Para sa paborito kong Kambal. Maligayang kaarawan po sa inyo! Mahal ko kayo pareho 💛💛
d e v o n

⁂
Xuebing Du

祝日 / Permanent Vacation

izzy's playlists!

oozey mess
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
No title available
YOU ARE THE REASON
taylor price
i don't do bad sauce passes
almost home

JBB: An Artblog!

Love Begins
Lint Roller? I Barely Know Her
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open

Origami Around
$LAYYYTER

#extradirty
Keni
seen from United States

seen from Uruguay

seen from Germany
seen from United States
seen from China

seen from United States

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from United Kingdom
seen from Türkiye

seen from United States
seen from Türkiye
seen from Türkiye

seen from United States

seen from Uruguay

seen from Germany
seen from United States

seen from Brazil
seen from Indonesia
seen from Brazil
@foundlostwords
Para sa paborito kong Kambal. Maligayang kaarawan po sa inyo! Mahal ko kayo pareho 💛💛
SEPTEMBER 27, 2009.
Naaaalala ko yung araw nato, mamamalengke sana kami ni ate Mary Jane nung makasalubong namin si kuya Jerry. Sabi nya may fellowship daw sa simbahan nila, may service naman papunta at pabalik kaya sumama daw kami kasi masaya doon. Hindi ko alam pero convincing yung mga sinabi nya, kaya sumama ako. Sapilitan pa noon yung pagpayag ng papa ko kasi taong bahay lang naman talaga ako (at 13 palang ako) kaya ayun, dinaan sa masusing paalamanan bago ko napapayag si papa.
Pagdating sa Simbahan na sinasabi ni Kuya, may sumalubong na dalawang lalaki sa akin (i think si Kuya Karlo at Ron yun) they welcomed me, kinausap at tinanong tanong ng kung ano-ano. Part ata talaga yun ng gawain nila lalo kapag first timer ka para mafeel mo agad na welcome ka. Nahihiya talaga ako noon, at syempre naiilang. Hindi naman kasi ako sanay na ganun yung atensyon, pero aaminin ko naweweirduhan lang talaga ako sa pakiramdam na yon..
At nagsimula na nga ang Service nila. Umakyat sa stage yung dalawang emcee (nagulat ako sila din yung sumalubong sakin pagpasok ko kanina).Tinawag nila ako sa stage kasama nung iba pang bagong invite. Pinagsalita kami isa-isa, tinanong kung ilang taon at saan nakatira (Nakakatawa kasi kapag sinabi mong 14 ka na, sisigaw sila ng “katorse” palabaas ni erich yun noon. hahaha) hiyang hiya talaga ako noong araw na’yon. Pero ansaya agad sa pakiramdam kasi may nakilala akong iba.
Praise and Worship na. Akala ko weird na yung pakiramdam na kulitin ka sa tanong ng di mo kilala pero wala ng mas weweird sa nakita ko noong mga oras na iyon. Pinatay ang mga ilaw, may mga umakyat sa harapan. Dalawa o tatlo ata yung kumakanta. May drummer at gitarista. Akala ko may concert dahil pagtugtog nila, nagsasayawan at kantahan na ang lahat. Nagtutulakan at tumatalon, kita ko sa kanila na masaya sila sa ginagawa nila. Habang ako ayun, naiiyak kasi natatakot talaga ako. “Ang weird naman dito” Yan yung nasa isip ko habang nililibot yung mga mata sa mga kabataang tuwang tuwa noong mga oras na yon. “Anong ginagawa nila, dapat ba tumalon din ako kasabay nila?”
Wala akong maintindihan. Hanggang sa may nagsasalita na sa harapan. Youth Pastor daw nila. Tatay Mark ang tawag nila sa kanya kaya naki-Tatay narin ako. Marami syang sinabi (syempre di ko na maalala) at pagkatapos nya, may babaeng lumapit sa akin. Ann daw ang pangalan nya. Hiningi nya yung kaunting oras ko, syempre wala naman na akong magagawa kaya sumama ako. At doon, sa lugar at oras na ‘yon, dun nya ako binahagian ng Salita ng Diyos. Pinaliwanag nya sa akin kung bakit sila naroon. Sinabi nya sa akin yung mga unang bagay na dapat kong malaman Bilang mananaampalataya ng Panginoon. Hindi ko agad naintindihan lahat, pero dahil sa araw na iyon, hanggang ngayon ako ay nagpapatuloy.
