Woke up at 2am kahit 4am ko pa kailangan umalis ng bahay kasi mga 4:30 ako susunduin ni Sir sa may Jollibee. Kailangan kong iready yung sarili ko bago bumyahe for almost 7hrs. Nag almusal ako then uminom ng bonamine para hindi ako mahihilo sa byahe at puro pa zigzag yung dadaanan namin kasi may part na bundok.
Pagka 4am, umalis na ako ng bahay at nag special na tricycle papuntang jollibee. Bumili na muna ako ng almusal para kung sakaling gutumin sa byahe. Pagka sundo sakin at kay Kris, natulog na ako sa byahe kasi kasama naman namin yung asawa ni Sir so may kausap na sya sa byahe para hindi sya antukin. Sinama din nya yung anak nya. Parang one big happy family tuloy kaming magbabakasyon hahaha tapos kaming dalawang yung ampon na mga babaeng anak hahahaha
Ginising na lang ako nasa gas station na kami para tumigil muna at mag breakfast. Mag subway sana kami kaso sarado pa kaya kahit paulit-ulit na lang, nag burger king na lang kami. Medyo umay na ako sa burger king talaga jusko puro ganito sa BGC.
Then nung bumyahe na ulit, natulog ulit ako hahahaha gigising lang pag titigil sa gas station para umihi. Sarap buhay hahahaha
Mga 11:30 na kami nakarating sa site kaya nag lunch na muna kami bago mag check in kasi 2pm pa check in. Pero kailangan agad naming mag check in kasi may pupuntahan pa kami pa north ni Sir kasi may kukunin kaming document. Almost 3hrs pa naman yung byahe jusko.
Kaya buti na lang pagdating namin ng accom, pwede na daw mag check in free of charge. Madalas kasi kapag maaga akong nadating, ichacharge pa kami ng early check in. Pero since alas dose naman na daw, free of charge na daw. Buti naman.
Pinasok ko lang yung maleta ko sa room namin ni Kris then bumaba na ako para hintayin si Sir sa lobby.
Minsan ayaw kong ako lang tapos driver ang kasama, lalo na pag si Sir yung driver kasi may obligasyon akong wag matulog kasi nga kailangan kakausapin sya para magising. Eh gusto ko nga lang matulog hays pero dahil mabait ako, sige kahit ano na lang itatanong ko or ichichika ko para lang hindi nakakaantok sa byahe, kahit antok na antok na talaga ako anong oras pa ako gising.
Medyo makulimlim nung nabyahe kami kasi nga may LPA, pero buti na lang hindi kami naabutan ng ulan kasi ilang bundok din tinawid namin. Pangalawang beses ko ng punta dito pero mas maganda pa din nung una kasi summer nun eh. Sobrang blue na blue yung dagat tapos ang ganda-ganda.
Bad news kasi nung nakarating kami dun, hindi pa daw marerelease yung document na pina revise namin nakakaloka babalik na naman ako dun ayaw ko ng bumalik sana kasi ang layo eh. Parang okay na akong isang beses lang talaga puntahan lalo na kung ganun. Umuwi na lang kami. Pagkaalis na pagkaalis pa namin ni Sir, biglang buhod ng ulan jusko todo dasal ako na sana walang ulan sa bundok na dadaanan namin kasi nakakatakot pag nag landslide. Thank God at bago pa kami makapunta mg bundok, wala naman ng ulan. Thank you Lord talaga. Kasi sobrnag lakad nung ulan at hangin eh.
Mga 6pm na kami nakabalik ng accom. Nagpahinga lang saglit at pumunta na dun sa pina reserve naming resto kasi makikipag meeting kami sa rep ni client and sa consultant namin bago yung stakeholder's meeting bukas. Napasabak pa ako't ako daw yung magpepresent nung isang topic sa slides jusko. Bahala na bukas, tatagalugin ko na lang para mag explain kasi mga pinoy naman attendees.
After ng dinner, nag update lang ako saglit then nag half bath at natulog. Grabe yung pagod ko talaga ngayong araw, walang mapaglagyan.