Day 1
As expected. :)
The Bowery Presents

pixel skylines

gracie abrams
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

@theartofmadeline
Cookie Run:Kingdom Official!

tannertan36
Misplaced Lens Cap
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
One Nice Bug Per Day
occasionally subtle
No title available

PR's Tumblrdome
ojovivo
$LAYYYTER
Interview Vampire Daily
cherry valley forever

Andulka

No title available

Origami Around

seen from United States
seen from United States

seen from Russia

seen from United States
seen from Ukraine
seen from Iraq

seen from United States
seen from Bangladesh
seen from Philippines

seen from Argentina

seen from Australia

seen from Spain

seen from United States
seen from United States
seen from Singapore

seen from France
seen from Singapore

seen from Singapore
seen from United States
seen from United States
@iamjackiieee-blog
Day 1
As expected. :)
Hello, Tumblr!
It's been 5 years since my last post. Hoy shuta 5 years! Hahahahaha
Yes dear self, dear future me, nandito ka ulit kasi gusto mo magrant. Nandito ka kasi stressed ka na naman ghorl. Nandito ka kasi nagrereview ka for the PHYSICIAN LICENSURE EXAM!!!!! NANDITO KA KASI NAPE-PRESSURE KA. 145 DAYS TO GO PERO NANDITO KA AT KAKAUSAPIN MO SARILI MO.
Nakita mo ulit tong account mo at natatawa ka na naiiyak sa mga nabasa mong post mo five years ago na parang bumabalik sya this year HAHAHAHAH
Oo nga bakit ganon sis? Anyways, sabi nga nila, hindi tayo pinalaki ni Taylor Swift na MARUPOK. Kalma ka lang. Quarantine day 400 daw ngayon. Oo ghorl, nasa pandemya ka sa mga panahon na to. Online Intern ka. Wala kang hospital exposure. "Google Doc" ka, "Zoom Intern" ka, "E-ntern" ka, at parang wala kang natututunan hahahahaha
Ayon so hindi ka makatulog ngayon. Yan kakainom mo ng tea hirap ka na tumaiii hahaha.
Di ka makatulog kaya nagtatype ka dito. Nagtatype ka dito kasi di mo magawa ng maayos schedule mo hahaha. Puro ka selpon. Silent mo yan, busy yon. Charot. Anyways, wag papadala basta-basta. Sabi na naman nila, maraming bored ngayon kasi quarantine.
Matulog ka na. Sabi mo gigising ka ng 6am. 8am attendance. Tapos babangon 9am. Ano klase yan?
Kaya mo yan self. Magiging Doktora ka.
PLE one take cutie T_T
Mahirap umasa sa wala. Mas mahirap umasa sa parang meron.
Pak ganern! Ang charot ng title mo bes. So anyways.. when was the last time I posted here? Nakalimutan ko na. Medyo stressed ako these past few days. Med school. Ito pala ang ira-rant ko ngayon. I was reallyhoping and praying to be accepted in PLM-CM. Not only that the tuition there is cheaper (like, hello! Pinakamababa ay 10k at pinakamataas ay nasa 85k or 90k! Compare mo naman sa 6-digit na tuition sa iba) but also the passing rate! Always 95+% or 100% my dear. So ito na nga. I was not included in the list list of passers. Iyak na lang di ba? So lakad agad ng recon letters baka sakaling makapasok. Dyan nagsimula ang "umaasa". Pag karelease pa lang nung 1st list, lakad agad ng papel. Hanggang sa may second list na raw pero via text message ang peg. So wala paring text. Omg! Ano petsa na? Hanap na ngayon back-up ang tatay ko. Si Mayor Erap daw ganito ganyan... 1 week before pasukan, tinext naman ang 3rd list. So wala. Wala talaga. Hanggang sa pasukan na. Still hoping na makapasok. Then dumating ang endorsement letter from Mayor himself. Edi pasa naman ako sa OPres. Akala ko talaga mapu-push na. Then 1week later, wala e. Cannot consider daw. Strictly rankings ang basehan nila. Edi, Okay. Hindi ko lang kasi magets kung pano ang naging scoring dun. 40mins exam will define kung makakapasa ka o ano. It's just general knowledge at Psychological test. So kung hindi ka mahilig sa poetry, or history, wala ka na teh. Talo ka na. Matagal na raw to e. Dapat kasi priority nila ang graduates mismo nila. Not just galing UP or ano pa mang rich schools.. Well.. Masakit umasa sa wala. Mas masakit umasa sa parang meron. See you on my next post. Med school!!!! Kbye.
