Kumusta na ang mga tao dito? Tagal ko na nawala e.

roma★
Cosmic Funnies
RMH
trying on a metaphor

oozey mess
Not today Justin
cherry valley forever

Kiana Khansmith
art blog(derogatory)
$LAYYYTER

❣ Chile in a Photography ❣

titsay

Love Begins
No title available
styofa doing anything

No title available
noise dept.

Andulka
Misplaced Lens Cap
AnasAbdin

seen from United States
seen from Chile
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Australia
seen from United States

seen from France
seen from Türkiye

seen from United States
seen from United States

seen from Canada

seen from United States
@johncrisibarra
Kumusta na ang mga tao dito? Tagal ko na nawala e.
Magsusulat ako ngayon kasi malungkot ako. Magsusulat ako ngayon kasi pakiramdam ko mag-isa na lang ako. Magsusulat ako ngayon kasi tingin ko sa sarili ko ay walang kuwenta. Magsusulat ako ngayon kasi hindi ko alam kung paano ba dapat bumangon.
Ilang buwan na rin akong ganito. Ilang buwan na rin akong wala sa sarili ko. Ilang buwan ko nang nilalabanan ang lungkot na nararamdaman ko. Pinipilit kong maging masaya, pinipilit kong tumawa, pinipilit kong alalahanin ang masasayang alaala. Pero sadyang nangingibabaw pa rin ang kalungkutan.
Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Habang tumatagal, lalo lang akong nanlulumo para sa sarili ko. Habang tumatagal, pakiramdam ko, nawawalan na ako ng silbi. Wala na yung dating ako. Hindi ko na kilala kung sino ako ngayon. Wala na yung dating masayahing ako, yung palatawang ako, yung optimistic na ako.
Mag-isa ako lagi sa bahay. Laging nagmumukmok sa kuwarto, sandamakmak ang problemang iniisip. Hanggang ngayon, hindi ko mawari kung bakit nangyari sa akin ito. Pero iniisip ko na lang na baka nga pagsubok lang lahat ng ito.
Mahirap lumugar sa kinalalagyan ko ngayon. Ewan ko kung ano nga ba ang dapat na maramdaman ko. Saglit na lang naman siguro to. Sana makabangon ako.
Magsusulat ako ngayon kasi kailangan kong ilabas to. Magsusulat ako ngayon kasi kailangan ko ng kausap. Magsusulat ako ngayon kasi gusto ko.
Putang ina lang! Putang ina lang lahat ng nasa trabaho ko! Hindi ko kayang magtagal sa ganyang kabulok na sistema. Putang ina! Sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin at wala silang paking mga Kingina sila! Oo, okey ako sa labas. Pero deep inside, puta, durog na durog na ako. Hindi makatao ang ginawa nila sa akin. Putangina!
Paano ba Magsolve ng Math Problems?
Una, kunin mo muna yung papel. Tutal yun din naman ang gusto mo e. Yung pumapel ng pumapel. Pagkatapos, kumuha ka ng ballpen o kahit anong panulat. Ilista mo lahat ng mga given. Magaling ka diyan e. Yung ilista lahat ng mga ginagawa mo at isumbat sa iba. Ang galing mong isumbat lahat ng kasalanan sa akin pero mga kapunyetahan mo e di mo nakikita. Tapos, hanapin mo ngayon yung value ng “x” kasi yan naman ang hilig mo e, yung i-brought up uli yung past. Tapos na nga, nakaraan na nga, ex na nga, ibabalik pa ulit. Tapos, kapag nahanap mo na yung sagot, lagyan mo ng bilog yung final answer. Gaya ng ginawa mong pambibilog sa akin. Ay wag na pala, kasi di mo rin alam yun. Ayaw mo nga pala ng closure. Tapos, bawal mangopya, kasi bawal ang magcheat na damuho kang puta ka. Ilang beses mong ginawa to e. Leche ka. Then, kung hindi mo alam ang sagot, magsulat ka man lang kahit konti para may effort points. At least, sa buong buhay mo, naranasan mo rin mag-effort kahit papano. Effort effort din kasi. Takte, hindi mo nga rin pala masasagutan ang Math problems, kasi ang hilig mo nga palang tumakbo sa problema. Lamunin mo na lang yung papel mong hinayupak ka.
I tried to return to the world I once loved. I tried to return to the world that once cradled me when I am alone. I tried to return to the world who knows my other side. I tried to return, but the world has changed and it does not know me anymore.
