Dear Self,
I know you're seeing yourself in a same situation again. You are in the worst point of your anxiety and depression, you feel so heavy in your heart that you can not even explain and tell how and where those fucking feeling comes from.
What I will do? What should I do?
Ang bigat bigat! Sobra! Ang hirap!
But, it's okay to not be okay. Right? So, go on. Allow yourself to whatever it feels, cry in a silence, covering your mouth with your hand while other one wiping your tears of sadness, tears of regrets, tears of being sinner, tears of being unfair person, tears of being a cheater, tears of being bad, thinking why?! Why the fucking you of all the people in the galaxy?!
Bakit ako?! Bakit sa akin?! Bakit ako napasok sa ganitong sitwasyon?! Bakit ako pumayag?! At bakit hindi ako makaalis?!
Siguro, ito na yung pinaka matapang na bagay na gagawin ko sa buong buhay ko. Ito na yung pinaka magandang desisyon na gagawin ko para sa sarali ko;
To tell and accept the truth.
Aminin at tanggapin sa sarili ko ang totoo;
I am a cheater. At malamang sa kaya ako nagkaka ganito madalas, dahil nilalamon ako ng matinding konsensya ko sa tuwing sarili ko na lang ang kasama ko. Nagsisinungaling ako, hindi lang sa sarili ko at sa taong nagmamahal sa akin, kundi sa napakaraming tao na nakaka alam kung ano at sino ako.
Pero sino na nga ba ako? Kahit sarili ko hindi ko na kilala. Aaminin ko, ni hindi ko na yata matandaan kung kailan ako huling nagpaka-ako. Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling tiningnan ng matagal ang sarili ko sa salamin. Hindi ako makatagal titigan ang sarili ko, kasi ibang iba na. Malayong malayo sa dating ako. Hindi ko na kilala ang sarili ko.
Naligaw na ako ng direksyon, ang layo layo na yata ng pagbabagong narating ko, na hindi ko na alam kung nasaan yung way pabalik. O baka....dahil ayoko ng huminto at gusto ko na lang magpatuloy kahit hindi ko alam kung ano yung nasa dulo ng direksyon, kung ano yung nasa daan na nilalakaran ko.
Alam ko nahihirapan ka na ng sobra, kasi hindi mo alam kung dapat bang sabihin mo pa sa kanya ang lahat, o hayaan mo na lang na sarili mo ang magdala, kasi siguradong matinding sakit at bigat na naman sa dibdib ang pwedeng maging kapalit.
Normal pa ba? Maiintindihan pa ba? O kaya, may makaka intindi pa ba sayo kung sarili mo mismo hindi mo maintindihan?
Ang tanga ng tanong. Pero diba nage-gets mo?












