Bumili ako ng iPad. 😍
Ang tagal kong pinag-isipan ito. Pero, di ako nagsisisi ngayon. Worth it! Ang ganda hahaha pagpasensiyahan niyo na, first time e! Nakakakilig kasi. Ang daming feature na pasok sa trip ko. Ang daming cute stuff. Ang gaganda. I love it!
Isa ito sa best treat ko para sa sarili ko. Sa tagal kong nagtratrabaho, ngayon lang ako nakabili nito. Pinangarap ko rin naman talaga ito, pero di ko akalain na makakabili talaga ako nito. Basta, iba ang feeling. Pero di naman brand new ito, however goods na goods kasi kakilala ko ang nagbenta at alam kong maalaga siya sa gamit. So, ayun. Thank you po. 😍