Mga Halo-Halo Realizations with Hugot
DISCLAIMER: Please prepare yourselves. Ang post na ito ay punung-puno ng mga bagay na hinugot pa sa kailaliman ng Marianas Trench at ng kakornihang hindi maipaliwanag.
Minsan, sadyang may mga realizations tayo sa buhay na basta-basta na lang dumarating at pumapasok sa ating isipan. I was eating Halo-Halo alone sa isang fampus restaurant that fried chicken buit when this kadramahan came into my mind. I was not expecting naman na kahit pati pala sa pagkain ko ay may mga Hugot Moments ako. Mukhang nasobrahan na yata ako sa kakahugot ko sa klase, kaya nangyayari sa akin ito. Please bear with me. Kung ayaw mong mauta sa mga hugot, huwag mo nang basahin ito.
Hindi dahil sinabing SPECIAL Halo-Halo ay ibig sabihin nito ay talagang special ang Halo-Halo na inorder mo. Parang sa love, hindi dahil sinabi niyang SPECIAL ka sa kanya, ay mag-aassume ka na agad na may patutunguhan ang paglalandian ninyo.
Marami ngang lahok ang Halo-Halo niyo, pero dahil sa dami na din ng sahog, hindi na nagiging okay ang lasa nito. Sa pakikipagrelasyon, hindi mahalaga iyong napakaraming mga gimik para masabing okay na okay ang relationship. Minsan, kahit kakaunti lang, as long as bawat moment ay sinesavor at pinahahalagahan ng magkasintahan, okay na yun.
Hindi dapat mminamadali ang paghahalo sa Halo-Halo. Sa bilis kasing maghalo, natatapon, nahuhulog at umuunti iyong sahog, kaya nawawalan na ng lasa ang Halo-Halo. Dahan-dahan lang dapat, tulad kapag in-love. Huwag bigla-bigla para naman hindi masayang yung efforts mo.
Huwag mong i-compare ang Halo-Halo mo sa Halo-Halo ng ibang restaurant. Bawat Halo-Halo ay iba-iba. Magkakaiba ng lasa, magkakaiba ng sahog. Parang relationships lang. Bawat isa ay different, at may kani-kaniyang strengths. Minsan masarap, minsan matabang.
Mas masarap ang Halo-Halong simple, pero bawat isang sahog ay malinamnam. Just like in love, it's the small thing that matter. Mas okay ang relationship na simple pero bawat moments ay masaya at memorable.
Hindi porkit apaw ang baso ay punung-puno na agad ng sahog ang Halo-Halo. Minsan, nadadaya lang sa dami ng yelo. Parang tao lang. Hindi dahil nakangiti siya ay ibig sabihin noon ay okay ang puso niya. Di natin alam na sa ilalim, parang yelo sa Halo-Halo ang puso niya, durog na durog.
Ang Halo-Halong masarap ay hinihintay at pinaghihirapan. Parang forever, para makamit ito, dapat marunong kang maghintay at mag-effort.
Kapag umorder ka ng Halo-Halo, siguraduhing kaya mong ubusin. Huwag oorder ng masyadong dahil baka hindi mo maubos at masayang lang yung order. Tulad ng love. Kapag magmamahal ka, dapat yung sapat lang at yung hindi yung sobra-sobra. Kasi, sa bandang huli, yung effort mo lang din ang masasayang at ikaw lang din ang malulugi.
Sa Halo-Halo, hindi dahil mukhang saging, ay saging na agad iyon. Minsan, kamote lang yun. Hindi dahil mukhang macapuno, ay macapuno na agad. Minsan, buong yelo lang yun. Ganun din ang love. Hindi dahil sa tingin mo ay sweet siya sa iyo, love ka na niya agad. Huwag umasa, masasaktan ka lang.
Lahat ng Halo-Halo ay may yelo. Hindi kumpleto ang Halo-Halo kapag walang lamig. Ganun din ang love at ang relationship, we cannot keep ourselves na manlamig at matunaw, lalo na kapag tayo ay nasaktan.
I know masyado nang corny ang post ko. Pero, masarap kasi ang Halo-Halo e, lalo na kapag mag-isa ka lang.
Pagod na akong magpaliwanag. Tama na. Puno na ang salop. Kung tatapon, edi tatapon. Ano pang gagawin natin. Masyado na tayong Chopsuey. Walang kawawaan. Halu-halo. May atay, may kintsay, pero sablay. Mahal kita. Kaibigan lang ako. Nandito ako, kumusta ka kaibigan ko?
Bukas
