Back cuz why not
First Tumblr post after High School. It’s been almost three years since I left LSM (az a student).
I’ve made new networks, friends, and acquaintances sa loob ng panahon na yun. Pero iba pa rin pala talaga ang feeling ng college sa high school peeps. ‘Yung bawat araw may nakikita kang di pamilyar na mukha sa school? In short, di pa ako nakaka-adjust fully sa sistema ng college, especially with the people — na para bang kahit kakilala mo na, parang di mo pa talaga siya kilala? I still miss my HS friends, even those who are acquainted lang sakin. Kaya iba yung galak (wow deep) deep inside sakin pag nakakakita ako ng ka-SOL 18 ko anywhere. I feel at home ganon haha ang cheesy pero totoo yun. Everyday in college is like going with the flow lang, like just do this and that, then go home. Siguro it’s a bit my fault for seeing college peeps intimidating; hence, ended up intimidating them myself. Lol. Don’t get me wrong ah, I have friends and circles here rin rn. It’s just that, iba pa rin siguro sa feeling yung mga nakasama mo na nang ilang taon.
Acadwise — pinipiga ako ng school na ‘to to be competent AND competitive. Isa sa mga bagay na hindi ko nagampanan noong HS ako hahahaha. Hanggang ngayon pinagsisihan ko talagang hindi ko prinioritize ang acads ko over anything way back then. Pero well, feel ko namang nasa tamang program ako kasi kahit mahirap interesado ako sa topics hahaha. Yung tipong parang kung hindi ako napunta sa BS Math napapaisip ako if magtatagal ba ako sa ibang program na yun. Buti na lang talaga tinuloy ko ‘to kahit asa tip na ako ng pag-drop ng CS 11 noong freshie ako. Basag-innocent days diba.
Over-all, masaya naman ako ngayon sa kinatatayuan ko. May mga what ifs lang talaga ako noong HS, acadwise. Samantalang, nangungulila pa rin ako sa mga HS friends ko up until now. Pero may kaniya-kaniya na rin silang buhay at I assume masaya na rin sila so might as well move on na rin (but maybe not tonight hahahahaha).









