No title available
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
𓃗
taylor price
NASA
ojovivo
KIROKAZE
No title available
One Nice Bug Per Day

Kiana Khansmith

gracie abrams
Noah Kahan
Cosmic Funnies

Jar Jar Binks Fan Club
d e v o n

No title available
Sade Olutola

#extradirty

if i look back, i am lost
Show & Tell

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from India
seen from Venezuela
seen from Italy
seen from Malaysia
seen from Malaysia

seen from Kenya
seen from Italy
seen from United States

seen from Brazil
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Indonesia

seen from United States
seen from France
seen from Spain
@i-am-the-sea
Apat na Salita
Nakapagtataka, Ayoko na sanang isipin pa Pero sa haba ng panahon, Ikaw ay napanaginipan ko pa.
Araw araw aking sinasambit. Ikaw sana'y hindi malapit. Ngunit nakita kita nang ako'y pumikit. Sa pag dilat ko ang nasabi ay ‘Bakit?’.
Sa aking panaginip Ikaw ay nandon Nagtataka man ang aking isip Bulong ng puso'y ‘wag na sanang magising’
Sabi mo ikaw ay babalik. Sa araw araw ako ay sabik. Sa totoong buhay yan ang iyong sinabi. Bakit ngayo'y iba na ang iyong katabi?
Sa panaginip ko'y ikay nakangiti. Ni-isang salita ay walang sinambit. Sa panaginip ko'y ikaw umalis. At apat na salita ang aking nasambit.
‘Babalik ka pa ba?’ Ang apat na salita. Ang ulit ulit kong nasabi, habang ika'y papalayong nakangiti.
Buti pa sa panaginip wala kang sinabi ngunit ikaw ay nagbalik.
Kakalimutan ko na. Kakalimutan na kita.
Kakalimutan ko na, Ang araw na una tayong nagkita. Mga araw na inaantay mo ako na may ngiti sa iyong muka. Mga araw na tayo ay masaya, Na ikaw lang at ako ang bida
Kakalimutan ko na. kung paano mo ginulo ang buhay ko. Kung paano mo kinulayan ang mga ito. Kung paano ako pinasaya ng mga kwento mo.
Kakalimutan ko na. Ang mga sinabi at pangako mo. Mga pangarap ko. At ang salitang ‘Tayo’.
Kakalimutan ko na. Kung paano kita minahal. Kung paano mo ko minahal. Kung paano mo sinabing babalik ka, mahal.
Kakalimutan ko na. Ang mga ngiti mo, Ang pag pikit ng yung mga mata. Ang lahat ng sayo.
Kakalimutan ko na. Ang nararamdaman ko. Ang mga pantasya ko na baka ikaw at ako parin ... sa dulo ...
Kakalimutan ko na. Hindi dahil lahat ng katanungan ko ay nasagot na. Kundi, wala na palang dahilan para kumapit pa. Pagod na kong mag hintay sa wala. Sa mga sagot mong walang kasiguraduhan. Sapat na lahat ng narinig ko at sakit na naramdaman. Ayoko na.
Pero natatandaan ko. Kung paano mo ko sinaktan, mahal. Kung paano mo ako pinaasa sa mga sinabi mo, mahal. Kung paano mo sinabing ‘ikaw lang’ pero bakit nagmahal ka ng iba, mahal. Alam kong kaylanman ay hindi magiging sapat ang salitang 'Ako' para saiyo aking Mahal.Â
At higit sa lahat. Tatandaan kong kakalimutan na kita, mahal..
Sigurado ka ba?
Sana kung babalik ka pa, Sana yung sigurado ka na. Yung walang ka nang iniisip Balikan o puntahan pa. Yung deretcho lang. Yung ikaw lang at ako ang magkasama. Baka kase nalilito lang ang puso mo, Sa mga salitang sya o ako. Kase mahirap na. Baka sa dulo ako na lang mag-isa.
Kasunduan
Gumawa tayo ng kasunduan. Ikaw ay mangako. Kapag kinausap ka nyang muli at siya ay bumabalik. Pakiusap lang sana sabihin mo. Di ako magagalit o magtatampo. Gusto ko lamang ay sabihin mo yung totoo. Wag kang malilito. Simple lang ang sagot dito. Kung pipili ka, wag ako. Di ako makikipagtalo. Wag mong isipin ang mararamdaman ko. Dahil maging masaya ka lamang ang tanging hiling ko. ... Di ako magagalit o magtatampo. Eto ay aking pangako.