.
Mayroon noong nagselos ako sa isang babae dahil siya ang madalas niyong kasama sa tropa.
Pero sabi niya, ikaw lang ang kaibigan niya.
Ha. Ngayon pa ba? Sa lahat ng nagawa mo?
Noong gabing huli mo siyang nakausap, tumatak sa isip mo ang sinabi niya
âKung nakita mo lang siya noon.â
Hindi mo ikinakaila.
Walang ibang dapat sisihin kundi ikaw.
Ikaw lang naman.
Ikaw kasi itong tanga na walang inisip kundi ang sarili niya.
Ah. Oo nga pala.
Maraming gabi na sabay kayong nag hihintay ng 11:11.
Tanda mo pa nga yung gabi na nagising siyang takot na takot.
Dahil sabi niya, may itim na nakatayo sa paanan niya at hindi siya makagalaw.
Paos ka nun pero nag send ka ng VM ng hail mary para lang pakalmahin ang kaibigan mo.
Mga panahon na sinamahan mo siya sa graduation niya.
Panahong kinuntsaba mo pa ang mga pinsan mo para lang hindi ka isumbong sa pagkikita niyo. Ano pa?
Ah. Yung nalasing ka tapos umiyak ka.
Pero dumating siya at binigyan ka ng toblerone.
Ngayong gabi, hinayaan mo ang sarili mong mag isip.
Alalahanin ang lahat ng alaala.
Lahat na ngayon ay wala na.
 Ngayong gabi, kasabay ng sakit na nararamdaman mo, sinabi mong ito na ang huli.
Pero hindi ka sigurado.
Nakailang sabi ka na ba ng ito na ang huli?
Ngayon gabi. Sana ito na ang huli.
Dahil pagod na pagod ka nang masaktan.
Masakit na diba?
Sobrang sakit na.
Ngayong gabi, hayaan mo ang sarili mong umiyak.
Dahil bukas babalik ka na naman sa dati.
Yung ikaw na nagtatago.
Ikaw na niloloko ang sarili mo.
Ngayong gabi lang, ngayong gabi lang.












