Nahihirapan akong sumaya kahit na may karapatan ako rito dahil pinaliligiran ako ng kalungkutan at dismaya na kahit ako ay apektado.
Misplaced Lens Cap
I'd rather be in outer space đž
EXPECTATIONS
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
macklin celebrini has autism
Three Goblin Art

titsay
cherry valley forever
đ
Lint Roller? I Barely Know Her
almost home
NASA
đ©” avery cochrane đ©”
untitled
d e v o n
hello vonnie
TVSTRANGERTHINGS

oozey mess

No title available

PR's Tumblrdome
seen from Mongolia

seen from TĂŒrkiye

seen from China
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Italy
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Italy

seen from Singapore
seen from United States

seen from United States
seen from United Arab Emirates
seen from United States
@isthorohbereh
Nahihirapan akong sumaya kahit na may karapatan ako rito dahil pinaliligiran ako ng kalungkutan at dismaya na kahit ako ay apektado.
Tanghaling tapat nga pero panghatinggabi ang takbo ng utak. Na parang kung ano ang itinaas ng sikat ng araw, yaon naman ang ikinababaw ng luha, ng damdamin, ng pag-iisip, ng dilim.
Iwasang Basahin
Isinulat ko âto sa hindi ko malamang dahilan. Itaga ko man sa bato na ang tulang âtoây walang pinagmulan.
Sabihin mo man na akoây tarantado at ang lawak ng utak koây limitado, di ko pakikialamanan ang itinakbo ng mundo dahil tanggap ko na kung ano man aking estado.
Wala, wala nga akong alam; di ko naman pinakinggan. Hindi, hindi ko rin alam; di ko rin naman kasi tinignan.
Ipagduldulan mo sa harap ko ang katotohanan pero ititikom ko ang bibig at baka hindi mo magustuhan. Ni sumbatan kaây wala akong karapatan dahil sapat nang ako na lang ang masaktan.
Isulat mo man sa papel ang pangalan ko matapos mong dugtungan ng salitang âboboâ. Ibulong mo man âto sa akin tuwing magkakasalubong tayo pero ito ang tandaan mo: Pinaiiral ko lang ang ignoranteng akoâna hanap mo.
Di ko ikakailang wala akong alam basta baât di ko nakita at pinakinggan. Pero hindi ko na lang sana inalam nang di ako binabagabag nung sinasabi mong âkaalamanâ.
Ipapaalala ko kung anong nabanggit ko saâyo mula kanina nung nagtagpo tayo, ipaiintindi ko saâyo kahit na gawaan pa kita ng buod; ngunit silipin mo saglit ang pinakaunang taludtod.
Excelente
Limang puntos lang pala ang kailangan mo na sasapat sa kung ano mang kagustuhan ng mga matang minsan ko nang natitigan at inasam na ibaling din âto sa akin.
Sa silid-aralang 'to na sisidlan ng mga katampatan, aamin akong ako na ang pinakamahinang nilalang. Pero maituturing mo bang mataas ang kompiyansa ko kung sasabihin ko man saâyong hilig kong higitan ang iba?
Oo, hilig kong higitan ang iba dyan-- kahit wala akong napapatunayan, kahit wala ako nung âkatalinuhanâ, at kahit sarili ko maây nawawala.
Hinigitan ko ang talino nila (ako lang ang tama at sila ang mali), nagpasikat ako sa iba (ngumiti, nagpakilala, tumulaât umawit), isinadula kung paano sinuyo ni tatay si nanay (heto ang tula), at nilunod ko sa pansin ang mga matang muli ko na namang natitigan.
Isang puntos para sa kahapong ipinaalala saâyo ang mga takdang-aralin na nakalimutan mong isulat sa kwaderno mong astigin ang dating. Ikalawang puntos para sa kaninang pagpapakopya ko ng sariling takdang-aralin na isinulat ko pa mula kahapong nagtanong kaât nagbabakasakaling sagot ko ay iyo ring tanungin.
