Caloy
Unang araw ng eskwela Ika’y agaw eksena Alas siyete ang pasok Ngunit lahat kami’y napatingin May unti unting nag bubukas ng pinto
Sa tabi ko’y may bakanteng upuan Ikinagulat ko ang iyong pag upo Dahil papansin ako, ako’y bumati sayo Isang pabebeng ngiti naman ang iyong tugon Napaisip ako “syet palaban ang ilong”
Lumipas ang mga araw, linggo Kapansin pansin ang polka-dots sa iyong ilong Inasar pa nga kita ng “Ang baho mo” Ngunit ganti mo’y nakakawalangya Ako’y natalo
Palapit na ng palapit ang pagtatapos ng taon Ngunit patindi ng patindi ang palitan ng asaran Isabay mo pa ang issue na mga kaklase natin ang bumuo Unti unti, may pagtingin na pala ako sayo Ngunit hindi naman ikaw ang aking tipo
Wala kang matang maliliit Hindi ka maputi Mukha ka pang adik Samahan mo pa ng lakas ng trip Ngunit nakakahulog pala ang iyong mga ngiti
Tatlong buwan, tatlong buwan Tatlong buwan kong pinigil ang aking ngiti Sa pang aasar ni Norman Tatlong buwan kong sinabi sa sarili kong hindi "Hindi ko crush si Tabat”
Palapit na ng palapit ang pagtatapos ng taon Ngunit patindi ng patindi ang pagtatago ko Sa mga salitang “Hindi ako napopogian kay Tabat” "Issue kayo”, “May boyfriend ako” Ngunit wala na, nalintikan na
Alam kong bawal, alam kong mali Pinilit kong itanggi Matagal kong ikinubli Ngunit ayaw mag papigil Paghanga ko sayo'y mas lalo lang tumindi
Hanggang sa natapos ang semester Nakatali ka sa iba, nakatali ako sa iba Sa classroom, sa iba ka rin humahanga Noon palang, tinanggap ko na Tinanggap ko na at tanggap na tanggap ko na
Hanggang sa naamin ko kay Mariah At napaamin din kay Pascua Wala na, nalaman na Tangina ni Norman at Drea Sila, sila ang dapat sisihin sa lahat
Sa patuloy na palitan ng asaran Sa araw araw na bwisitan Sa walang katapusang gantihan Sabayan pa ng pagbugaw ni Norman Ano na, ako’y nalintikan na
Palapit na ng palapit ang pagtatapos ng taon Ngunit patindi ng patindi ang paghanga sa iyo Alam kong bawal, alam kong hindi dapat Tanggap kong Hanggang kaibigan lang Kaya oo na, pipigilan ko na
Ngunit putang ina, paulit ulit kong tanong Paano pipigilan ang bagay na ayaw mag patinag Paano tatanggalin kung sa isang ngiti palang Parang sumabak na sa karera ang aking puso Tangina, Caloy, hulog na hulog na ako sayo