Nasundan pa yung mga Linggo na sumasama ako sa kanila. Payagan o hindi, nanatili akong matyagang magpaalam para Makasimba. Dumadating sa point na iniiyakan ko ang di nila pagpayag. Iniiyakan ko yung mga Linggo na wala ako sa lugar na iyon, yung lugar na nakita kong weird noong una pero naging lugar ng kasiyahan sa akin hanggang ngayon. At Oo, hanggang ngayon ay masaya parin ako kapag pumupunta roon. Ngayon alam kong alam ko na kung bakit sila tumatalon sa tuwa habang kumakanta. Ngayon alam ko na kung bakit kailangan kausapin ka kapag bago ka. At ngayon, Alam ko na kung bakit ginagawa nila lahat ng iyon. Alam ko na kung bakit. Alam ko na.
Ito ang unang araw na Pinakilala Ka nila sa akin. Hindi naman siguro aksidente na Ikaw ang maalala ko sa tuwing sasapit ang araw na ito. Madalas maalala ito ng iba bilang masalimuot na araw nila (Ito kasi yung araw pagkatapos ng Ondoy) pero ako, ito ang laging naaalala ko. Kung paano Mo ginamit ang mga taong nakilala ko noon para makilala Kita. Kung paano mo ginamit yung pagkakataon para mapunta ako Sayo, makita ko yung mga anak mo.. Maranasan kong magtaka para humanap ako ng sagot sa tanong at Ayan ka. Ikaw ang sagot sa lahat ng tanong at pagtataka. Ikaw pala ang dahilan ng Pagtalon at pagkanta nila. Ikaw pala ang dahilan bakit lahat ng nakilala ko noon ay Masaya. Ikaw pala.. Salamat at nagpakilala Ka
Ito ang unang araw na nakilala kita.
Simula noon. Siyam na taon narin pala akong masaya…
Siguro. Sana.
Kamusta ka?
Kamusta ka?
Balita ko madalas, hindi ka raw masaya.
Maraming tao ang pilit nagpaparamdam sayo na mahalaga ka
Pero bakit? Bakit mas gusto mong mag isa?
Kamusta ka?
Sa harap ng iba, ikaw daw yung taong masayahin
Kayang patawanin lahat basta iyong naisin.
Pero bakit? Bakit sarili mo'y hindi mo pasayahin?
Kamusta ka?
Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kalungkot na mga mata..
Pakiusap, sabihin mo saan masakit?
Hindi mo man sabihin sa akin kung ano ang tunay na dahilan ng lungkot
Hindi mo man aminin kung bakit hanggang ngayon ikaw ay nasa likod parin ng nakaraan mong nakakatakot
Sana tandaan mo ang nais kong iparating kapag sinabi kong "Kamusta ka"
Dahil ang katumbas ng "Kamusta ka" ay mga paalala na sana..
Sana wag mong ipagkait sa sarili mo ang maging masaya
Hindi ginawa ang iyong labi para laging ingiwi,
Tumawa ka. Wag mong ipagkait dito ang PAG NGITI
Hindi nilikha ang iyong mga mata para maghapong lumuha.
Buksan mo ang iyong mga mata, wag mong ipagkait dito ang makita ang mundo na maganda
At higit sa lahat,
Hindi nilikha ang puso mo para itago nang tuluyan sa iba.
Nilikha ito para magmahal. Wag mong ipagkait dito ang magmahal at mahalin.
Kaya sana naiintindihan mo na ako kapag tinanong kita kung kamusta ka.
At sa bawat pagsisinungaling mo kung ano ang tunay na kalagayan ng puso mo, kaakibat nito ang panalangin sa puso ko.
Na sana kahit saan ka dalhin ng tadhana, piliin mong maging masaya
Gamitin mo ang iyong mga mata para makita ang magagandang bagay sa paligid mo,
Sa ganun ay magbigay ngiti ito sa mga labi mo.
At kapag nakasanayan mo ang pag ngiti, unti unti mo naring matututunang mahalin ang mundo, kalaunan ay ang sarili mo.
Wag mong pilitin. Sana lagi mong piliin.
Kamusta ka?
Sana wag kang matakot sumaya.