Ikatlong puntos para sa mamayang ako na rin ang susulat ng iyong takdang-aralin na kinatamaran mong kopyahin mula sa dilaw kong papel na puro bura at mantsa ng pluma. Ikaapat na puntos para sa bukas na ako na ang magpapasa sa propesor ng ating takdang-aralin na pinaghirapan kong gawin at isulat gayong di ka pala makakapasok sa klase ng titser nating kilabot.
Ikalimang puntos para sa mga sumunod na araw na pinilit kong intindihin ang paksa para sa darating na pagsusulit at pinilit kong intindihin kahit alam kong mahina ako sa ganitong larangan. Ikaanim na puntos para sa pagbati saâyong pagkapasa sa asignaturang âto, samantalang heto ako na uulit sa paggawa ng takdang-aralin ko.
Salamat sa isang puntos na iyon, alam kong mas higit na ako. Mas higit na pala akong magsisikap sa takdang-aralin ko. Dahil sa anim na puntos na iyon, nagkasabay kayong nagpatuloy habang nagpapatuloy pa akong gawin âtong takdang-aralin ko.
Anim na puntos laban sa lima, olats pa rin naman pala. Sana inilaan ko ang huling puntos para sa sarili ko. Pero babaguhin ko--sarili ko naman ang iintindihin ko-- dahil nagiging makakalimutin na rin ako.
Limang puntos nga lang pala ang kailangan mo.
Mas masaya ang ganito. Walang kasiguraduhan at alam mong nandyan pa. Mas dapat na pagtuunan ng pansin ang kasalukuyan dahil ito rin naman ang huhulma ng kung anong meron bukas.
Sa'yo ko sana iaalay 'to--ang tulang tatlumpu't dalawang araw kong pinaglaanan ng panahon--pero nilukot ko na rin, pinunit at itinapon. Na parang mas matagal pa ang pinagsamahan namin ng papel at lapis kaysa bilang ng mga araw na isinusulat natin ang mga naunang pahina ng nobela .
Ang Tula ng Pasasalamat
Ito ang tula na naglalaman ng aking pasasalamat. Huwag nang magtaka kung pambungad ko ang pangungusap na, âSalamat.â Pangungusap at hindi kataga. Hindi kataga at hindi rin isang salita. Ipaparating sa bawat taludtod nang sa gayoây matawag akong makata.
Pasasalamatan kita hindi dahil sa pagtulong mo sa aking asignatura, kundi ang paglalaan mo ng oras sa katulad kong mapang-abala.
Pasasalamatan kita hindi dahil sa pagligtas sa akin, kundi ang pagkukusa mong magbuwis ng buhay sa katulad kong lalampa-lampa.
Pasasalamatan kita hindi dahil sa pagpuri mo sa talino o talento ko, kundi ang kakayahan mong ikalugod ang mga bagay na tulad nito.
Pasasalamatan kita hindi dahil sa pagbulong mo sa aking maganda ako, kundi ang segundong inilaan mo para lingunin ang katulad kong karaniwan lamang.
Pasasalamatan kita hindi dahil pinahiram mo ako ng panulat mo, kundi ang tiwalang ipinahiram mo rin sa katulad kong hindi mo naman gaanong kilala.
Pasasalamatan kita hindi dahil sa gradong pasado na inihatol mo, kundi ang dunong na iminulat mo sa katulad kong walang malay.
Pasasalamatan kita hindi dahil sa pagtira ko sa bahay mo ng mahigit labinwalong taon, kundi ang pagmamahal na natamo ko sa loob ng panahong âto.
Pasasalamatan kita hanggang sa matapos ko ang tulang ngayon ay binabasa mo;
Dalawang Imahe
Nakakita ako ng gusali na kasintayog ng mga pangarap ko-- ang mga pangarap ko na pipilitin kong tuparin, na isinulat ko lang sa papel at hindi ko alam kung mananatiling naka-imprenta lang iyon sa papel.
Umakyat ako. Unang palapag. Ayos naman pala. Ganado pa ako. Ganito lang naman pala kadali.
Umakyat akong muli. Ikalawang palapag. Ayos pa rin pala. Ganado pa rin ako. Madali pa.
Umakyat pa ako. Ikatlong palapag. Ayos, kaya ko pa! Madali kung tutuusin.
Umakyat ako. Umakyat pa nang umakyat nang umakyat nang.... di ko na kaya. Di ko na pala kaya. Madali lang pala nung una. âPilitin mo. Nandito ka na, o.â
