Balang araw makakahanap din ako ng lalaki mamahalin ako habang buhay. Yung kahit kulubot na yung mukha ko, maputi na yung buhok at makakalimutin na ako, ako pa din yung mamahalin niya. Aalagaan niya ako kahit hindi na kaya ng katawan niya, ipagtitimpla niya ako ng gatas at papaypayan sa mga gabing hindi ako makatulog. Papatawanin niya ako sa mga araw na nalulungkot ako. Kapag nakakalimot ako sa mga bagay-bagay, imbis na magalit siya iintindihin niya nalang ako at tutulungan sa mga ginagawa ko. At sa mga araw na may sakit ako, handa siyang magpuyat para lang maalagaan ako. Basta balang araw magiging masaya ako, lahat ng masasakit na pinagdaanan ko, buburahin niya, lahat ng sugat na dulot ng nakaraan, pagagalingin niya. Magiging okay din ang lahat balang araw.

















