Dare
Every morning nasabay ako ng breakfast sa mga close officemates ko. Ang mga kasama ko is isang early 30s guy, lets call him Terrence, then si Nana, female, im not sure lang kung late 30s or early 40s siya. Sometimes nasabay din yung ibang maaga ring napasok na kabatch ko like si Liesel at Dina, parehas silang early 20s like me.
Napakaingay namin every morning. Malakas mambully si Terrence at Liesel hanggang sa mahawa na rin si Nana. Hanggang sa kaninang umaga ako yung napagkaisahan ibully. Sanay nanaman ako sakanila kaya nakikisakay na din ako. Nagsimula sa 'pineapple cut' na hairstyle ko, talagang di na ko magpapagupit ulit sa barber shop na yun! Tapos napunta sa lovelife ko. Nagkaron ng dare si Terrence at Nana. Yung dare is alin mauuna, yung pagliit ng tyan ni Nana or pagkaron ko ng gf. Tawa lang ko ng tawa pero nappressure ako baka ituloy nila. Pano ba naman, oo marami kong nagugustuhan pero wala nung aabot sa liligawan ko talaga. Parang crushes lang ganun. Hanggang sa makabalik ako sa pwesto ko ng iniisip yun.
Ready na ba ko? Kung oo, sino naman? Chinat ko yung bestfriend ko, knwento ko yung dare then tinanong ko kung sa tingin niya ready na ba ko. Nagustuhan ko sinagot niya. Sabi niya, sa tingin niya, di pa ko ready kasi di ko pa to priority. Tama naman siya dun, oo gusto kong lumandi pero ayoko pa nung dagdag responsibility. Ang immature ko pa, dami ko pang gustong gawin. Alam ko kasi sa sarili ko, pag nagkaGF nanaman ako, siya nanaman magiging center of life ko. Ganun ako e. Besides, gusto ko din kung papasok man ako sa relasyon, gusto ko yun na yung last. Yung relasyon na yun, yung alam kong maglalast for years, yung babaeng mahahalin ko for the rest of my life. Shet ang drama ko nanaman hahaha!













