Kainin mo lahat ng gusto mo at kapag may nagreklamo sa pinag-gagagawa mo. Aba eh kainin mo din sila!
we're not kids anymore.

No title available

★
styofa doing anything

Origami Around
cherry valley forever
Sade Olutola
I'd rather be in outer space 🛸
Jules of Nature
noise dept.
Xuebing Du
Mike Driver
Cosimo Galluzzi

pixel skylines
he wasn't even looking at me and he found me

@theartofmadeline

shark vs the universe

JBB: An Artblog!

JVL

ellievsbear
seen from Malaysia

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from T1

seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
@iphonetographista
Kainin mo lahat ng gusto mo at kapag may nagreklamo sa pinag-gagagawa mo. Aba eh kainin mo din sila!
Ang Babae sa Aking OD: Sino ka?
Ilang buwan na rin ang nakakalipas Marceline, ilang beses ko rin napanaginapan ang huli nating gabing magkasama. Hindi ako makakain, hindi rin makatulog. Patawad kung hindi kita nakita at nasamahan sa huling hantungan mo. Ayaw kasi ng tatay mo na magkaroon pa ako ng kinalaman sa pamilya niyo. Ayon sa kanya isa na lamang akong buhay na idolo ng isang bangungot at masamang alaala. Masakit, dahil wala naman akong hangad kung hindi para sa atin ay lumigaya. Bakit ganito? Sa palagay ko ay hindi totoo ang diyos. Kung totoo man ay hindi niya ako pinakinggan. Nakakalungkot.
Marceline, naaalala mo pa ba yung panahong dinala kita sa dagat para maglakad ng nakayapak at pinagmamasdan ang dugong pula na araw na nalulusaw ang aninag sa malawak at napakapreskong dagat. Naaalala ko ang mahaba mong buhok na kumukinang sa lusog ng iyong katawan. Ang malambot mong mga pisngi na inaalayan ang ganda ng iyong magandang ngiti. Sinong makakalimot sa mainit mong mga mata na nagbibigay pugay sa ilong mong inukit ng mga anghel. Yun ang Marceline na lagi kong nakikita kapag naririnig ko ang pangalan at mga bagay na galing sayo.
Malungkot ako at nakayuko nang biglang may nagdikit sa aking noo ng guitar pick. Sa aking pagdampot, paboritong kulay ko at pirmado ng paborito kong bahista. Sa paglingon ko kung sino itong nagmamagandang loob… ikaw nga Marceline! Hindi ako makapaniwala. Ang malusog at buhay na Marceline na nakatanim sa aking isip, ang sentro ng aking buhay, ikaw nga Marceline! sa ating pagyakap ay naramdaman ko ang isang napakaligtas na lugar at animo’y wala ng mangyayaring masama, sa wakas ayos na ang lahat. Habang nakatingin ako sa iyong likod sinunsundan ng tinging ang makinang mong buhok, ito ay umurong at nalagas. may mumunting boses ang bumulong at nagsabing “tama na. wag mo itong gawin sa sarili mo”. Napakalambing, kumbinsido at pamilyar. Pero hindi ito ang boses ng Marceline ko. Sa paghiwalay sa aming pagkakayakap ay nilingon at hinanap ko ang mukha ng misteryosang may-ari ng malambing na boses ngunit ako ay nadismaya dahil ang babaeng ito ay blanko at walang mukha.
