Jules of Nature
Cosmic Funnies
Sade Olutola
i don't do bad sauce passes

Origami Around
$LAYYYTER
Sweet Seals For You, Always

JBB: An Artblog!
Alisa U Zemlji Chuda
noise dept.
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

No title available
YOU ARE THE REASON
AnasAbdin
Peter Solarz

Product Placement
trying on a metaphor
Show & Tell
hello vonnie

★

seen from Thailand
seen from United States
seen from Poland
seen from Italy
seen from United States
seen from United States
seen from Mexico
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States

seen from United States
seen from Thailand
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Malaysia
seen from United Kingdom
seen from Italy

seen from United States
@iamdwightakasuperman
“Continue to share your heart with people even if it has been broken.”
— Amy Poehler, Harvard Speech (via hplyrikz)
Clear your mind here
(via hplyrikz)
“I am tired of pain. This thing that’s necessary, inevitable and leaves too many scars. I am tired of being so sensitive to anything that triggers my wounds to bleed.”
— Juansen Dizon, Tired human
Ako Muna #igersmanila #9pmhabit #instadaily #pinoy #LoveYourself #vsco #photooftheday https://www.instagram.com/p/Bv1LS_zgEgd/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1lv6s7l9n5xcs
“Sometimes the best revenge is just a simple smile, to let them know you’re doing just fine.”
— - Unknown (via thelovenotebook)
“Meeting you was may favorite accident”
— (via jumbastard)
“You came at the most unexpected time when I no longer want to be loved.”
— (via ninjago-ka)
“You see the line where the sky meets the sea? That’s where we are, because we were never meant to be.”
— (via ninjago-ka)
SUPERMAN https://www.instagram.com/p/BvYLsd2A_Zk/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1xs1xpmil0v1n
Laban lang, walang bawi. https://www.instagram.com/p/BvYK-2Bg9Vw/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=14hb7dq3ou9t3
“MAGMAMAHAL KA ULIT GAYA NOONG UNANG BESES MO ITONG SINUBUKAN.”
Halos 100 milyong bagong selyula ang nabubuo sa loob ng katawan natin sa loob lamang ng ilang minuto at halos 100 miyon din ang namamatay. Araw-araw, halos isang daang pirasong hibla ng buhok ang nawawala pero napapalitan din ito kaagad. Yung outer layer ng balat mo, napapalitan every 35 days. Yung patay na kuko mo tumutubo ulit after 6 months. Panibagong set ng red blood cells ang dumadaloy sa mga ugat mo every after 4 months. Nagkakaroon ka ng bagong skeleton every 10 years at nagreregenerate ang muscles mo every 15 years.
Kung kaya ng iba’t-ibang bahagi ng katawan mo, kaya rin ng puso mo. Darating din ang araw na yung taong itinuring mong malaking bahagi ng buhay mo ay magiging parte na lang ng malungkot mong dati na hindi na dapat balikan. Mawawala din siya sa sistema mo at hindi ka na kakainin ng nakaraan. Maghihilom ang lahat ng elemento ng sakit at galit. Hindi man ganung kadali, mahabang panahon man ang bilangin, ilang bilyong bagong selyula man ang magpapalit-palit sa loob ng iyong katawan, pero darating ka rin doon. Malay mo, sa pagpapalit na ‘yon, maaring dahan-dahan ding pinapalitan ang emosyon mo hanggang sa magising ka na lang na wala na yung dating pagtingin. At kapag nangyari ‘yon, para ka na ulit bagong nilalang. At ang bawat durog na piraso ng puso mo ay mabubuo ulit gamit ang natitirang pirasong hawak naman ng iba para ibigay sa’yo ng buo.
Magmamahal ka ulit sa panibagong pagkakataon gaya noong unang beses mo itong sinubukan.
Why we are still single?