Umaakyat. Nang sa kalagitnaan ng hagdan may bintana. Dumungaw ako. Ni hindi ako nakaramdam ng pagkalula o pagkapuri sa sarili sa kabila ng taas na naakyat ko.
Sa taas kong âto, kitang-kita ko ang pigura ng babaeng nakatingin sa akin. Ako iyon. Nagkakatitigan lang kami ng sarili ko.
Naguguluhan ako-- may luhang humalik sa pisngi ko, ako rin yaong babaeng nakikita ko, at pagod na akong ipagpatuloy pa âto.
âMataas na ang narating mo. Napagod ka ngunit pinagpatuloy mo. Sanaây huminto ka muna. Heto kaât nakatitig ngayon sa akin.â Nakita ko ang sarili ko sa itaas ng gusali (na kasintayog ng mga pangarap ko).
Bigla syang naglaho. Guni-guni ko yata.
Isinulat ko sa papel na balang-araw aakyatin ko rin ang gusaling âto.
Text
âSaludo ako sa mga taong nakangiti pa rin Gayong nalulunod na sila sa lungkot Paano silang hindi nababagabag? Hindi ko kaya iyan :)
Ang luhang may halong pagkadismaya Pinapalabas na luha mula sa katatawa Abaât humahalakhak pa sya :) Pansin ang saya sa mukha nya
Nakangiting mga mata :) Ngunit hindi ito ang katotohanan Maganda nga ang mga mata nya Subalit maganda nga rin ba ang pinagdadaanan nya?
Iginigiling na ang kanyang puso Hala sige pa rin sya sa pagtulong Wala nang pakialam sa sarili :) Bastaât wag lang sila ang magdusa
Saludo ako sa mga taong nakangiti pa rin Gayong may pulang likido nang dumadanak sa patalim Paano silang hindi nasasaktan? Baka naman kaya ko rin iyan :)â
Para sa mga masokista,
Alam ko namang di ka pa rin tumitigil na saktan ang sarili mo -- pisikal man, mental, o emosyonal. Tila patuloy mo pa ring itinutuktok sa kokote mo na may mga bagay na di talaga aayon sa gusto mo ngunit ipinipilit mo ito! Di ko lubusang maisip kung paano mo natitiis âyan; na makitang sinisira ka na ng bagay na bumabagabag saâyo. Sirang-sira na ang sistema mo. Hindi pa ba sapat? Hindi pa sapat kasi hinihintay mo lang yung oras na bumigay na ang katawan mo sa sobrang pagkahapo mula sa pagkakasabit mo sa bakal ng dyip gayong lagpas ka na sa dapat mong babaan? Kung di ka rin lang naman bababa, ipahinga mo muna ang sarili mo at maupo; hintayin ang susunod na destinasyon; at kung kakayanin na ay doon ka muling magsimulang kumapit sa malamig na bakal.
Nagmamahal, Ang tsuper
Sa mga pagkakataong hubad na hubad ang iyong sarili sa lipunan ay subukang huwag ipakita ang emosyon. Ni bahid ng saya, lungkot, galit, pagkamangha, gulat, takot, pasasalamat, atraksyon, interes, pag-asa, pagmamahal, at pagkahiya; huwag na ring subukang buksan ang pinto o silipin pa ito. Di na dapat ipaalam. Wala nang dapat pang makaalam. Heto ang makapal na tela at maskara, isuot mo.
"Mahal ko na siya."
Iba na yata ang tingin ng mga kabataan ngayon sa konseptong pag-ibig. Tila hayok sila na maranasan ito; iniisip na ang pagmamahal ay tungkol sa panliligaw, pagbibigay ng atensyon, pagiging sobrang malambing, at iba pang makamunduhang bagay na binuhay ng mga istoryang pag-ibig na naglipana sa mga internet at libro. Ang pagmamahal ng mga magulang, kaibigan, at ng Diyos ay hindi na nakabase sa "pagmamahal" na gustong makamit ng isang indibidwal dahil laguyo ang uri ng pagmamahal na nais nito. Pansin na pansin ang uhaw ng iilan na magkaroon ng karelasyon dahil doon daw nila nahahanap ang kanilang kasiyahan at ang kanilang sarili. Ito na lang ba ang natatanging solusyon sa "problema" na 'yan?
Unti-unting kinakain ng "sistema" na ito ang kasalukuyang henerasyon dahilan upang lumaganap ang liberalidad sa mumunting isip nila. Sa panahon ngayon, salitang-ugat yata ng 'pag-ibig' ang salitang 'libido' kung saan kali-kaliwa ang pagtatalo sa dalawang bagay na ito kung magkaugnay nga ba ito. Ito ba ang henerasyong gusto mong mapabilang?