Sa pagmulat ng aking mga mata ay nagising nanaman ako dahil naubusan na ng epekto ang kemikal na sinaksak ko kanina. Nakatarak parin ang karayom sa aking kamay. Ang kustara at mga kemikal na nagbabalik sa akin sa piling mo ay nakalagay sa lamesa sa tabi ng aking kama. Sa pagdiretso ko upang maghilamos ay di ko mapigilang isipin kung sino ka? sino ang may-ari ng boses na yun. ang ga-leeg na buhok na inalagaan ng araw. ang yakap ng kaligtasan. sino ka? umikot ang pala-isipang yun sa utak ko habang gumagawa ako ng tawag para sa susunod nating pagkikita Marceline. Sa pagtawag na ito sa alok na saya… Si Marceline pa nga ba talaga ang hinahanap at gusto ko makita?
Sino ka?
Ang Babae sa Aking OD : Ang Paalam
Pagkagising ko nakita ko si Marceline na lumabas sa maliit na pinto at mukhang nagmamadali pumasok sa kotse. Malamig ang aircon noon, kaya siguro ako nakatulog. Pagpasok sa kotse ang sabi niya’y “tara na?”. Habang ikinambyo ko ang sasakyan sa D at pinindot ang overdrive nakita kong inilabas niya ang isang maliit na sobre. Di ko sigurado kung ano ang laman noon pero nang tanungin ko siya ang sabi niya ay mumunting pagtanan ng utak mula sa katotohanan. Tumango lang ako at pumunta na sa susunod naming destinasyon.
Pagdating sa paroroonan animo’y bata na nabilhan ng bagong laruan si Marceline. Dali-daling pumasok sa kwarto at binuksan ang kanyang sobre. Isinara ko ang pinto at sa paglingon ko nakita ko siyang may hawak na gawa ng kalikasan. Pinatuyo at durog na dahon ng kung ano. Oo nga pala, Miyerkules ngayon, araw kung kailan tayo nagpapalitan ng tingin natin sa buhay habang tumutugtog ang mga paborito nating kanta sa telepono mo. Kinandado ko ang pinto dahil alam kong huhusgahan kami ng tao sa labas, mas mabuti na ang ganito, isa pa hindi naman importante ang opinyon nila.
Sa pagpasok ng kanta ay ipinaghanda ako ni Marceline ng aking gagamitin, katangian ng isang masipag at mabait na asawa. Nginitian ko siya habang pumasok na ang unang kanta, una akong nagsindi at hindi tumagal at nagsindi rin siya ng sakanya. Matapos yun ay bumukas ang puwang sa pagitan namin. Hindi ko alam kung bakit pero ipinasok ko ang ulo ko doon. Sa pagpasok ko ay nakalabas na ako ng kalawakan. Madilim, malamig ngunit may mga maliliit ng kumukutitap. Alam kong bituin ang mga yun pero parang hindi ko alam. Nakalutang lamang ako dun, at habang ginagalaw ko ang aking mga paa ay lalo akong lumalayo sa gusto kong puntahan. Gusto kong puntahan na hindi ko alam. Maya-maya’y pumapasok sa utak ko ang mga palaisipan sa bilis ng 100 idea kada segundo at biglang may sumabog. Walang tunog, ilaw lamang na sobrang liwanag. Mga 7 metro mula kung saan ako nakalutang. May isang babae na kapag nakita mo ay makakadama ka ng ginhawa. Alam kong hugis tao siya, alam kong babae siya pero hindi ko sigurado kung pano o bakit. Nakita ko ulit ang pagsabog at ang mga susunod na pangyayari ay puro patay-sinding ilaw na lamang. Ilaw o mga nagsasayawang alitaptap hindi ko alam. Mulat ang aking mga mata at wala akong marinig biglang may parang humahawak sa akin at nahuhulog ng paulit-ulit kahit nakalutang. Nung mahulog nga ako ng huling beses napapikit ako at pagmulat ko ng aking mga mata, nasa Ospital na ako at kaharap ang mga kaibigan at pamilya namin ni Marceline, malungkot. Ang nasabi ko na lang ay “Tapos na ba? Ito na ba yung tunay na buhay? Asan na yung babae?”