“MAGMAMAHAL KA ULIT GAYA NOONG UNANG BESES MO ITONG SINUBUKAN.”
Halos 100 milyong bagong selyula ang nabubuo sa loob ng katawan natin sa loob lamang ng ilang minuto at halos 100 miyon din ang namamatay. Araw-araw, halos isang daang pirasong hibla ng buhok ang nawawala pero napapalitan din ito kaagad. Yung outer layer ng balat mo, napapalitan every 35 days. Yung patay na kuko mo tumutubo ulit after 6 months. Panibagong set ng red blood cells ang dumadaloy sa mga ugat mo every after 4 months. Nagkakaroon ka ng bagong skeleton every 10 years at nagreregenerate ang muscles mo every 15 years.
Kung kaya ng iba’t-ibang bahagi ng katawan mo, kaya rin ng puso mo. Darating din ang araw na yung taong itinuring mong malaking bahagi ng buhay mo ay magiging parte na lang ng malungkot mong dati na hindi na dapat balikan. Mawawala din siya sa sistema mo at hindi ka na kakainin ng nakaraan. Maghihilom ang lahat ng elemento ng sakit at galit. Hindi man ganung kadali, mahabang panahon man ang bilangin, ilang bilyong bagong selyula man ang magpapalit-palit sa loob ng iyong katawan, pero darating ka rin doon. Malay mo, sa pagpapalit na ‘yon, maaring dahan-dahan ding pinapalitan ang emosyon mo hanggang sa magising ka na lang na wala na yung dating pagtingin. At kapag nangyari ‘yon, para ka na ulit bagong nilalang. At ang bawat durog na piraso ng puso mo ay mabubuo ulit gamit ang natitirang pirasong hawak naman ng iba para ibigay sa’yo ng buo.
Magmamahal ka ulit sa panibagong pagkakataon gaya noong unang beses mo itong sinubukan.
I want you to remember that you'll always have a special place in my heart, no one can ever take your place. I am thankful that you came into my life. I won't regret anything, everything. I loved you, I love you, I will always love you. And I wish you all the happiness in life.
Clear blue water... 🐳
SERIOUSLY POPOY, “BAKIT NGA BA TALAGA TAYO INIIWAN NG MGA TAONG MAHAL NATIN?!”
#1.
Si bes na mas makati pa sa kagat ng lamok.
#2.
Pati yung thigh part kinukuha natin. Bastus tayo eh.
#3.
Pero di naman tayo naligo.
#4.
Tapos puro aso na filter yung gamit natin para di tayo magmukhang pango. May pa-flower crown pa tayong nalalaman mukha tuloy tayong paso.
#5.
Feeling natin runway yung kalsada. May pa-‘Pak pak ganoin’ pa tayong nalalaman.
#6.
Hindi naman si Mr. M yung tindero.
#7.
Tapos ang nakalagay sa FB mo, works at ‘E di sa puso mo.’
#8.
Nag-abot ka lang ng pamasahe sabi mo agad “Keep the change. Sanay naman po akong hindi nasusuklian.” Eh wala ka naman talagang sukli hayup ka.
#9.
Tapos sabi mo pa, “Comment lang po kung sinong gustong magpabati.”
#10.
May pagtayo ka pang nalalaman sa upuan eh ang dumi naman ng paa mo.
#11.
Sana Caramel Frappe na lang sinabi mo para mas madali.
#12.
Tapos puro side view ka pa para kunware blogger pose.
#13.
Eh di ka naman nag-ambag leche ka.
#14.
Isa ka lang rebound, panakip-butas, parausan at dakilang assumera.
#15.
…. ang pride mong mas mataas pa sa kilay ni Daniel Padilla.
#16.
Walwalan ng feelings ‘to eh!
Pero mas masakit kapag iniwan ka ng isang tao… lalo na kapag nasa kanya ang pamasahe mo.
—