WHEN “BAKIT DI KA PA NAG-AASAWA” TURNED SINGLE-SHAMING
Andito ako sa point ng buhay ko na sa susunod na may magtanong kung kumusta na ‘ko, sasasagutin ko agad ng, ‘Eto nananakal ng mga taong may follow-up question kung bakit di pa ako nag-aasawa.” ‘kase, “Mga pakshet silang lahaaaaaattttt.”
Ang totoo, chill lang naman ako kapag may nagtatanong sa’kin kung kelan ako mag-aasawa. Kasi hindi naman yan ganun ka-big deal sa’kin. Iniisip ko na lang, “Ah baka may i-ooffer lang na life insurance na naka-family bundle or baka gusto lang nilang marinig kung may identity crisis ako or ano.” Ganun.
Pero iba ‘tong nakausap ko nitong huli. Out of nowhere, bigla na lang tumabi sa kinauupuan ko. Nangumusta ganyan tapos ang ending, as usual, yung usapan sa kung “BAKIT HINDI PA AKO NAG-AASAWA.” You know, malaking difference yung tanong na “Bakit hindi ka pa nag-aasawa” sa “Kelan ka mag-aasawa.” Kapag kasi “bakit”, tipong may halong panghihimasok ng pribadong buhay. Na parang obligasyon mong mag-explain kahit wala naman dapat. Kapag sinagot mo naman sila ng, “Naku. Gustong-gusto ko na nga din. Kaya lang walang dumadating.” Ang ending, it’s either sabihan ka ng, “Eh paano kasi ang pangit mo.” o irereto ka dun sa matronang may-ari ng majongan sa kabilang barangay o dun sa kaibigan ng pinsan ng kakilala ng kapatid niya na nagtatrabaho daw sa Dubai. Feeling leftover ka tuloy na kung kani-kanino na lang ibinugaw para hindi masayang. ( Pakshet dun sa word na “sayang.”) So bilang defense mechanism, malumanay ko na lang siyang sinagot ng, “Darating din tayo diyan. Kalma lang tayo.” Pero parang hindi ata siya satisfied sa naging sagot ko. Para akong contestant sa PGT na kapag hindi siya convinced sa sagot ko, biglang magrered buzzer. So sabi ko na lang, “In God’s perfect time siguro.”Para pag di pa rin convinced ang bilat pwede ko siyang sagutin ng, “So kinukwestyon mo yung mga plano ni Lord sa buhay ko?!!” Pero siyempre hindi ko pa rin sinabi kasi baka bigla na lang magbasa ng verse ng Bible sa harap ko. Pero hindi pa rin niya ako tinigilan. Humirit pa ng,
“Mag-asawa na huy. Tumatanda ka na. Ano pang iniintay mo. Tingnan mo ako kuntento na sa buhay. Aanhin mo yung pera mo kung hindi ka mag-aasawa. Sinasabi ko sa’yo, mas masarap ang buhay may-asawa. Kawawa ka pagtanda.”
Palalampasin ko na sana kaya lang nainsulto ako ng intense dun sa part na “Kawawa ka pagtanda.”na parang may pagbabanta. Ang balasubas niya sa’kin shet. Like tanginamoatehanggangbirthdaymo, kawawa yung tingin mo sa’kin ganun? Gustong-gusto kong depensahan yung sarili ko noong mga oras na ‘yon pero andaming kuda ni ate so hindi ako nabigyan ng chance. Ang nasa isip ko lang nun, gusto kong higitin yung tonsil niya at ibilad sa likod ng ref para hindi na makaimik. Kaya ngayon, hihimayin ko yung bawat salitang sinabi niya at sasagutin ko isa-isa.
1. “Mag-asawa na huy.”
Baket may patago ka? Sagot mo pa-catering?
Dii ba pwedeng tanungin muna kung kelan ako magkakacrush tapos M.U. tapos gerlpren tapos first monthsary tapos first anniversary tapos kelan magpopropose tapos kelan magkakafiancée? Then dun mo pa lang ako pwedeng tanungin kung kelan ako mag-aasawa? Nasa Tinder stage pa lang ako. Wala pang nagsswipe right asawa na agad?