. Nagsalita ang matalik na kaibigan ni Marceline at sinabing “Wala na siya…”. pinilit kong hanapin yung maginhawang babae na nakakapagpakalma at biglang sumakit yung ulo ko na para bang pinasukan ng nagliliyab na bala. Pumasok sa utak ko na ito na ang tunay na buhay at hindi na to gawa ng misteryosong laman ng sobre ni Marceline. Patay! Nahuli na ako, nahuli na kami ni Marceline. Agad-agad akong napatahimik at hinanap si Marceline. Sumagot ulit ang kanyang kaibigan ng “Wala na siya!!” sabay umiyak at tumakbo palabas ng kwarto. Siguro hindi pa nakakabawi ang utak ko kaya hindi ko pa naproseso ang mga salitang iyon na agad naman ipinaintindi sakin ng kaibigan ko gamit ang kanyang kamao at mga salitang “Gago! patay na si Marceline!”. Masakit man ang mukha ko, ulo ko at pakiramdam ko’y pagod na pagod, di ko parin naiwasang hindi hugasan ang pisngi ko ng mga luha matapos ko marinig ang mga salitang iyon. Umalingawngaw sa kisame at sahig ng ulo ko ang mga salitang “Patay” at “Marceline”. Sa pagbaha ng luha minabuti na muna ng lahat na iwan ako mag-isa. Hindi ko parin maisip na wala na ang pinakamamahal kong babae, ang kasintahan ko, ang buhay ko sa buhay na ito. Sa gitna ng mga yun naalala ko ang mga nakita ko dahil ang pakiramdam ko ay nangyari lamang ang mga yun mga 7minuto ang nakakalipas. Pumasok nga ulit sa utak ko yung babae. Alam kong hindi siya si Marceline. Sino siya? Bakit siya nasa loob ng utak ko? Masama ba akong kasintahan kung iniisip ko siya sa oras na ganito? Humahanap nanaman ba ako ng takas sa katotohanan na wala na ang pinakamamahal ko?
Marceline mahal na mahal kita. Alam kong hindi kita dapat hinayaang ituloy ang bisyo mo at hayaang hilain pa ako rito. Gusto ko lang kasama ka lagi. Sa mga ginagawa mo. Patawad kung hindi kita pinigilan subukan ang bagay na hindi naman natin kadalasang ginagawa, pareho nating hindi alam ang pinapasok natin. Dapat hindi ako nagpadala sa mga sinabi mong “Life starts outside your comfort zone”. Paalam Marceline. Salamat sa pagpapakilala mo sa babaeng taga-kalawakan… Hanggang sa muli Marceline, hanggang sa muli.
Mt Hongu, dahil ang tumblr name ay iphonetographista kahit 'di naglalagay ng larawan… :3
YUNG FEELING NA..
Nagpakahirap ka magisip ng ipopost mo, Nagpakahirap magtype ng mahaba, Nagpakahirap magantay sa mabagal mong internet tapos wala man lang kahit isang note sa mga pinaghirapan mong ipost.
true dat
Satanic Code
1. Do not give opinions or advice unless you are asked.
2. Do not tell your troubles to others unless you are sure they want to hear them.
3. When in another’s home, show them respect or else do not go there.
4. If a guest in your home annoys you, treat them cruelly and without...
Pagkaing Pang-tenga.
Lahat tayo ay may mga kanya-kanyang paboritong banda at dahilan kung bakit natin sila naging paborito. Ipapakilala ko sa inyo ang isa sa paborito ko. Ang naguumapaw sa talento na si Bb. Armi Millare at ang banda na kanyang kinabibilangan, ang Up Dharma Down.
Ang Up Dharma Down ay binubuo nila Paul Yap, Carlos Tanada, Ean Mayor at ang nagiisang si Armi Millare (super fanboy na ba dating? hahaha).
