Pairings
Well kung totoo man na i-pair si DJ baby sa iba, nakalulungkot talaga. Eh kasi siyempre hindi si Kathryn yon. Pero mapipigil ba natin ang ABS-CBN?
Guys ganto lang yan eh. Wag nating i-bash o siraan kung sino man ang maka-love team ni DJ. Siyempre nakakahiya sa side ni DJ yun kasi parang ganto yan eh. Sila DJ and Kath ang mga magulang ng fandom natin. Tayo mga anak nila, diba nagrereflect yung gawa ng magulang sa ginagawa ng mga anak nila? I-apply natin ngayon bilang supporters nila. Na-gets niyo ba? =))
At last, may tiwala tayo kay DJ na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal niya si Kathryn at idagdag niyo pa ang mas malaking tiwala ni Kath kay DJ. Hindi niya sasaktan si Kath. PERIOD. Hindi siya gagawa ng kahit anong kalokohan na makakasakit kay Kath.
So ayun. Trust and respect lang to. Kaya natin to for KathNiel, for the fandom and for our happiness!
