Tska wag masyadong feeling significant at concern na parang special mention ka ‘pag nagspeech ako sa reception dahil ikaw ang nag-push sa’kin na mag-asawa ako. WALANG GANON. Hindi ka imbitado. BLACKLISTED KAHANGGANG SA DEBUT NG APO KO.
2. “Tumatanda ka na.”
“So may countdown? Bakit ikaw ba sa pabata? Tska hindi mo kelangang ipaalala. Nagbibirthday ako every year so updated ako sa edad ko.”
3. “Ano pang iniintay mo,”
“Wala akong kailangang hintayin kundi ang pag-alis mo sa harapan ko.”
4. “Tingan mo ako kuntento na sa buhay.”
“Akshwally, halata namang kuntento ka na sa buhay kaya pati buhay ko pinapakialaman mo din. Magyayabang ka lang pala di mo agad sinabi para nainform ako ng mas maaga.”
5. “Aanhin mo yung pera mo kung hindi ka mag-aasawa.”
“IBIBIGAY KO SA’YO ‘PAG NAGHIRAP KA.”
6. “Sinasabi ko sa’yo..”
“KELAN KO HININGI ANG OPINYON MO”
7. “Mas masarap ang buhay may-asawa.”
Eh di good for you. Sinabi ko bang hindi? “Happiness is relative kase. Kaya stop comparing YOUR happiness to my OWN happiness. We define our own happiness so please stop defining mine.
8. “Kawawa ka pagtanda.”
“Pero meron ding nakakaawa pagtanda dahil ipinagpalit ng asawa sa iba tapos hindi na binalikan.”
Seriously, nakakaawa talaga? Single-shaming to the maximum level raise to the nth power.
Tapos kung ano-anong pangaral at sermon pa yung sinabi kung gaano kasarap ang buhay may asawa na parang kinacounselling ako sa loob ng rehabilitation center. Kulang na lang patayin yung lahat ng ilaw sa paligid, itutok ang spotlight sa mukha ko, lagyan ng posas at piring at ipatorture kay Cardo Dalisay na parang may nilabag akong batas at isang malaking krimen ang nagawa ko dahil hindi pa ako nag-aasawa. Na sinasayang ko lang daw ang buhay ko at hindi ko matatagpuan ang ‘tunay na kaligayahan’ kapag nanatili akong single.
Tangina.
WHAT. A. CONCEPT.
Wala akong pakialam kung sila yung pinakamasayang tao sa mundo, deserve nila yan. Deserve yan ng kahit sino actually. Pero please lang, stop single-shaming. May mga taong kuntento na sa pagiging single, sa ngayon. Pero meron din namang struggling pa rin para mahanap yung tamang-tao para sa kanila. We don’t really know what other people are going through kaya wag sanang i-pressure na parang hindi nila naranasan ang maging single. Sila kaya ang tanungin ng,
“EH IKAW? BAKIT DI KA PA HINIHIWALAYAN NG ASAWA MO?”, everytime na magtatanong sila kung kelan tayo mag-aasawa.
PARA SAME CONCEPT. SAME PRINCIPLE. SAME DEGREE. TSKA PARA FAIR.
Be single-sensitive naman kasi.
10 REASONS TO CELEBRATE ‘VALENTINE’S DAY’ PARA SA MGA SINGLE
Ang totoo, wala naman talagang Valentine’s Day. Ito ay isang imaginary day lamang ng mga magjowang adik at lango sa pag-ibig na wala sa sariling katinuan. Base kasi sa mga naunang kalendaryo na nahukay ng mga archaeologists sa likod ng bahay namin, ang kasunod ng February 13 ay 15 na agad. At sa paglipas ng panahon, nilagyan na lamang ito ng 14 para unawain ang kanilang halusinasyon. At tayong mga single lamang ang may sapat na dunong at kaalaman para intindihan ang kanilang sinapit. At ito ay gawa-gawaan ko lamang dahil, “WALANG MAGVAVALENTINES!!!!!”