Una ko sila narinig sa isang patalastas ng McDo sa kanta nilang “Float Away”. Simple at maikli lamang ang patalastas pero kapansinpansin. Sino ba naman ang di makakapansin sa dalawang bagay na paborito ng karamihan? Si Angel Locsin at McFloat! Hindi pa sila gaano tumatak sa ulo ko sa kanta nilang yun. Ang sumunod na obra nila na aking natisod ay ang kantang “Oo”. Sobrang swabe pakinggan. Ganda ng pasok ng piano, tambol, gitara at mga synth. Parang isang masarap na halo-halo para sa tenga, malamig. Dito na ako… napamahal? naadik? di ko alam kung ano karapatdapat gamiting salita para sa kung ano meron sa akin at ang Up Dharma Down, pero ito na yun. Sa kasalukuyan meron na silang tatlong album, na kung aking papangalanan ay Fragmented(2006), Bipolar(2008) at Capacities(2012). Lahat inilabas sa ilalim ng indie label na Terno Recordings. Ako yung isa sa mga taong lahat gusto may kategorya ang mga bagay-bagay (at maniwala ka hindi ako ganun kasinop), pero di ko talaga mawari kung saang kategorya ilalagay ang bandang ito. Hindi gaya ng ibang banda sa Pilipinas, ang Up Dharma Down ay may naiibang estilo sa paglikha ng kanilang mga obra. Natatangi sila sapagka’t hindi karamihan ang ganitong klase ng mga banda at hindi karamihan ang kilala sa nasasabing estilo.
Mausbong sila ngayon sa akin, sobra! Siguro dahil sa malamig ngayon at masarap sila pakinggan sa umaga habang iniinom ko ang paborito kong mainit na inumin. Pwede din nating sabihin sarap mangarap na sana kasama mo ang taong gusto mo habang tumutugtog sila sa iPod mo sa likod. Tama! sila yung masarap pakinggan kapag umiinom ka nang mainit na inumin habang kasama mo yung taong kinagigiliwan mo at pinaguusapan ang mga bagay-bagay na wala namang katuturan at mga maliit na pagtatalo sa pagitan. Tapos yakapan sa dulo at palitan ng “wag kang lalayo” o di kaya’y “mahal kita”. Malamang nahulaan niyo na na nakikinig ako sa kanila habang isinusulat ko ito, haha.
Ako si Puypuy at ikinagagalak kong ipakilala sa inyo… ang Up Dharma Down.
-
Mga kantang sarap i-kape, i-milo, i-gatas o i-taho?:
Hiwaga (acoustic), Delubyo*. Anino*, Silid at Indak
*mga solo ni Bb. Armi*
Mga kantang paborito ko mula sa kanila (bukod sa nasa taas):
Taya, Oo, Sana at Tadhana
natapos din!
Maligayang pagtatapos! Ngunit maligaya nga ba talaga?
Ito na nga at halos matatapos na ang pagsisikap ko mag-aral ng pagmamaneho. Parang kailan lang nung enrollment, iniisip ko pa kung ano susuutin ko. “Pants nga ba o Shorts? 3/4s ba o Tee? Flipflops ba o Sapatos? Ang bilis talaga nang panahon. Ngayong matatapos na ako sa kabanatang ito, isinabay ko na ang siya namang pagbabalik ko sa korporadong mundo ng isang hamak na empleyadong migrante. Sana lamang mas nilasap ko pa ang araw ng aking pagiging estudyante. Mga araw na nakikita ko ang mga nagsisigandang dilag. Mga guro ko na kay gaganda at kay babait. Susulitin ko na lamang ang mga nalalabing ilang pasok ko pa, para lakasan ang loob upang makipagkaibigan sa mga taong ito.
Sa kabilang banda, kinagagalak kong makita ang aking mga kasamahan sa trabaho, sa tingin ko ay ganoon din naman sila sa akin. Ang wika pa nila’y “kumusta na ang pag-aaral mo?” ang iba nama’y “pasakay naman sa sasakyan mo?”. Nakakatuwang isipin na kasama ko rin pala silang lahat sa likod ko bilang suporta habang nag-aaral ako.
