It's been 5 years since you've been gone.
Kung andito ka pa, magiging proud ka kaya sakin? Invited ka sana sa kasal ko kung sakali. Tapos ipapakilala sa kanya.
Ang dami dami kong ikukwento sayo kung sakali. Kaso wala ka na, ang aga mong nawala. Pero okay na rin siguro yun, kesa pinapahirapan ka ng sakit mo.
Yung family mo, mukhang okay na sila financially, balita ko may trabaho na mga kapatid mo, at yung bunso mong kapatid, malapit na grumadweyt at ikasal. Sobrang proud ka siguro sa bunso nyo kung andito ka, kasi yun ang pangarap mo e, ang makapagtapos sya.
Kaso mula nung mawala ka, nawala na rin ang pagkakaibigan namin ni Jean, masyado syang nasaktan sa pagkawala mo. Gusto ko sana sya makausap ulit at magkaayos, kaso di na kami nag uusap, ilang taon na rin. Kasal na nga rin pala sya, ninang nya si Mama mo.
Dami na nangyari mula nung mawala ka, pero iba pa rin siguro kung andito ka.
I miss you everyday, Johnray.