Sa tuwing mag-isa lang ako, nakahiligan ko ng isipin ang lahat ng bagay. Kaya kanina sa byahe, bigla ko nalang naisip kung ano kayang mangyayari sa buhay ko. Malapit na ako magtapos (huhu gagraduate ako Lord, diba? 😇) magkakaroon kaya ako ng trabaho na gusto at pasok sa hilig ko? Yung sasapat para makatulong ako sa parents at masunod naman ang luho ko. Mapag-iiwanan kaya ako? Yung tipong lahat na ng kabatch ko may trabaho, pero ako ay dakilang tambay? Kakayanin ko kaya? Kaya ko kaya? I am so busy worrying about what might happen in the future, but then the Lord urgently told me this (YES. Kasi naisipan ko nalang magbasa basa sa byahe kanina kesa mag-isip hanggang makarating ng Sta. Mesa) : . . Whether you turn to the right or to the left, your ears will hear a voice behind you, saying, “This is the way; walk in it.” Isaiah 30:21 . . He reminded me not to worry about the future, and not to focus my attention on what lies ahead of me. Instead, to focus on how God has always delivered me, trusting God to direct every step of the way. ❤ Nakakagaan ng pakiramdam. Akala ko mag-isa lang ako kanina, nakalimutan kong walang oras na hindi ko Sya kasama. ❤❤😇😇
If this year has gotten off to a bad start for you, if you’ve already taken a beating, if you’ve felt the intensity of expectation and demand, if you’re feeling a little hopeless, if the reality of change and growth seems like a distant dream because you’re certain you’re stuck in a never ending rut… Reach. If you’re the pillar of strength in your family when things go wrong, if you’re the one everybody turns to, if your heart is a treasure trove of hurts and burdens you’ve forgotten to lay down, if things haven’t worked out quite how you’d have hoped they would by now… Reach. If you’ve forgotten how to make lemonade from life’s lemons, if you’re unsure of what lies ahead, if you’re afraid to take risks and rise to challenges and you’re experiencing a deep feeling of loneliness and emptiness… Reach. If your everyday life is a mountainous climb, if you’re holding too tightly to the baggage that’s weighing you down, if you’re keeping score of all the wrongs people have done to you, if you can’t remember what it feels like to experience peace and a sense of belonging… Reach. If worship and prayer feels like a chore, if you’ve lost sight of your dreams, goals and ambitions, if exhaustion has become a part of who you are, if navigation and direction are impossible to understand… Reach. Reach out, reach up, reach around… Reach for Him. In moments of despair and turmoil; moments of confusion, misplaced trust and moments of disheartened longing - reach for Him. At the tips of your outstretched fingers, He is waiting. At the outward extension of your hearts position - He is there… Reach. He is ever present, ever loving, ever comforting and ever clarifying. He is ever guiding, ever providing and ever adoring… Reach. Reach for Him as though your life depends on it; as though another breath will not come unless you experience just one more moment in His presence. Reach because you owe it to yourself to not sit down, throw in the towel and wipe your hands of trying; reach because He is worthy, and you are worth it. Position yourself, fill your lungs with patience, your heart with desire and your mouth with honesty and reach; He will meet you in the extention.
Follow @jacinta.nest on Instagram for more inspiration and faith based devotions. Personal: @heykinta
People give me advice like I’m an idiot with no self awareness, but the truth is, I know what I need to do. But that doesn’t make it any easier.
I'm happy that you're happy
Remember this photo? Ito yung panahon na ang saya nating apat nila mama at papa. Naglalakad tayo pauwi habang palubog na yung araw. This day, alam ko hindi lang ako yung masaya. Ikaw din. Kasi unang beses nating apat lumabas ng ganito, masaya lang at walang kahit anong inaalala. Masaya lang tayong pamilya. Nag-uusap, nagtatawanan at excited lang umuwi sa bahay. Ang saya noh? Haha. Kaya ngayong Birthday mo, lagi mo sanang alalahanin sa mga susunod na araw yung gantong moments natin as Family. Alam ko hindi perpekto sila mama at papa, maging ako na ate mo, pero lagi mong tatandaan na pamilya tayo. Andito kami para gabayan at suportahan