Nakakalungkot mang isipin na hindi ko nagawang tapusin ang pag-aaral (sa inilaan kong oras) na ito sa loob lamang ng 3 linggo. Nakakatuwa naman na meron pa akong pagkakataon para gawin ang hindi ko nagawa habang ako’y nasa eskwela pa. Kaya GO! Pig/PUy kaya mo to’!
PS Gagawa ako ng 3 karagdagang post para sa nangyari sa loob ng 3 linggo ko sa eskwela.
May kalidad ba ang ligaya mo?
Alam ko matagal na akong hindi nagsusulat ng kung ano ang nasa isip ko, Sabi ni kuya Ken “Mas makakatulong mabawasan ang lungkot mo, magsulat ka lang ng magsulat”. Kaya ito muli nagbabalik ang tamad ninyong… sandali ano nga ba ninyo ako? Di bale, simulan na natin ito.
Ganito kasi yun, nitong mga nakaraang araw, nalulungkot ako (hanggang ngayon). Naisip ko bakit nga ba hindi ko makamit yung kaligayahan na inaasam-asam ko, yung… kaligayahan na nararapat sa akin? Naisip ko na baka masyadong mataas ang pamantayan ko ng “kaligayahan” kaya hindi ko ito makamit. Naisip ko na kung bababaan ko ang pamantayan ko ng kaligayahan, ay mas madali at mas madalas ko itong makakamit, ngunit posible nga ba ito? Sa mga panahong ganito wala akong nilalapitan kung hindi si kuya Ken. Ang unang sagot ni kuya nung iminungkahi ko sa kanya ang nilalaman ng utak ko ng mga panahong iyon ay: “Hindi kaya lolokohin mo lang ang sarili mo sa sistemang ‘yan?”. Huminto ako at napaisip. Sinundan pa ito ni kuya Ken ng “Mahirap kasi sukatin ang kaligayahan.” Sa tingin ko ay hindi kami nagkaintindihan. Ipinaliwanag kong muli gamit ang mga numero upang kami ay magsalubong. “Kung ako ay nagiging masaya sa limang mansanas, pero ang kadalasan kong natatanggap ay dal’wa o tatlo, paminsa’y apat, ngunit hindi nagiging lima. Ayos lang ba na ibaba ko ang pamantayan ko sa apat upang makamit ko ang kaligayahan?” ang pahabol ko pang mga tanong ay “May kalidad ba ang kaligayahan?” “Kung meron, bababa ba ang kalidad ng kaligayahan kung bababaan ko ang pamantayan ko rito?”. Naalala ni kuya ang tingin ni Buddha sa mga bagay-bagay, walang masama o mabuti sa kunganupaman, pananaw lamang natin ang nagbibigay kulay sa mga ito, na ang tao lang ang nagdaragdag ng lungkot at ligaya sa mga bagay-bagay. Hindi lahat ay kalungkutan at kaligayahan. Ang pagbalanse sa ito ay ang tunay na ilaw. “Maaari mong isipin na ang pagpapababa ng iyong pamantayan ay ang pagahahanap mo sa ilaw, ang paghahanap mo ng balanse.”, dagdag pa ni kuya na ang paghahangad daw ang nagdudulot ng pagkakawala ng balanse ng isang tao. Sa mga katagang iyon ay lalo akong naguluhan sa nararamdaman ko. Sa paglilinaw ni kuya sinabi niya na nakadepende sa tao kung paano niya susukatin ang kaligayahan at ang kalidad nito. Meron daw kaligayahan na kumakain sa ating pagkatao mismo. Minsan ang kaligayahan ay hindi naman ganoon ka komplikado, ginawa niyang halimbawa dito ay isang masayang manggagawa na kahit ganoon lamang ang estado ng kanyang buhay ay maligaya na siya rito. Medyo naiintindihan ko na si kuya sa mga panahong ito at naliliwanagan na kahit papano. Nasa tao ang lahat. Ang isang tao na hindi marunong maglagay ng ligaya sa sarili niyang mga kamay ay taong umaasa lang sa iaabot sa kanya ng sistema, walang sariling agos.
