UP DHARMA DOWN
Winasak mong lahat.
Lint Roller? I Barely Know Her
No title available
he wasn't even looking at me and he found me
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
Alisa U Zemlji Chuda
will byers stan first human second

No title available

titsay
Three Goblin Art
Peter Solarz

izzy's playlists!
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
Jules of Nature
we're not kids anymore.
Cosimo Galluzzi
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

Kiana Khansmith
🪼
Mike Driver

No title available
seen from South Korea
seen from Malaysia

seen from India

seen from Azerbaijan

seen from Azerbaijan

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Malaysia
@iammisse
UP DHARMA DOWN
Winasak mong lahat.
One day you are important to someone. The next day, you are just a portrait on their shelf. And some day you are nothing more than a blurry memory.
http://adrenaline.tumblr.com/ (via adrenaline)
You’re allowed to miss the people who were bullets to you, but you’re not allowed to let them shoot you again.
allyfillebrown (via wnq-writers)
Follow ME, UPDATED DAILY!
Wanted: Someone who will love all I hate about myself.
Follow ME, UPDATED DAILY!
I'm sick. ..of being broken, taken for granted and left behind.
Follow ME, UPDATED DAILY!
MORE QUOTES HERE | INSTAGRAM | FACEBOOK
Follow ME, UPDATED DAILY!
See, the problem is, God gave men a brain and a penis, and only enough blood to run one at a time.
Follow ME, UPDATED DAILY!
Para sa Babaeng Susunod Niyang Mamahalin
Sa Babaeng Susunod Niyang Mamahalin, Gusto kong ipaalam sa iyo na masuwerte ka. Ang lalakeng mahal natin ay hindi katulad ng ibang mga lalake. Natatangi siya. Kaya gusto kitang batiin dahil mahusay ang ginawa mong pagpili. Maaaring hindi mo ako kilala o maaaring nakita mo na ako sa mga larawan na kasama ko siya noong mga panahong kami pa. Ang mga larawan na ngayon ay iba na ang laman, iba na ang mukha, IKAW. At kahit gaano pa karami ang dahilan para kamuhian kita, kahit gaano pa kadami ang mga taong nagsasabing dapat magalit ako sa iyo, hindi ko magawa ng lubusan. Ikaw na ang mahal niya ngayon. Ikaw na ang nagpapangiti at nagpapaliwanag ng buhay niya at wala na akong mahihiling pa kung hindi makita siya na masaya. Ipinaranas niya sa akin ang kakaibang pag-ibig, yung pag-ibig na minsan lamang sa buhay mo mararanasan. Maaari kong ikuwento lahat sa iyo kung gaano kasaya at kaperpekto ang pagmamahalan na pinagsamahan namin, pero lahat ng mga ito ay nasa kahapon na. Isa na lamang akong alaala para sa kanya. Hindi mo kailangan mangamba na aagawin ko siya. Hawak mo sa iyong mga kamay ang puso niya kaya magtiwala ka sa sarili mo. Ikaw ang pinili niya kaya huwag na huwag kang makikipag-kompetensiya sa iba dahil hindi niya gusto iyon. Sa totoo lang, madaming mga bagay ang matutunan at malalaman mo habang minamahal mo siya. NAGHIHILIK SIYA KAPAG NATUTULOG Makakatulog ka sa init at sarap ng yakap niya, pero mas gusto niya yung may sarili parin siyang espasyo. Naghihilik siya kapag masarap ang tulog niya kaya maaaring magising ka sa gitna ng gabi dahil parang may maingay na truck sa tabi mo. Huwag kang mag-alala kasi kahit ganoon pa man, makakaramdam ka naman ng kakaibang kapayapaan kapag nakita mo kung gaano siya ka-inosenteng tinitignan kapag tulog na siya. May mga panahon din na matatawa ka na lamang kapag nalaman mo kung gaano siya kadaling makatulog kahit nakasandal lang. MALAMBING SIYA SA KAKAIBANG PARAAN Hindi siya yung tipong magdadala ng rosas sa iyo araw-araw pero alam niya kung kailan ang tamang panahon na dapat kang bigyan. Huwag na huwag kang hihingi sa kanya dahil ayaw na ayaw niya iyon. Aalamin niya ang mga gusto at hilig mo kaya asahan mong alam din niya ang dapat gawin sa tamang oras. Gusto niya na hayaan mo siyang ibigay sa iyo ang kung ano ang kaya niyang ibigay lamang. HAYAAN MO SIYANG MAHALIN KA SA PARAANG ALAM NIYA AT HINDI SA PARAANG GUSTO MO. Huwag kang mag-alala, makakasigurado ka naman na lahat ay handa niyang ibigay sa iyo. May mga panahon na yayakapin ka niya sa harap ng maraming tao at nanakawan ka ng