Pero siyempre, dahil bawal ang bitter ngayong Araw ng Pag-ibig, dapat medyo ibahin natin yung mindset natin para sa ikatatahimik na rin ng ating kalooban at iba pang internal organs.
1. Maging excited sa Valentine’s Day dahil ito ay bisperas ng payday. #Payaman
2. Ang Valentine’s Day ay isang marketing strategy lamang na pinauso para mabilis maubos ang mga tindang tsokolateng maeexpire sa March. Paandar lamang ito para utuin ang mga magjowang sweet-sweetan sa social media. The point is, hindi tayo nagpauto. Hindi tayo nagpaloko at hinding-hindi na tayo magpapaloko kahit kanino. #NeverAgain
3. Kung malungkot tayo dahil mag-isa tayo ngayong Valentines, isipin mo na lang, wala din namang nagmamahal sa’tin kahit nung mga nakaraang araw. So ganun lang din, naemphasize lang ng very light.
*Magkapit-kamay tayo at sama-samang mag-walling sa banyo in slo-mo habang humahagulhol.
4. Makakatulog ka ng mahimbing sa gabi dahil alam mong hinding-hindi ka niya lolokohin at ipagpapalit sa iba. Meron kang tinatawag na peace of mind. Kasi nga, wala ka namang ngang jowa di baaaa.
5. May time ka para yayain lumabas ang mga kaibigan mong single at iparamdam sa kanilang hindi sila nag-iisa ngayong Araw ng mga Puso. Kahit ang totoo, gusto mo lang silang tipunin para makasigurado kang wala din silang ka-date kagaya mo. Dahil kapag hindi masaya ang isa, dapat hindi masaya lahat. Para damay-damay na ituuu.
6. Isipin mo na lang na ang February ay sinadyang gawing hanggang 28 lamang para mabilis matapos ang Buwan ng Pag-ibig. Para March na kaagad. Ang kalendaryo na ang nag-adjust para sa mga single na kagaya natin para di na tayo magdusa pa. Ang Marso ay buwan ng paghihiganti. Lalavan tayo.
7. Valentine’s Day is the Ultimate Landi Day. Ito yung best day para maging mapanuri, mapagmatyag at mapagmasid. Dahil habang busy ang iba sa mga ka-date nila, mas visible sa paligid mo kung sino din yung mga single na gaya mo dahil wala din silang ka-date.
8. Pansamantalang magnilaynilay at mag #MeTime. Tapos paulit-ulit itong banggitin sa sarili hanggang magsink-in, “Maaaring single ako ngayon at matagal na naghintay, pero malay mo, bukas o sa mga susunod na araw at buwan ….wala pa ring nagbago, single pa din ako. Pero ano naman, sorry Up Dharma Down pero hindi ko kelangan ng sasagip sa’kin. I’m single and I’m sufficient.” tapos pakyuhan mo mga haters.
9. Take this day to remind yourself that it’s no one’s job to complete you, fix you and validate you ‘coz your happiness and worth is not dependent on your relationship status. Choice mo man o hindi na maging single, kuntento ka na sa ngayon o patuloy ka pa ring naghihintay, kahit kelan hindi yan naging isang kakulangan.
10. Kung hindi mo kayang maging masaya dahil ‘single’ ka pa, sa ngayon, siguradong hindi din ikaw yung tipo na kayang maging masaya kapag ‘in-a-relationship’ ka na. Marahil magiging masaya ka at the moment pero in the end yung kakulangan pa rin ng isang bagay ang palagi mong makikita. Kaya’t habang single ka, samantalahin muna ang pagkakataon para i-appreciate ang kung anong meron ka. Mahalin muna ang sarili at ang pagmamahal na binibigay mo ay kusang babalik ng higit pa sa inaasahan mo, sa paraang gusto mo at sa pamamagitan ng taong nakalaan para sa’yo.