ka, alagaan kapag masakit puson mo, bilhan ka ng damit kapag may gusto ka (basta kasya sa budget ni mama) o ano pa man kapag may kailangan ka. Lagi nating isipin lahat ng masaya, para hindi lumayo ang loob kay papa :) Okay ba bunso? Mas iparamdam natin sa kanya yung love kapag tinotopak sya. At iparamdam mo pa sa aming Family mo na mahal mo kami. Wag na lagi simangot! Hahaha. ILoveYou. Kahit hindi ko laging nasasabi ILoveyou. Kahit madalas hindi kita pinapansin ILoveYou. Kahit hindi kita tinutulungan minsan magEnglish 😂 ILoveYou. Kahit isipin mo o maramdaman mo na mas mahal ko pa ang ibang tao kesa sayo. I used to thank God kasi mas naging Close na tayo. We can now talk to each other about everything, random thoughts sa school or sa kahit ano. We can now share what we feel, tawanan mga napagkakasunduan nating trip o kalokohan. At sa bagay na yun, nagpapasalamat ako. Kasi napaparamdam ko na sayo yung Love ko. I Love You Yoy! Kahit inaaway mo ako madalas, kahit hindi mo ako sinusunod, at kahit mas ate ka pa umasta sakin. Mahal kita! Ayokong may umaway sayo, ayokong nahihirapan ka, ayokong umiiyak ka! Okay? :) Andito lang lagi si ate. Wag na pasaway ha? Makinig sa amin ni mama. At lagi mong iingatan ang kalusugan mo. Ano man ang sakit na nararamdaman mo, doble yan sa nararamdaman namin ni mama kapag nakikita ka naming nasasaktan. Umiiyak o namimilipit sa sakit. Doble yan sa pag-aalala namin sayo, wag lang lumala ang kondisyon mo. Kaya sana makinig ka na, sundin mo na lahat ng payo at bawal sayo :( Please? Para gumaling ka na.. At tulad ng picture na to. I am always looking forward na darating ulit yung time na magiging masaya tayo ng ganito. Kaya kapit lang ha? Babawi si ate sa celebration ng debut mo. Maibibigay ko rin sayo mga luho na gusto mo, at makikita rin nila mama at papa lahat ng gusto nilang makita sa ating dalawa. Kapit lang, lalo kay Lord. Hmm? Naniniwala ako na may maganda Syang plano sayo, at syempre sa family natin. Wag tayong mawawalan ng hope sa Kanya. Lets wait patiently sa mga ipaparanas at ipapakita Nya ❤ Happy Happy birthday ulit sis. I Love you, and i will always do! ❤
Bukod sa word, shared thoughts at food, ito talaga yung highlight ng buong magdamag namin 😂😂✌✨ #QualityTimeWithLoves (at Brgy. Bagong Silangan)
Ito na yata ang lesson na kahit kailan hindi matututunan ng puso ko.
Chill ✨
I consider that our present sufferings are not worth comparing with the glory that will be revealed in us. Romans 8:18 NIV *Hindi naman ganon kaPerfect yung araw namin. Una kasi maulan. Sumunod yung nilakad namin ang araneta hanggang Welcome rotonda. Napatambay sa malapit na mcdo dahil gutom na kami. Masaya na sana kasi busog at madaming napag-usapan. Pero anlupit ng Pangatlo, ang haba ng pila sa Sandigan 😂😥😢😢😢 andami pa naming nakitang banggaan. But then were both Happy tonight! Tulad ng verse na nabasa namin, hindi man naging maayos lahat this day, God revealed something na itetreasure naming dalawa. Yun ay yung oras kasama ang isat.isa. We are stucked because gusto ni Lord na iEnjoy namin ang oras naming dalawa. Pinag-antay kami kasi gusto ni Lord na marami kaming mapag-usapan at matuto sa isat.isa. Natraffic at pumila ng mahaba para matutong mag-antay, dahil kahit matagal, pareho kaming makakauwi ng ligtas at masaya. ❤❤❤ #101116 #Grateful #mcdoislife🍟😂☝
You can’t fully experience joy unless you know deep pain.
http://www.pktfuel.com (via pktfuel)
Gusto kong lumalim, Pero di ako nangangahas lumusong. Gusto kong languyin ang dagat ng pag-ibig mo Pero takot ako. Bakit takot parin akong malunod kahit alam kong sasamahan mo ako?
Be willing to be uncomfortable. Be comfortable being uncomfortable. It may get tough, but it’s a small price to pay for living a dream!
www.pktfuel.com (via pktfuel)