Ano ka? Ano siya? Ano ako? Ano tayo? SAbi nila’y Pilipino Ugat natin ay silangan Anak dagat ang ninunong hatid dito ng barangay Galing doon sa malayo, sa matandang kalupaan Dito sila ipinadpad ng magandang kapalaran Dito nanirahan, nangaglahi, nangabuhay ng sagana May ugaling katutubo, may gobyerno at bathala May samahan at Ibigan, Maayos at payapa May Sariling wika Ito tayo, Ito tayo, Ito tayo! Sa ante-panahon ng Kolonyalismo Walang kaabog-abog Mula sa kanluran ang dayo’y sumapit Ako’y hinamak, Siya’y Inapi, Ikaw ay Hinamig Siniil ang Laya, Kinamkam ang Yaman Baranggay ay binuwag, binuwag, binuwag (aaaahhh!) Mga Tala ay Sinunog Abakada’y Ibinawal Ipinasiyang mga mangmang Ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay At naging alipin ang bayan kong irog Mailoko, ma-bisya, ma-kamampangan, ma-tagalog Ito tayo Pilipino At sa halip, sa halip Pinalitang Lahat-laht Gobyerno, relihiyon, ugali at kultura Kinastila itong dila pati na puso Edukasyon ay hulog ng langit Mga tao ay dumunong sa pagbasa at pagsulat Kastilaloy ang panturo, kastilaloy ang balangkas Kaya’t ako’y nakastila Sa kaluluwa at sa balat Pinagtilad-tilad, ikaw ako’t siya Sa adhika’y paghatiin: divide et impera At yumabong Ilokano’y Ilokano Kapampanga’y Kapampangan Bikolano’y Bikolano Pangasina’y Pangasinan Ang Cebuano’y Cebuano Iyang Wara’y laging Waray Ang Ilongo ay Ilongo Mga Muslim laging Muslim Ang Tagalog ay Tagalog Kanya-kanya, tayu-tayo Masawi man ang sampangkat, malipol man ang santribu Huwag lamang tayo Huwag lamang ako Pagka’t tayo’y ito Mga Pilipino Ang naamis ay nagbangon, lumaban, naghimagsik Kamatayan ay sinuong, sinagupa ang panganib Bumagsak ang mapaniil na nag-iwan ng bakas Kolonyal na edukasyon, ekonomiya at sosyedad Kaya’t laya’y itinindig sa kislap ng mga tabak At sa Kawit nawagayway ang maningning na sagisag Datapuwa’t sa sansaglit Pagsasarilii ay inagaw ng malakas Dinagit ng dambuhalang ang dimumano’y bagong mesiyas Diumano’y naparito upang noon ay iligtas Ang barbarong walang dunong, walang alam sa paghawak Ng Gobyerno at ng layang para lamang sa di uslak Di gayon nga Awtoridad ay naiba Napalitan ang balangkas, nangagbago ang sistema Ngunit iyon din ang dayuha’y panginoon Pilipino ang busabos, nakayuko, tagasunod Walang tutol Edukasyong popular: kinano ang sistema Umunlad di nga kasi; Pilipino ay dumunong Naging kano sa ugali, naging kano sa damdamin Naging kano sa isipan, naging kano sa pagsulong Sadyang gayon ang katwiran Masterin mo iyang wika’t Ang kultura niyang wika’y ikaw iyang mamasterin Ang nangyari: ang produkto Nitong ating edukasyon: prospektibong mandarayo Di gradwadong makabansa, hinding-hindi Pilipino… Divide et Impera Ilokano’y Ilokano Kapampanga’y Kapampangan Bikolano’y Bikolano Pangasina’y Pangasinan Ang Cebuano’y Cebuano Iyang Wara’y laging Waray Ang Ilongo ay Ilongo Mga Muslim laging Muslim Ang Tagalog ay Tagalog Kundi rin lang itong akin Mabuti pa ang sa dayo Ito tayo Plipino: Isang lahing maka-ako, tayu-tayo At nagdilim At kumulog at kumidlat at lumindol At ang ulan ay bumuhos at bumaha at umunos Ang salinlahi’y nagliliyab, nalulunod Nagliliyab, nalulunod Ay, salamat sa karimlan Ay, salamat sa magdamag At sumilay ang liwayway Ng maningning na liwanag ng Isang phoenix ang nagbangon Sa abo ng lumipas Nagmistulang manunubos ng naamis nating palad Kaguluhan ay Inayos, mga giba ay binuo Nilipol ang kasamaan, kayarian ay binago Tenance, ekonomiya, sosyedad, gobyerno Edukasyo’y nakaangkop sa lahat ng kailangan Nang sa gayo’y bumalikwas ang duhagi nating bayan Pinabubulas ng ayong muli ang kulturang katutubo Bilang tandang luwalhati ng Kahapong siniphayo Ang launi’y isang lahing sumapit na Isang Bansang hindi dayo Isang lahi’t bansang Pilipinong-Pilipino Kailangan natin ngayon ay uri ng panturuang magbubuklod Sa biyaya ng magandang katubusan Sambandila’t isang awit, isang wikang hindi hiram Dapat itong maging bunga nitong bagong kaayusan At pag ito’y natupad na At pag ito’y naganap na Masasabing taas-noo Ikaw, siya, saka ako’y Mga bagong Pilipino