02.14.14
Eto na yata yung pinakamalungkot na Valentine's day ko so far. Nagbreak kami dahil sa simpleng away. Sa hinala. Pinaniwalaan nya yung iba kesa sa sarili nyang girlfriend. Nakipaghiwalay sya.. nung una ayoko pa. Pero nung napag-isip isip ko na sguro kelangan ko na nga yatang talaga maglet go. Hindi lang para sa kanya, para sakin din. Para sa aming dalawa. Pero bakit ganun? Di ko kaya.. Mamimiss ko sya. Mamimiss ko yung text nya tuwing umaga, yung mga good morning text messages nya. Mamimiss ko yung laging kaming nag-uusap. Lagi kaming nagkakasama, nagkukulitan, naglalambingan. Magkausap kami bago kami matulog. Mahal na mahal ko sya. Ngayon pa lang namimiss ko na sya.. Hindi ko talaga kaya. Bakit kelangan dumating pa yung mga tao kung aalis lang din naman sila? Sinayang ko, sinayang nya, sinayang naming dalawa lahat ng pinagsamahan namin. Sa isang iglap nawala lahat. Sa isang iglap, natapos ang lahat. Wala na.. tapos na. Magiging masaya na lang siguro ako na makita sya na masaya sya. Ganun naman talaga pag nagmamahal ka dba? Di bale ng masaktan ka makita mo lang syang masaya. Mahal na mahal ko sya sobra.. Mahal na mahal. Ayoko ng umasa pero sana.. Sana lang. Sana marealize namin lahat yung dapat marealize. Hindi lang ako yung may kasalanan dito, siya din may kasalanan dito. Kaming dalawa. Oo, pagod na ko. Pero magpapahinga muna ako.. ipaglalaban ko sya. Anong magagawa ko kung mahal na mahal ko sya dba? Babalik ako dy, babalik ako. Babalikan kita. Pero sa ngayon.. kelangan ko muna sgurong magpahinga. Hanggang sa muli. PS Sana hindi nya to mabasa, gusto ko maging special pag pinaglaban ko ulit sya. Mahal na mahal ko sya sobra.