Malakas na humahampas sa aking mukha ang mainit na hangin dulot ng tag-init. Animo’y nakatapat ako sa isang hair dryer at pinatutuyo ang buo kong katawan. Nakadungaw ako sa labas ng jeep at nagmumuni-muning kailan kaya ako magkakatrabaho. Kakatapos ko lang ng kolehiyo kaya naman iyan ang isa sa mga prayoridad ko ngayon. Naiinggit nga ako sa jeep na sinasakyan ko e. Kasi at least yung jeep na iyon, andar man siya ng andar, panigurado mayroon siyang destinasyon na patutunguhan. Di gaya ko, hanggang ngayon isang malaking tanong pa din kung saan nga ba patungo.
Habang nagmumuni-muni ako, narinig kong tumunog ang cellphone ko. May mensaheng dumating. Agad kong binasa kung ano ang laman at doon nga’y bumungad ang isang magandang balita. “We regret to inform you but we would not be hiring you." sabi ng text. Sapul na sapul ako. Parang akong binayagan ng labinlimang kabayo. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako, o pagsasasampalin ko ang mga kasabay ko sa jeep. Hindi ko alam kung dapat ba akong magparty o dapat ba akong magdeclare ng holdap sa jeep. Pakiramdam ko noong mga panahon na iyon, pinagtatawanan ako ng buong mundo. Sabayan mo pa ng nakakabuwisit na init ng panahon.
Paano ba gumawa ng tula?
Paano nga ba gumawa ng tula? Kukuha ng papel, susulatan ng tula. Kukuha ng lapis, ipansusulat ng tula.
Paano nga ba gumawa ng tula? Hahalukayin ang kaibuturan ng puso, para sa tema ng tula. Sisilipin ang utak, pang-isip ng tula.
Paano nga ba gumawa ng tula? Magpapatugtog ng malungkot, para maging madrama ang tula. Babalikan ang nakaraan, inspirasyon sa tula.
Paano nga ba gumawa ng tula? Gagahasain ang sarili, lalaslasin ang pulso, sasaksakin ang dibdib. Saka ngayon iisip ng tugma, para maging tula.
Muling Nabuhay
Ang tagal ko din palang nawala. Ang tagal kong nagpahinga. Ang tagal kong hindi nagparamdam. Ang tagal na din pala mula noong huling makita ko ang blangkong puting espasyo na ito.
Minsan ay umaabot talaga tayo sa puntong nawawalan na tayo ng ganang gawin ang isang bagay kahit gaano pa man natin ito pinahahalagahan noon. MInsan ay kahit anong pilit nating ibalik kung anuman ang mayroon dati ay hindi na natin magawa. Sa tinagal-tagal kong hindi pagpaparamdam ay marahil marami na sa akin ang nakalimot at marami na rin ang sa akin ay hindi na nakakakilala.
Ang dami na rin palang nagbago dito. Marami ang nawala, marami din ang bago. Ang totoo nga niyan, nakalimutan ko na ang buhay ko dito. Nakalimutan ko na mayroon nga pala akong isa pang katauhang binubuhay sa mundong ito. Akala ko namatay na siya. Akala ko hindi na siya babalik. Akala ko lang pala.
Nakakamiss din pala talaga ang magsulat. Nakakamiss din pala iyong sasabihin mo ang iyong saloobin sa pamamagitan ng titik at letra. Nakakamiss na sa bawat pindot mo sa iyong keyboard ay nasasabi mo sa mundo kung ano ang laman ng masalimuot mong utak. Nakakamiss na ipahayag ang iyong damdamin.
Nandito ako, muling nabuhay. Humihinga ng malalim at naglalakad ng matulin. Nandito ako, muling magsusulat. Nandito ako, muling nagbabalik. Ako pa rin naman ito. Iba na nga lang ang pangalan.
May nakakakilala pa ba sa akin?
Ilang araw ang lumipas, Ilang linggo ang umalpas.
Walang kibo, walang salita, Sa akin ikaw ay walang napala.
Sa kabila nito, Kilala mo pa ba ako?
Sa kabila ng katahimikan, Alam mo pa ba ang aking pangalan?
Sa kabila ng hindi pag-imik, Ako ba sa isip mo ay sumisiksik?
Sa kabila ng kalamigan, Mga sinulat ko ay iyo pa bang natatandaan?
Marami na ang sa akin ay lumimot. Pero ikaw na nakababasa nito, Salamat.
Ang Haligi
