Segundo pa lang simula nung mag-online ka
Saya ang naramdaman, Kinabahan, Nataranta
Hindi mawari kung bubuksan ba ang chat box o tititigan na lang ang active mong ngalan
Sa sobrang tuwa, paglog-out moโy di na namalayan.
Lubhang ikinagulat ang iyong pagkawala
Ang tuwaโy napalitan ng labis na pagkadismaya
Minuto pa lamang ang lumipas ng ikaโy mawala
Agad na ikaw ay nais nang makita.
Ang segundo at minutoโy napalitan na ng oras
Ngunit patuloy pa rin nakatitig sa iyong ngalan
Umaasa, naghihintay, bumubulong ngย โsanaโ
โSanaโy bumalik ka na, nais kitang makausap.โ
Ang panahon ay sadyang lumipas na nang pagkatagal-tagal
Dumaan na ang mga sandali, pagbalik niyaโy wala pa rin
Napapansin mo man, buhay moโy sinayang mo na,ย
Lubha ka pa rin nagpapakatanga sa pagtititig sa screen
Mapapaisip ka na lamang,ย โTama pa ba na ikaโy hintayin?โ
Para bang wala naman nangyayari sa aking gawi
โI-chat ko na lang kaya?โ iyong nawari,
Ngunit kahit itoโy gawin, wala ka pa rin pake.
Dito pa lamang, akin nang naiisip
Kung segundo ka lamang nagtagal, paano na kaya yung โtayoโ?
Kung minuto pa lamang ikaโy umalis na, ikaw rin ba ang unang mamamaalam sa atin?
at kung oras pa lamang ang lumipas ng iyong pagkawala, kakayanin ko pa kaya?
Ngunit pawang mga kababawan ko lamang ang mga ito.
Dahil ANG SEGUNDO, MINUTO AT ORAS MOโY KAILANMAN HINDI PARA SAKIN.