halik ng hindi mo inaasahan, ngunit may mga pagkakataon din na naiinis siya kapag masyado ka nang nakadikit sa kanya. Gusto niya kasi na sakto lamang ang tamis at pait ng relasyon niyo para hindi kayo magkasawaan kaaagad. Huwag kang magdamdam kasi kalaunan maiiisip mo din na tama siya at ginagawa niya ang mga iyon kasi gusto niya kayong magtagal. HINDI MAHALAGA SA KANYA KUNG ANO ANG ITSURA MO Lagi ka niyang sasabihan na maganda ka kahit simpleng pantalon at T-shirt lang ang suot mo, walang polbo sa mukha o kahit hindi ka pa pa nagsusuklay. Alam kong alam mo din ito kaya hindi mo na kailangan na magsuot ng mga magagarang damit kung wala naman talagang bonggang okasyon pero hindi ko sinasabi na pabayaan mo ang sarili mo. Mahal ka niya at mamahalin ka niya kahit ano man ang itsura mo pero mahalaga parin na panatilihin mong maganda ka para sa sarili mo. Lalake pa rin siya at nakakaakit parin sa paningin niya kung maayos at maganda ka. MAHILIG SIYANG KUMANTA AT TUMUGTOG NG GITARA Ang pangalan ng gitara niya ay MZ. Hindi ko alam kung ito parin ba o pinalitan niyo na pero ito ang natatandaan kong binigay namin na pangalan sa gitara niya. Hindi pa siya ganoon kagaling tumugtog pero haharanahin ka niya sa abot ng makakaya niya. Uupo ka sa kama niya habang siya ay nasa upuan sa harap mo at hawak niya ang gitara habang binubuhos niya lahat ng effort niya para makuha ng maayos ang tono ng paborito mong kanta. Minsan sasablay siya sa pagkanta pero matutuwa ka kasi alam mong ginagawa niya yun para sa iyo. Isasama ka niya sa kanila at ang unang bubuhayin nilang pamilya ay ang videoke sa may terasa. Maririnig mong kakanta ang nanay at tatay niya na mahilig sa mga Tagalog songs, ang mga kapatid niyang babae na mahusay din sa pagkanta at kung papalarin ka, makikilala mo din ang matalik niyang kaibigan na mahusay din kumanta at alam tugtugin halos lahat ng mga instrumento. GALING SIYA SA ISANG MABUTING PAMILYA Ang pamilya niya ay isa sa mga mabubuting pamilya na nakilala ko. Kahit hindi ko sila madalas na makita noong kami pa pero masasabi ko sa iyo na mababait sila. Ang tatay niya ay palabiro din tulad ng mahal natin pero mas tahimik magsalita. Madali niyang matatandaan ang pangalan mo kaya matutuwa ka sa kanya. Baka nga hanapin niya din sa Facebook ang larawan niyo na magkasama tapos ipagmamalaki ka niya sa mga kamag-anak nila kung gaano kagaling pumili ng mamahalin ang anak nila. Alam ko medyo mahihiya ka kausapin ang nanay niya pero mabait siya. Tumulong ka sa bahay nila hangga't kaya mo. Ipakita mo na kayang mong alagaan at pagsilbihan ang anak nila kapag mag-asawa na kayo. Wala kang magiging problema sa mga kapatid niyang babae kasi mababait din sila. Ang kasunod niya na nagse-serve sa simbahan ay palatawa. Hindi nawawala ang ngiti sa mukha niya kapag tinitignan mo siya. Si bunso naman nila ang pinaka-kasundo niya kaya mahalaga na makuha mo ang loob niya. Malapit ang ugali nilang dalawa kaya hindi ka naman mahihirapan. Huwag kang mahiya na magtanong at makipagkwentuhan sa kanila kasi hindi ka naman nila ipapahiya. Itanong mo din ang recipe ng coffee jelly at Graham fruit cake ng kapatid niya kasi paborito niya ang mga iyon. Makikita mo kung gaano niya kamahal ang pamilya niya dahil buong-buo ang samahan nila. Maaaring sinabi na rin niya sa iyo na kung hindi ka gusto ng pamilya niya ay hindi siya magdadalawang-isip na iwanan ka. Alam kong nasaktan ka din nang marinig mo ito mula sa kanya pero kung maiisip mo, mahirap ang mamili kung pamilya o kasintahan, mayroon at mayroong siyang masasaktan na mahalaga sa buhay niya. MGA KAKAIBANG HILIG NIYA Nabigla ka rin ba sa mga hilig niya? Nagkokolekta siya ng sexy magazines, anime toys at cartoon characters. Huwag kang magalit sa kanya. Maaaring isipin mo na isip bata siya na hindi bagay sa edad niya pero natural lamang kasi iyon sa mga lalakeng tulad niya. Pasalamat ka na lamang na hindi niya ginagasta ang pera niya sa bisyo tulad ng alak, sigarilyo at sugal. May mga pagkakataon din na mapapadalas ang labas niya kasama ang mga kaibigan niya para maglaro ng board games