Mga Pangarap
        Sa dalawang dokyumentaryong aking pinanood na pinamagatang “Kapit sa Patalim” at “Trabaho lang po!”, makikita ang paghihirap di lamang ng mga pilpinong nagtratabaho sa ibang bansa kungdi ang mga paghihirap din ng mga taong may kakaibang trabaho. Tinitiis nila ang hirap makaraos lamang sa pangaraw-araw na pamumuhay. Â
Dahil sa kakulangan ng trabaho sa ating bansa, napipilitan silang makipagsapalaran sa ibang bansa dahil sa mga magagandang oportunidad at trabaho doon. Kahit sila’y nababalot ng takot dahil sa maaring mangyari, kinakaya nila ito para lamang sa kanilang mga mahal sa buhay para maiangat sila sa kahirapan.
Sinabi bago matapos ang dokyumentaryo “pero kung may magagandang trabaho lamang sa ating bansa, mas malaki pa ang pakinabang sa husay at galing ng kababayan nating ito”. Dahil sa kawalan ng magagandang trabaho at bilang ng mga unemployed, ang mga taong nagtapos na may propesyon ay nagiibang bansa para lamang makakuha ng magandang trabaho at matupad ang kanilang mga hinahangad na pangarap.
Dahil sa kawalan ng available ng trabaho at magagandang trabaho, may mga taong isinasantabi ang pride makapagtrabaho lamang. Sinasabi nila na kahit ganon ang kanilang trabaho ay wala silang pakielam sa sinasabi ng iba dahil ginagawa nila ito para sa kanilang mga mahal sa buhay. May mga taong tinitiis ito makakain lamang ng tatlong beses sa isang araw at may mga tao namang tinatanggap at minamahal ang kanilang mga trabaho dahil ito nalamang ang pinagkukunan nila ng kanilang ikakabuhay sa pangaraw-araw.
Ako’y nakaramdam ng awa at lungkot dahil kailangan pa nilang makipagsapalaran sa mga gantong trabaho para makaahon sa hirap ng pamumuhay sa ating bansa. Di nila alintana ang mga panganib na maaring mangyari sa hinaharap sa kanilang paglipad papuntang ibang bansa at hirap ng kanilang magiging trabaho. Ngunit sabi ng mga tao sa dokyumentaryong aking napanood, gagawin nila ito para sa kanilang pamilya at sa kanilang mga pangarap.