Sabi nga ni ma-emote na Popoy, “Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa'tin - ‘yung hindi tayo sasaktan at paasahin…'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.’
Dahil may darating na MAS magmamahal? Ano yun pakunswelo sa lahat ng sakit? Reward dahil nasaktan ka? Wow, thank you! Pero paano kung kuntento ka na dun sa dating pagmamahal at hindi mo na kailangan pa ng MAS magmamahal sa’yo? Pakshet, ang unfair.
Kaya tayo iniiwan ng mahal natin kasi HINDI NA nila tayo mahal. Dahil kung mahal tayo, hinding-hindi tayo susukuan. Yun lang naman yun, Popoy!
Hahahahahah
Please
Please don’t be in love with someone else. Please don’t have somebody waiting on you.
REBLOG if you haven't met Taylor Swift
CRIES @taylorswift
A year ago @taylorswift made me cry for like 19 years while listening to her Clean speech in Tokyo Dome until now (yes bc I am so in love with clean). Too bad the 1989 world tour didn’t had the Philippines (my country) on their list. I was really hoping I could witness Taylor and the speech and the song itself Clean live and starts crying for the rest of my life. Oh well Hope this would make you cry for the next 20 years of your life.
PS: This is the very first Clean speech and it has a huge part in my heart.
PPS: I saved this copy a year ago before Taylor started deleting tour videos on youtube. Sorry mama but this is for keeps. Loveyah!!!
PPPS: My 19th birthday is on the 17th of May. Hope Taylor would finally noticed me.
@taylorswift
Dance like no one’s watching @AppleMusic @TheDarkness
Last time
Waiting like this.. I think I might just die any moment. Dejoke lang. Medyo ganito yung kaba ko mung thesis final defense. Yung tipong hindi ko pa tapos iedit yung paper ko defense ko na bukas. Yung nagkasipon ako at uminom ako ng gamot, masakit ang ulo, umidlip nang alas-7. Nag-alarm nang 11pm para ayusin ang "Thesis-Final-Edited-Finalized-FinalNa-AndSoOn" final paper file. Pero nagising ako alas-3 na nang madaling araw. Pakingshet. Iaayos ko pa yung journals na kailangan ipakita as sources o pruweba na hindi ako nag-iimbento ng pinagsususulat ko. Wewness naman. Yung tipong pinaplantsa na ng nanay ko yung buhok ko habang nagtatype ako. Kumakain habang nagpiprint ng anim na kopya ng halos 80 pages thesis na sumira sa printer namin ng 3 beses. Wew. Ganito yung kaba ko nun na akala ko di ko matatapos yung papel ko sa oras. Tingin ko mas malala yung kaba ko ngayon. Don't know what to do with my life. Shems. Ito na yun e. Ito na yung time na huhusga sa pagkatao ko. HAHAHAHA. Baliw lang. I mean, ito ang magtatakda kung saang daan ang aking tatahakin. Lols. You only got one chance. One chance to prove yourself. Luh. :D Haaaaaayyyyyyyyy. Time is slow for those who wait. Sana naman worth it ang paghihintay. Sana naman...
When you walk away from someone
http://www.candymag.com/candy-feels/when-you-walk-away-from-someone-src-ugc "As I walk up to you All I see is you, leaving me. Alone at a dark place, All I see is nothing. As I walk up to you, All I feel is agony and love. Along with no chance at keeping you, They say I'm not for you. As I walk up to you, What I see in your eyes is sorrow Maybe you're not happy when I'm around Because of the pain I put you through. As I walk up to you, I want to run away, And die with necessary pain, Treat the devil like it's okay. As I walk up to you, I've decided to walk away For you to be happy For you to know that I care still. As I walk away from you, All I know is I'm leaving you You can be with someone you deserve I can see it all getting better. " You deserve someone better. Way more better than me. Someone who will make you smile. Someone who will make you happy. Way more than I did.. Sorry. Sorry kasi hindi ako naging sapat. Sorry kasi hindi ako yung 'the best'. Sorry kasi hindi ako ganun katapang. Sorry kasi... ganito ako. Sorry talaga. Sobrang hirap mag-let go kahit gustung-gusto mo maghold on. Sobrang hirap magpalaya kahit sa loob-loob mo ayaw mo. Patawad. Gusto ko lang naman sumaya ka. Sana masaya ka.