Sa ngayon, hangang #SelfLove muna tayo. Then to follow up na lang yung ibang anik-anik.
THE ART OF “BALAKAYOJAN”
Kapag sobrang toxic na ng mga tao sa paligid natin to the point na nagiging second-rate version na lang tayo ng mga sarili natin, it’s time to learn the “Art of Balakayojan.”
“Balakayojan” is a pinaikling expression for “Bahala kayo sa buhay niyo mga pakingshet kayo you’re not worth my time gagu.” Cinompressed sa isang word lang dahil dedicated ito sa mga taong di na dapat pinag-aaksayahan ng panahong kausapin kaya minadali na lang bigkasin. Gets? So kapag binigkas mo, dapat bitch-resting face, monotonous at walang kahit anong emosyon. Kasi nga, lakampake. Like, “Duh. hu u.”
Parang ganito,
Para dun sa crush ko na hindi ka naman ako crush, “Balakajan.” Move on to another crush na lang. Dun ako sa crush ko na crush din ako para justice is well-served. Dun tayo sa may patutunguhan ang panlalandi natin.
Kapag feeling mo hindi ka ‘belong’ sa isang grupo, “Balakayojan.” Hindi mo kelangang mag-adjust para lang magustuhan ka o piliting baguhin ang sarili mo para sa iba. If you don’t belong, make your own or be on your own.
Para dun sa mga ang hilig manlait na akala mo kung sinong perpekto, “Balakayojan.” Ganun talaga umatake yung mga taong madaming issues sa buhay. Pilit dinidivert sa’yo ang problema dahil hindi nila kayang ihandle yung sarili nilang sitwasyon.
Para dun sa mga nagsasabing, “Feeling maganda/gwapo photogenic lang naman.” ‘Feeling mayaman di naman.” “Uy feeling sexy flat naman.” “Feeling famous di ko naman kilala.”, “Balakayojan!” Let people feel what they want to feel. Hayaan niyong mag-feeling. Feelings nila yun. Hindi tayo entitled sa kaligayahan ng ibang tao.
Para dun sa mga magaling lang pag may kailangan tapos kapag nakuha na ang gusto hindi ka na ulit kilala, “Tanginaniyobalakayojan.” Ano ako ahensya ng gobyerno? Show ni Willie? May pa-charity event? Next time Sa DSWD kayo dumulog.
Para dun sa mga tinuturing lang tayong option, “Balakayojan.” Dun tayo sa kung saan tayo ang priority at di mapapagod iparamdam na hindi ka lang isang parte ng pagpipilian. Sadyang ikaw lang. Wag mong hayaang masira yung konsepto mo ng self-love dahil lang sa mga nakakapanget na tao sa paligid.
Para sa mga taong ang tingin sa’tin hindi tayo enough, “Balakayojan.” Mga pakingshet kayo, ubos na ubos na nga ako kulang pa din para sa inyo? Dun ako sa taong hahayaan akong magtira para sa sarili ko dahil para sa kanya sapat na ako.
Para dun sa boss mong ngarag, puro utos, palaging may kinikilingan, at abusado sa posisyon, “Balakajan.” Gawin mo mag-isa yang trabaho mo! Baket ikaw ba nagpapasweldo sa’kin ha?! Pero siyempre joke lang ‘to kasi ayoko mawalan ng trabaho. Hehe labyubossmuahmuah!
Para dun sa mga taong hindi makita yung worth mo, “Balakayojan.” Mas maraming deserving sa atensyon na binibigay mo. Masarap sa pakiramdam kapag yung bawat effort mo gaano man kaliit, malaking bagay pa rin para sa iba. Deserve mong maramdaman yan in full-package.