Kung wala ang haligi ng tahanan, walang susuporta sa mga pundasyon nito, walang susuporta sa mga pader at bubong. Tuluyang bibigay ang buong tahanan. Salamat. Yan ang gusto kong sabihin sa kaya sa lahat ng ginawa niya para sa amin. Sa lahat ng paghihirap na tiniis niya, mga sakripisyong ginawa niya, at sa lahat ng pagpapakasakit na dinanas niya para sa amin. Siya ang unang lalaking nakita ko noong ipanganak ako sa mundong ito. Siya ang naghirap na humanap ng balot noong ipinaglilihi pa ako ng aking ina. Siya ang naghanap ng komadrona noong malapit na akong ipinganak. Siya ang aking Papa. Ngayong araw ng mga Tatay, gusto kong ipaalam sa lahat kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kaespesyal para sa akin. Di gaya ni Mama na kung anu-anong litanya ang sinasabi kapag nagagalit at nanenermon na, iba ang Papa ko. Si Mama, kahit galit na, nakukuha ko pang ngumiti at tumawa noong bata ako. Pero kapag si Papa na, pati kaluluwa ko, nanginginig na sa takot. Isang salita lang ang sinasabi niya at kapag narinig ko yun, tapos ang maliligayang araw ko. Dapa. Mahinahon at marahan niya lang na sasambitin ang salitang iyon at ang batang ako ay mamatay-matay na sa takot. Sasabihin niya ang karima-rimarim na salita na iyon at kasabay na niyon ay ang paglipad ng sinturon sa kamay niya. Oo, imaginine mo kung paano tawagin ni Thor ang martilyo niya, ganun din si Papa sa sinturon niya. Pero kahit ganun, narealize ko na mabait pa pala siya. Kasi yung ibang tatay, yung buckle ng sinturon yung pinampapalo sa puwet ng anak nila, pero si Papa ay yung mismong leather. Si Papa, mahal na mahal ko yan kahit may pagkasiraulo yan. Minsan, may pagka-B.I. yan kasi siya pa ang nag-eencourage sa akin na magyosi at mag-inom kahit na di ko naman ginagawa yun. Matindi ding mantrip yang si Papa. Alam niya kasing takot ako sa ipis kaya siya pa mismo ang maghahagis ng ipis papunta sa akin. Naalala ko, minsang tinali ako niyan sa sofa, sabay naghagis ng ipis sa akin. Doon ko nadiscover na Incredible Hulk ako. Putol ang tali, sira ang sofa, basag ang center table, gali na galit at nagbubunganga si Mama. Ilang beses ko nang nakita na umiyak si Mama dahil sa akin. Pero iba pala talaga sa pakiramdam kapag tatay mo na ang umiyak. Hindi ko din napigilang umiyak lalo na at ako ang dahilan ng pag-iyak niya. Sa kabila ng imperfections niya, siya pa din ang tatay ko. Kahit na minsan ay nagkakatampuhan tayo, kahit na minsan ay binigo ko ang mga pangarap mo para sa akin, ipinakita niya pa ding mahal niya ako. Kahit na matindi mantrip yang si Papa, mahal ko pa din yan. Kahit na ako ang sumusundo sa kanya kapag napapasobra ng inom yan at ako ang sinusukahan niya, mahal ko pa din yan. Kahit matigas ang ulo niyan, mahal ko pa din yan. Kahit nagiging Hulk din yan, kahit nagpakalbo ka kahit di bagay sa iyo, at kahit six years na napopostpone ang laptop ko, ikaw pa rin ang pipiliin kong tatay ko. Salamat sa lahat. Gusto ko siyang pasalamatan dahil sa lahat ng ginawa para sa akin. Gusto ko ring magpasalamat sa kaniya kasi binuntis niya si Mama at pinanganak ako. Mahal ko iyang si Papa. Mahal ko yan lalo na at siya ang kamukha ko. Dahil sa ama ko, nalaman kong mahirap maging ama. Mahirap maging haligi ng tahanan. Kailangang matatag ka at matibay. Kailangang matigas ka at kaya mong suungin ang mga unos. Kailangan yan kasi ang ama ang sumusuporta upang hindi tuluyang bumigay ang buong tahanan. Kahit na binati na kita sa personal at alam ko namang hindi mo mababasa ito, Happy Father's Day. Salamat at mahal kita Papa.
Boy: Ui tara manood ng sine! Treat ko.
Girl: Sige. E anong palabas?
Boy: Man of Steel maganda.
Girl: Ay ayoko! Gusto ko yung kay Superman.
Sometimes you have to take a leap of faith first. The trust part comes later.
Priest to Clark Kent (Man of Steel, 2013)
Si Kuyang OJT
Ang pag-undergo na yata ng OJT ang isa sa pinakahumbling experiences na naranasan ko. Yung akala mo alam mo na ang lahat, yung feeling mo ang taas taas mo na dahil college ka na; pero, pagdating mo sa company, doon mo malalaman na puro ere lang naman pala ang laman ng utak mo. Nito ko lang natapos ang OJT at sa dami ng natutunan ko, napakarami kong gustong pasalamatan. