Kissing and flirting One Shot
"Oh nadz, bakit ang tahimik mo?" "Wala po, pagod lang" "Pagod ba talaga o problemang puso?" "Hindi po, wala pong ganun" "Naglihim pa talaga" "Alam mo nadine, ako na ate mo dito pwede mong sabihin kung may dinaramdam ka o kung anuman" "Wala po talaga" "Sige, kimkimin mo yan mahirap yan kapag sumabog ka. Baka hindi mo kayanin" Binalot ng Katahimikan ang lugar kung nasan Kami ni ate bianca. Napansin ko na lang na niyakap na nya ako dahil kanina papala pumatak ang mga luhang pilit kung pinipigilan. "Hindi naman dapat ako naapektuhan ate, Hindi dapat ako masaktan, dahil hindi naman dapat, dahil wala akong karapatan" Hinagod ni ate bianca ang likod ko Para kumalma ang pakiramdam ko. "Hindi mo naman kasalanan na masaktan at maapektuhan ka. Tao ka lang natural yun syempre nagmamalasakit ka Para sa kanya, Para sa inyo" "Pero meron ba talagang amin ate? " "Wala naman diba, wala" "Sssshhhh, tahan na. Alam ko masakit, napagdaanan ko din yan. Kailangan magtiwala ka sa kanya. Kilala mo sya, alam mo sa sarili mo kung anong totoo. Paniwalaan mo kung ano ang nasa puso mo" "May Tiwala po ako sa kanya, kaya lang po kung minsan hindi ko na alam kung ano ba talaga, ano ba kami?" "Kayong dalawa lang makakasagot dyan, magusap kayo. Kailangan nyo yan. Basta tandaan mo nasa showbiz tayo ang buhay natin bukas na aklat Para sa lahat. Kahit personal na gusto pa rin nilang alamin. Pagusapan nyo yan" "Maraming salamat po ate bianca, the best ka talaga manang Tiffany" "Aysus! Binola pa ako sige na at magayos ka dyan muka ka n basang sisiw dyan" "I love you manang!" Niyakap ko si ate bianca. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Mabuti na lang wala sya ngayon sa taping, hay salamat hindi ko pa yata kayang harapin sya kahit hindi ko alam kung tama ba talaga yung nararamdaman ko o hindi ko talaga alam. Lumipas ang ilang araw at sa Ilocos naman kami magshoshooting. Exciting dahil magaganda ang tanawin pero hindi ko alam kung handa na ba ako na makaharap sya. Hay naku nadine! Kaya mo yan ikaw pa ba!! Nababaliw na ata ako at kinakausap ko na ang sarili ko. "Ok, ready 3...2..1. Action" Nandito kami ngayon sa tapat ng dagat nakaupo sa Bangka. Kailangan daw sweet kami pero ang hirap, sobrang hirap. "CUuuuuuuT!" Sigaw ni direk "Anong nanyayari?bakit ganyan? Anong meron sa inyo? Nadine, james, please ayusin nyo hinahabol natin yung araw kapag dumilim na Hindi na natin ito magagawa, marami pa tayong nakaline-up na gagawin." "Ok po, direk sorry po" sabi ko "Sorry po direk, we'll fix it po" sagot nya "Ok sige, 15 minutes break muna. I know you're tired too" Lumayo ako, umupo ako sa buhanginan at binasa ko ang script. "Nadz" sabi nya sabay upo sa tabi ko Kunyari hindi ko sya naririnig "Leah" sabi nya ulit Tahimik Lang ako habang hawak ang script "Wifey" pangungulit nya at nilapit nya ang mukha nya sa akin at nagpacute pa Hindi ko pa din pinasin "Nadz, pansinin mo naman ako" Ngayon kinikiliti na nya ako "James, ano ba" irita Kong sagot "Nadz, please" Tumayo na ako at naglakad palayo. Ngunit naramdaman ko na lang na niyakap na nya ako Mula sa likod. Pinatong nya ang baba nya sa balikat ko habang yakap nya ko. "I'm sorry, I know I've hurt your feelings, you know me .I just what to hang-out with my friends were too busy sa work I don't have time to go out. Nag-aya si Brent, sumunod lang ako I didn't know na andun siya" "You don't need to explain yourself" sagot ko "But I want too, for us" "Wala namang US! We need to protect our tandem. Pinaghirapan natin kung nasan na tayo ngayon at ayokong masayang yun james, please naman kung gagawa ka ng Kababalaghan huwag naman in public" "You actually believe that I'm kissing someone in public, inside club" "I didn't say that" "But your saying that if I will do it! You know me more that anybody else. Yah, I admit I'm a night person, I do go clubbing and hang out with friends but definitely I will not do stupid things that will affects us and might hurt you. I do care about our tandem, we work so hard and I don't want to waste it. Alam mo yan kilala mo kesa sa kanila, you should trust me" Sya naman ang lumakad palayo. Naiwan akong umiiyak. "I'm sorry,I should've listen to you" ako naman ngayon ang yumakap. Hindi ko talaga sya matiis Niyakap nya ako pabalik, tinitigan nya ako nagtama ang aming mga Mata "That's not true ok, at yun ang paniwalaan mo. Trust me" Hindi ko na sya pinatapos at hinalikan ko na sya sa labi. The end!! Medyo sabaw hindi makatulog. AN: Naiimbyerna ako Kay girl na nalilink Kay hayme, ayokong imention ang name baka maging paymus harhar!! No hard feelings acct ko po ito hehe..













