Ikaw talaga. Lagi mo akong pinapahirapan. Alam mo ba 'yun, ha? Malamang hindi dahil ayokong malaman mo. Kase gusto ko masaya ka lang. kahit ako na lang ang masaktan. Haist. Wala pa naman akong mapagsabihan kung gaano na kasakit, kundi si Tumblr. Pinahirapan mo akong itago kung ano man ang nararamdaman ko para sayo. Mas mahirap nung umamin ka na. The feelings are mutual. Hindi nga lang nagkaroon ng formality. Ang hirap kaya na wala tayong label. Ang hirap kase mahal na mahal kita, eh. As in. Hindi ko masukat at maipaliwanag. Tapos... bigla kang umalis. Nang-iwan ka. Pero, alam mo ba? Ang hirap kase di ko kayang magalit sayo. Hinintay kaya kita ng halos tatlong taon. Oo. Naghintay ako sa wala. Nakaka-absent ako dahil sa lungkot. Walang communication. Wala kahit ano. Wala. Hindi mo alam kung gaano kasakit at kahirap? Wala kang ideya. Kase sa mata ng lahat, wala naman tayo. Tayo lang nagkaintindihan. Eh dahil wala ka na, ako na lang ang iintindi. Mahigit sampung taon na nga halos. Ang hirap na wala tayong naging umpisa, tas wala ring katapusan. Paano nga ba matatapos ang hindi kailanman nasimulan? Ang hirap ipaliwanag nang nangyari sa atin. Magkakasakit na yata ako sa puso. Tas hahanapin mo ako sa facebook. Siyempre tatanggapin kita. Hinintay kita, eh. Oh tapos ngayon sasabihin mong mahal mo ako. Tssk. Hindi mo manlang sinabi in a past form. Nakakagulo ka sa utak ko. Alam mo ba yung pagmamahal na andiyan lang? Yun ang meron ako para sayo. Hindi nawawala. Hindi naghihintay pero laging andiyan. Hays. Ang hirap lang. Yung tipo na magsabi ka lang eh tatanggapin kita. Ikaw talaga, Mykeekoy. P.S. I'm still looking forward in our God's time.