Paglubog ng Araw
Kagaya ng paglubog ng araw
Ay ang paglubog din ng pag-asang matagal kong pinanghawakan
Ang bawat salitang iyong binitawan na namagtibay sa pag-asang iyon
Ay dahan-dahan mo rin palang babawiin at kakalimutan
Kagaya ng paglubog ng araw
Ay ang paglubog din ng ating masasayang ala-ala
Ala-ala na kailanman hindi na mauulit pa
Dahil kahit hindi mo sabihin
Ramdam ko
Ramdam kong ayaw mo na ako sa buhay mo
Ramdam kong gusto mo na ako na mismo ang bumitaw at lumayo
Kaya kagaya ng paglubog ng araw
Ay ang aking tuluyan ng pagsuko
Pagsuko sa labang kailanman hindi ako mananalo.
-Hp














