Tahimik ang gabi. Naririnig ko ang mga kotseng dumadaan. Ang mga poste ay nagpapatay sindi. Ang buwan ay nakatingin sa akin at tumitingin din ako pabalik sakanya. Sa dalas kong gawin ito, minsan naiisip ko kung naiisip ba ng buwan na tanungin kung ano ang nararamdaman ko sa bawat gabi na magkasama kami.
Malamig ang simoy ng hangin at parang bumubulong sa akin na âSige, isa pa.â Isa pang subok. Isa pang hithit. Walang pipigil.
Sinindihan ko ang bagong sigarilyo pagkatapos kong itapon ang isa na ngayon ay upos na. Sa bawat pagpasok ng kemikal sa aking katawan, ramdam ko ang sa aking lalamunan ang init na namumuo na nabibigay ng ginhawa sa tuwing ako ay kadalasan malalim ang iniisip.
âMasaya ka sakanya?â Narinig ko nagtanong ang daigdig.
Bakit natin kailangan matutunan ang isang bagay na alam na natin ang sagot? Alam kung saan tutungo. Bakit maramot ang oras? Bakit ang kasiyahan ko ay tila isang katawa tawa, isang pantasya?
âBakit ang mga tao ay mahilig magtanong. Mahilig makuha ang mga bagay at humiling pa ng mas higit pa sa sapat.â Sagot ng daigdig.
Kailanman hindi ko naramdaman na may matatawag akong akin. Laging mali. Laging masakit. Laging sandali. Laging baka sakali. Laging dapat magpigil. Laging mali ang sumugal, kahit ito ang inaasahang gawin ng sangkatauhan para magpatuloy ang prinsipyo ng buhay.
âMasaya ka ba sakanya?â Tanong nito muli. âIyon ang unang kong tanong, bakit hindi mo masagot?â
Gusto ako maging masaya. Ng mga tao sa paligid ko. Ng mga mahal ko. Ng Dyos. Pero paano ako magiging masaya, paano kami magiging masaya sa isang hiram lang? Sa isang sandali? Sa mga pigil na sigaw ng aming damdamin?
âHindi ba dapat ang sandali na binayaya sa iyo ay dapat mo panghawakan?Bakit hindi mo siya yakapin ng mas mahigpit ngayon?â
Wala akong hiniling. Kung hindi maging masaya.Â
âHiniling mo, pero hindi mo pinipili.â
Hindi ko na napansin na nauubos na pala ang sigarilyo na nasa gitna ng aking mga daliri. Tuluyan ito nagiging upos. Tinapon ko na lang ito at balak na kumuha ng bago.
Nawala ang imahinasyon ko na kausap ang daigdig. Bumalik ang realidad. Ang sigarilyo. Ang lamig. Ang usok. Siya.
Mas tumahimik ang gabi. Ang buwan ay kasama ko pa din, pero parang hindi.Â
Sa mga panahon na ito, biglang pumasok sa aking isip.
Hindi man ako sa huli, pero sa bawat sandali na siyaây nasa aking tabi at may ngiti na lumalabas sa kanyang labi habang siya ay nakatingin sa akin, ramdam ko ang ligaya na gumuguhit sa kanyang pisngi.
Maaaring sa mga panahon na ganito, ako ay kanyang pinipili.
âAng tagal mo naman nag yosi. Hinahanap ka na namin.â Biglang sulpot ng isang lalaki walang kamalay malay na hinihiling ko makasama siya sa daidig.
Kinuha ko ang kaniyang kamay at bigla ako nagtanong, âBakit ka naririto?â
âKasi kaaarawan mo?â Ngiti niyang sagot.
âBakit ako narito.â Tumigil siya magsalita saglit. âKasi masaya ako. Basta masaya ako narito ka. Kuntento na ako.â
âMasaya din ako.â Ngiti kong sinabi.
âKasi kasama kita ngayon.âÂ
Kahit hindi hanggang sa huli.
Salamat sa daigdig. Sa pag rinig sa aking hiling.