Hi mama at papa . Hindi akong perpektong anak pero masasabi ko pong mabuti po akong anak . Salamat sa luho na binibigay nyo sakin mula pagkabata hanggang ngayon. Madami rin po akong pagkakamali pero ang tangging magagawa ko lang po ay itama iyong at bumawi. Ma, Pa alam ko pong simula bata palang ay nandiyan na kayo para suportahan kung anong gusto ko . Ang pag aralin sa isang prehisteryosong paaralan ay hindi biro , mali ang binabayaran pero kinakaya nyo po para maging maayos ang kalagayan ng buhay at ng ating pamilya. Hindi man po ako makabawi ngayon sa inyo, sisiguraduhin ko po na babawi ako balang araw . Hindi ko man po na sasabi ito sa inyo pero mahal na mahal ko po kayo higit pa sa kung anong iniisip nyo . Iwan man ako ng lahat ng tao dito sa mundo naniniwala ako na kayong pamilya ko ang mananatili para sakin. Sa daming tao na naka salamuha ko kayo lang ang nakatanggap sa kung anong klaseng ugali meron ako. Pero kahit ganun pa man sana alam nyo na sobra ko po kayong mahal. Wala Na akong ibang hihilingun kundi kayo . Kung bibigyan akong pagkakataon na palitan ang aking mga magulang KAYO parin po ni papa ang pipiliin ko kasi po kayo na ang naging buhay ko, kayo ang naging inspirasyon ko sa bawat laban na kinakaharap ko . Muli ma, pa mahal na mahal na mahal ko.