Ikaw kaibigan? May kalidad ba ang kaligayahan mo?
Atheist na ata ako?
Ano kaya sasabihin ng nanay ko? Ano kaya sasabihin ng ate ko? Ano kaya sasabihin ng mga kuya ko? Kapag sinabi ko sa kanila na ayaw ko na maniwala na may makapangyarihang diyos na siyang tagapaglikha. Diyos na tagapagligtas. Diyos na mapagmahal. Diyos na mapagpatawad. Isang malaking pagbabago ito sa buhay ko. Sana matanggap nila ako.
How To Make Your Own Damn Hot Dog Stuffed Crust Pizza Right Now
sheepish ako. ü hahaha.
Kung nalalapit na pala ang wakas nang libro ng buhay ko, may ihahabol ka ba sa mga huling pahina ng pagtatapos nito?
Ikaw! Oo ikaw! Salamat! Sabihan mo na din sila!
Maraming bagay sa mundo ang marami akong gustong ihingi nang paumanhin, ngunit mas marami akong gustong pasalamatan. Isa rito ay ang mga nakahalubilo ko sa mahigit labing-limang taon ko na nabubuhay (nang may kaalaman at muang, 19 na ako), na nagbigay hubog sa kung ano ngayon. Sa mga kamag-anakan na nandito at pati na rin sa mga wala na dito, na puno ng suporta at pangaral. Sa kamag-aral at guro na nakipagtagisan ng galing sa utak ko, hindi ako magiging ganito katalas kung hindi dahil sa inyo. Sa mga taong nakilala ko sa malawak at kakaibang mundo ng "Interwebz", kilala niyo kung sinu-sino kayo ü, at kung may ipagpapasalamat ako ng higit pa sa nararapat, ito ay ang mga kaibigan ko, mga matatalik kong kaibigan,sa hirap man o ginhawa, maraming salamat! Sana'y magkita-kita na tayo sa lalong madaling panahon.
おかし の チップス
Yakiniku
Lumabas kami magkakapatid ngayon (buong pamilya sana, pero kulang ng dalawa) papunta sa isang YakiNiku resto. Ang YakiNiku ay isang kainan kung saan ang mga lamesa ay kadalasan may hotplate o ihawan na nakakabit. Ang naoorder sa loob ay mga hilaw na karne ng baboy, baka at manok. Ang mga kostumer mismo ang magiihaw ng kanilang mga order ayon sa gusto nila. Kinuha namin ang "Family Course", may konting gulay at karne ng baka. Iba-ibang parte at hiwa ang mga ito ng dumating sa aming mga lamesa (dalawang lamesa kami dahil 10 tao ü). Sa nakalagay sa papel, 600g daw ang karne na nakapaloob dun. Hindi ko masabi dahil sa ilang kisapmata lang ubos agad ang dalawang "Family Course". Kaya naman umorder pa kami ng mga "Single Plates". Yun naman yung oorder ka nang 100 o 200 gramo ng mapili mong karne o parte at hiwa. Kadalasan naman lumalabas kami talaga buong pamilya, lalo na kapag kakasweldo pa lamang. Nawala kasi iyon nitong nakalipas na mga buwan. Kaya para maibalik, nung lumabas kami, ako lang naman ang taya. Inabot ang bayarin ng tumataginting na ¥14,000. Pero di mababayaran ang tawanan at kasiyahan sa mga panahong ganun. Yakiniku: •Karne -Baka -Baboy -Manok -Laman Dagat •Laman-loob •Gulay •Serbesa •Kanin Karagdagang kaalaman: !May exhaust naman, kaya hindi mausok. !Kadalasan may eat-all-you-can course na mahigit ¥1500 sa loob ng ilang minuto, ang mga yakiniku !Di ko sigurado pero, pwede manigarilyo sa loob nang napuntahan namin na yakiniku. Kung may katanungan pa kayo, reblog with note lang. Pipilitin ko sagutin sa abot ng makakaya.