o pumunta sa mga ToyCon sa Maynila. Payagan mo siya at bigyan ng oras para makasama mga kaibigan niya. Mahalaga sa kanya ang mga bagay na sa tingin mo ay mababaw lamang. Huwag mo siyang sasakalin o ikukulong sa mga gusto mo lamang. Kung alam niya kung kailan ka dapat pagbigyan kasama ng mga kaibigan mo para magshopping na minsan kasama pa siya, iparanas mo rin sa kanya ang parehong kalayaan. MINSAN ISA SIYANG SARADONG LIBRO Kung mapapansin mo man na tahimik siya minsan, huwag mong isipin na ayaw ka niyang makausap, nangangahulugan lamang na komportable na siya sa iyo, na maiintindihan mo siya sa kanyang hindi pagsasalita. Pero, huwag mo siyang iiwan sa mga sandaling ayaw niya na makasama ka. Yakapin mo siya, halikan mo sa pisngi, hawakan mo ang mga kamay niya at iparamdam mo na hindi mo siya iiwan, na hindi ka mawawala dahil lamang hindi siya katulad ng karaniwan niyang ugali na masaya, madaldal at maingay. Huwag mong balewalain kapag nagbabahagi siya ng kanyang mga alaala sa lumipas, problema o nararamdaman. Tandaan mo, madaming lakas ng loob ang kinailangan niyang ipunin bago niya magawang makapagbukas ng damdamin sa iyo. Matuto kang magpahalaga sa mga munting bagay na ginagawa niya. Hilahin mo siya palapit sa iyo at hagkan ng mahigpit at iparamdam mo sa kanya na nandiyan ka para sumuporta at tumulong, para maging katuwang at kakampi, para manatili at magmahal. Pahalagahan mo ang bawat yakap at halik niya dahil sasabihin ko sa iyo na madali lamang bawiin ang lahat ng ito mula sa iyo. Madami pa akong mga payo na maaaring ibigay sa iyo pero hahayaan kitang malaman ang mga iba pa habang minamahal mo siya. Bawat araw, may mga lihim niya na iyong malalaman at mga bagay na matututunan ka sa kanyang ugali. Ang mga ito ang magtutulak sa iyo para mahulog ng mas malalim. Magsasama kayo sa ligaya at sakit, sa init at lamig, sa tuwa at luha. Isa siya sa pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Na sa loob ng maikling panahon na pinagsamahan naming dalawa, hindi ko maturuan ang puso ko na makalimutan siya. Ayaw ko siyang kalimutan. Ayaw kong itapon na lamang ang lahat ng masasaya at masasakit na sandali namin kasi parang itatapon ko na rin ang isang bahagi ng buhay ko na humugis sa kung ano ako ngayon at paano ako muling magmamahal ng bago. Ngunit, gaano man kahalaga ang lahat, hindi kami nagtagal dahil hindi kami ang para sa isa't isa. Hindi rin ako sigurado kung kayo na nga ba pero nais ko lamang na ibigay mo sa kanya ang tamang pagmamahal na hindi ko nagawang iparamdam. Huwag mo siyang sasaktan at paluluhain. Alam ko kung paano siya magmahal kaya alam ko din kung gaano ka pinagpala na ikaw ang pinili niya. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong iwan at talikuran para lamang maranasan ulit ang nararanasan mo ngayon kasama siya. Huwag kang matakot na mahulog agad dahil nandiyan siya para saluhin ka. Mahalin mo siya ng buong-buo dahil nararapat lamang sa kanya ang ganoong klase ng pagmamahal. Kaya para sa babaeng susunod niyang mamahalin, para sa babaeng susunod na hahawak ng puso niya, ingatan mo ang isang tulad niya. Pasalamat ka sa mga bagay na ginagawa at binibigay niya sayo, maging maliit man ito o malaki. Huwag mo siyang itali at ikulong sa tabi mo. Hayaan mo siyang lumipad dahil natitiyak akong babalik siya sa iyo kasi mahal ka niya. Hinihiling ko sa Ama na pagpalain niya kayong dalawa at gawing tunay na masaya. Dahil masaya na rin ako, makita ko lang kayo na maligayang dalawa. Nagmamalasakit, Ang Babaeng Dating Minahal Niya
Why should I be sad? I have lost someone who didn’t love me. But they lost someone who loved them.
a positive way to look at a shitty situation (via bl-ossomed)
Silence, I discover, is something you can actually hear.
(via wellyemonster)
Have you ever lost someone you love and wanted one more conversation, one more chance to make up for the time when you thought they would be here forever? If so, then you know you can go your whole life collecting days, and none will outweigh the one you wish you had back.
MITCH ALBOM, For One More Day (via thegoodvybe)