Sa halip na pag-aaral ang atupagin, monthsary, anniversary, surprise, at lover's quarrel ang pinoproblema ng ilan. Mas inuna pa yata iyon kaysa tambak na mga aralin at proyekto. Ito ba ang magpapaangat sa mga grado mo?
Pero subukan nating tignan ang panig ng kabila. Kapag may karelasyon ka, masaya, punong-puno ng inspirasyon ang bawat isa, alam mong may tumatanggap sa'yo anuman ang ugali mo, at ramdam mong di ka nag-iisa. Ito nga siguro ang ilan sa mga dahilan kung bakit mala-domino effect ang pag-ibig sa paraang pag nakabasa ang isang indibidwal ng isang romantikong babasahin ay iikot na ang imahinasyon nito at ilalagay ang sarili niya sa sapatos ng mga karakter sa libro.
Kung ang klase ng pag-ibig na tinutukoy mo ay romantiko, gawin mo itong sagrado,seryoso, tapat, at mas mapapabuti ang iyong sarili. Hindi solusyon ang pag-ibig para masabi mong, "Nahanap ko ang sarili ko sa kanya dahil tanggap niya ako," dahil hindi mo pa siguro hinalughog ang bodega niyo.
Kaya ko namang sabihin yung mga katagang yun! Di nga lang sa harap mo. Mahirap kasi eh. Bukod sa nahihiya eh iniisip kong baka hindi mo ako pansinin at mag-iba ang tingin mo sa akin. Oo, iniisip ko ring baka layuan mo ako. Ang weirdo kasi siguro kung bigla ko na lang sabihin yun sa harap mo, diba? Kinikilabutan ako tuwing mararamdaman ko yun. Pinipilit kong manahimik na lang sa isang tabi. Pero lalo palang bumubugso ang damdamin ko kapag ginawa ko iyon. Siguro dapat ko na ngang ipaalam... na natatae na ako.
Bayan ni Juan
Ano na nga bang nangyari sa  bayan ni Juan? Hindi makatarungang sweldo'y kinakaltasan Saan na nga ba napunta ang pondo ng bayan? Marangyang buhay ni Don Pedro, siyang pinaghinalaan
Ano na nga bang nangyari sa bayan ni Juan? Tila mayayaman lamang ang may katarungan Akala ko ba lahata tayo'y may karapatan? Hustisya sa maralita ang kinakailangan
Ano na nga bang nangyari sa bayan ni Juan? Matrikulang bawat taon ay nagtataasan Paano na lang ang susunod na kabataan? Kay rami pa ang pagkukulang sa paaralan
Ano na nga bang nangyari sa bayan ni Juan? Ang batang si Maria, ngayo'y lumobo ang tiyan Paglaking populasyon, bakit hindi maagapan? Doseng anak, baka nga ito pa'y madagdagan
Maligayang pagdating sa bayan ni Juan Kung saan ito na ang aming nakagisnan Kumayod ka man, dugo't pawis na inilaan Wala ring silbi dahil palubog na ang bayan
"Gusto ko pa ba 'to o baka pinipilit ko lang? Pinipilit ko lang na panatilihin pa rin yung 'pagkagusto' ko sa kanya kasi kinikilig pa rin ako sa tuwing inaalala ko yung mga sinasabi niya sa akin dati? Hindi ko alam. Lumipad na yata paalis yung mga paru-paro sa tiyan ko sa tuwing kausap ko siya. Sana mali ako. Sana siya pa rin yung taong gusto ko. Sana malinaw 'tong pakiramdam ko."
Crush mo 'ko?
Ako'y may alaga Kutong mataba Saganang-sagana Sa dugo't bitamina
Ako'y may alaga Lisang makintab Kunin mo ma'y Patalon-talon pa
Ako'y may alaga Tigyawat na kay pula Bilang nila'y dambuhala Mataas yata ang sex drive nila
Ako'y may alaga Kulangot sa pisngi Di ko napansin Akala ko'y nunal na kulay green
Ako'y may alaga Buhok sa kili-kili'y wagas Nakalimutang ahitin Nakalawit na sa manggas
Ako'y may alaga Di mo mahahalata Ngunit pag ako'y tumingala Libag sa leeg ay kitang-kita
Ako'y maraming alaga Magustuhan mo pa kaya Araw-araw sila'y kasama Ikaw na lang kaya ang humusga