Maraming nagtatanong, bakit daw ba hindi ako nagsasawang i-promote yung banda namin?
Yun bang mga artist na pinapakinggan mo ngayon, tingin mo ba nagsawa silang igapang yung musika nila at magic o swerte lang na naabot nila yung status ng banda nila at naririnig ang kanta nila sa radyo o 'di kaya'y hinahanap ng tao ang kanta nila sa internet?
Ang sagot hindi.
Hindi sila tumigil sa pagsisikap. Malamang meron din ibang mabilis na nakahanap ng mga tao na makakatulong sa kanila para marinig ang musika nila sa masa. Pero nandoon pa din yon, nagsusumikap sila at hindi sila tumitigil.
Ang pangarap ko, marinig sa radyo ang kanta namin at maka-inspire ng ibang tao through our experience. Gumagawa na kami ng musika simula pa lamang 13 o 14 years old. Ngayon ay 27 na ako pero ayaw pa din namin tumigil kasi naniniwala kaming may patutunguhan yung hindi namin pagsuko sa para marinig at gumawa ng musika.
Malaki ang pasasalamat ko sa mga taong nagbigay ng oras para pakinggan ang kanta namin. Sobrang laking tulong na noon para sa amin, dahil kaya kami gumagawa ng musika ay upang marinig.
Kung gusto mo din makatulong sa amin, pwede mo pakinggan ang musika namin dito.
Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sa iyo. Maraming maraming salamat.