We often lose ourselves kapag hinahayaan nating i-define tayo ng ibang tao sa paraang gusto nila. Learn the Art of Dedmatology. I-let go ang mga taong hindi naman deserve panghawakan. Bawasan ang negativity sa mundo. Simulan sa paligid mo. Kung ayaw ka nilang lubayan, dedmahan mo na lang. Mas masarap iparamdam na wala kang pake kesa pag-aksayahan ng emosyon at panahon ang mga walang kakwenta-kwentang bagay. Mas nakakapikon kapag effort na effort silang sirain ang araw mo pero ikaw, “Lakompakebalakayojan.”
Malay mo, slowly, we will find our way back to ourselves.
BAKA KAILANGAN MO MUNANG HUMINTO SAGLIT
Sabi nung isa, “Buti pa siya ang ganda ng trabaho sa abroad samantalang ako andito pa rin sa Pinas.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya magkakasama sila ng pamilya niya sa Pinas samantalang ako mag-isa lang dito sa abroad.”
—-
Sabi nung isa, “Buti pa siya may asawa at mga anak na.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya, ang sarap ng buhay pa-travel travel na lang. Single kasi.”
—
Sabi nung isa, “Buti pa siya may lovelife. Samantalang ako 29 na single pa din.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya single. May time pa rin magwalwal kasama ang tropa niya.”
—
Sabi nung isa, “Kainis. Ang bobo ko talaga. Isa na lang mapeperfect ko na yung exam.”
Sabi naman nung isa, “Pakshet. Isang point na lang nakaabot sana ako sa passing score.”
—
Sabi nung isa, “Gusto ko na magresign. Ang kupal ng bisor ko!”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya may trabaho.”
—-
Sabi nung isa, “Buti pa siya busy sa negosyo. Siguro ang yaman na niya.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya may peace of mind, pa-Netflix Netflix na lang.samantalang ako stressed sa negosyo.”
—-
Sabi nung isa, “Buti pa siya masaya.”
Sabi naman nung isa, “Buti pa siya mas masaya.”
—-
Gets mo? Minsan, yung mga bagay na inirereklamo mo ngayon, hindi mo alam matagal na palang pinapangarap ng iba.
Sa lahat ng sitwasyon palagi tayong may makikitang kulang. Palagi nating makikita kung ano ang wala tayo kaya pakiramdam natin hindi pa rin sapat. Kasi mali yung konsepto natin kung paano maging masaya. Ang ginagawa nating basehan ng kaligayahan ay ang kaligayahang nakikita natin sa iba. Kaya ang ending, instead of actually finding happiness, you find disappointment.
Hindi masamang mangarap na “Sana, we could have the best of both worlds.” Wag nga daw tumigil mangarap di ba. “Don’t settle for something less than you deserve” nga daw. Pero minsan sa sobrang focused natin in “The Pursuit of Happiness” nakakalimutan na nating maging masaya right at the moment.
Siguro, baka kelangan muna nating huminto saglit at namnamin pansamantala ang mga bagay na meron tayo para marealize nating wala yan sa taas o sa baba ng pangarap o sa layo ng narating mo. Dahil minsan, mas masaya pa yung simpleng mekaniko sa trabaho niya kesa dun sa Mechanical Engineer na naka-based sa Doha. Dahil minsan, mas masaya pa yung dalawang magjowang tambay lang sa tindahan na may inner peace habang humihigop ng milktea kesa dun sa magjowang nag 3days-2nights sa Bali.
At the end of the day, it’s about being grateful with what you have kahit nasaang sitwasyon ka pa; Unli-Samqyeopsal ma yan o bente pesos na kwek-kwek lang sa kanto, Tahitian Vanilla Macchiatto man yan o limang pisong palamig na puro sago.
Malay mo, dun pa rin pala tayo sasaya sa mga simpleng bagay na meron na tayo dati pa. ‘Coz where we are depends on how we look at things.
Blessed ka pa rin. ;)