“Nakamove on ka na ba sa kanya?”
Ang sarap sabihing oo. Ang sarap sabihing sana. Pero kahit maglokohan kami ng sarili ko, alam kong hindi at alam kong siya pa rin. Alam kong kapag nag-iisa nalang ako, niyayakap kaagad ako ng mga memorya niyang pinipilit kong burahin sa isipan ko. Mga alaalang akala ko habambuhay na makakapagpasaya sa akin pero yun pala ay isa sa mga bagay na gustong gusto kong burahin dahil inuunti unti ang pagpatay sa akin. Oo at madami siyang nagawang mali sa akin. Oo at mas mahal ko siya kaysa siya sa akin. Oo at labis labis akong nasaktan nang dahil sa kanya at nararapat na wag ko nang lingunin ang nakaraan at ibaon nalang sa limot ang lahat pero hindi. Hindi ganun kadali ang lahat. Nakakamatay mag move on lalo na’t bawat lingon mo, bawat tugtog na napapakinggan mo, bawat lugar na napupuntahan mo, bawat bagay na nahahawakan mo, siya at siya lang ang naalala mo. Pinipilit mo namang ibaling sa ibang bagay ang atensyon mo pero ang lakas ng kapit at lahat bumabalik patungo sa kanya. Paano ako makakalimot niyan? Ang sarap sabihing oo nakamove on na ako. Oo, nakalimutan ko na siya. Oo, buo na ulit ako. Oo, hindi na ako apektado. Oo at sa wakas ay malaya na ako. Siguro masarap sa pakiramdam na sa wakas ay bumitaw na rin ako. Pero hindi. Alam kong nakatali pa rin ako sa kanya. Alam kong siya pa rin. Alam kong hindi pa ko nakakawala. Pero sana nga, sana nga nakamove on na lang ako kasi ang sakit sakit na po. Ang sakit sakit na.
😭😭😭😭😭😭😭
Awww