Feeling ko... Di naman talaga ako yung gusto mo. Di ako yung tipo mo. Di ako sexy tulad nila. Di ako matangkad. Ouch. Feeling ko di ko maganda. Di ako marunong magpaganda. Di ako nagdadamit pangmaganda. Feeling ko napilitan ka lang sakin e. Napilitan ka lang. No choice ka lang. Pinakisamahan mo lang ako. Feeling ko nagtiis ka lang sakin. Feeling ko di ako deserving na mahalin. Feeling ko ang drama ko. Feeling ko talaga. Ang feelings ko. Wala. Manhid na. Manhid naman talaga. Ayoko na. Bakit ganito? Ang hirap. Ang hirap maging ako. Nagdadrama, Jackie
Tanga
Ang tanga tanga mo Jackie. Sobrang tanga mo. Kasalanan mo yan. Magdusa ka. Ikaw ang pumili nyan. Ikaw ang nasasaktan. Tanga mo shet. Sobrang tanga mo. Next time pag isipan mo maigi. Hindi puro puso. Isipin mo agad yung magiging consequences. Isipin mo yung future. Isipin mo kung magiging komplikado ba. Isipin mo kung okay sa parehong panig Isipin mo kung okay sa lahat. Isipin mo kung okay sa kanya. Isipin mo kung okay ka ba. Isipin mo kasi muna. Mag-isip ka. Isipin mo kasi. Wag ka na magmahal. Hayaan mo sila na sabihin nilang manhid ka. Dyan ka magaling di ba? Yan tingin nila sayo. Totoo naman. Manhid ka. Di ka marunong magmahal. Kaya wag ka na magmahal. Makakasakit ka lang. Masasaktan ka lang. Iiyakan ka lang. Iiyak ka lang. Di niya alam. Sinasaktan mo sarili mo. Tumigil ka na. Tahan na. Tama na.
Maroon. #1989 #swiftie 🙊🙊🙊
PLM MCAT 2016
Shit. Napa-"shit" ako nang bongga pagkasabi nung proctor na "stop". Hello naman. Etong exam na to na ata yung pinakamabilis na 40mins. exam ng buhay ko. Daig pa moving exam ni Mama Vi. Verbal chuchu at personality test keri boom boom na yun. Part 1 yung 40mins. Tas part 2 personality test na walang time limit. Imba naman kasi. Aral na aral ako like minaster ko yung physics kahit halos wala na ko maabsorb sa sobrang dami nung formulas. Nagbasa pa ko compaAna tska mol bio. Sama mo na yung chem at biochem pati socsci wag mo iwan. Imbaness lang. Hindi ko kinaya yung pagkageneral knowledge nung general knowledge be. As in. Nag-expect ako na medyo acads yung exam e. Kasi last year daw mas mahirap sa nmat. E di ganun kataasan yung nmat ko so GG na sir! Like shit talaga. Anyways... Kasalanan ko rin naman. Kasi nag-expect ako e. Ako yung umasa. Kaya eto ako ngayon. Ako yung nasasaktan. That's life. Chos!! Humugot pa. Meron pa pala. Yung proctor namin medyo comedy e. Bet nya patawanin kami. Hahahha. Funneeyyyy 😂😂😂 Nakalagay kasi sa instructions 'check your answer' kahit na yung choices e for shading. Tas sabi nya samin ishade daw. So meron nagtanong kung sigurado bang shade ang gagawin so sabi nya oo shade daw. Tas may nagsabi 'isheshade po yung circle?' Sabi nya 'oo. Shade yung loob ng circle' hahahahahahahha. Tas meron pa ulit... sabi nya start na raw tas maya maya sabi nya ay stop muna tas turn yung page daw sa part ganito tas start na na parang ewan talaga. Hahahahha! So ayun. Bahala na si batman sa kung ano magiging kapalaran. Nyahaha. Balak ko sumama sa tule mission nung sa friend ko na medstudent na ngayon. Nauna sya sakin kasi may gap year ako e. Tambay muna. So tule tule rin pag may time. Hahah! Okay. Kbye. PS. See you next post pag nakapasa na sa plm. Kbye ulit. :)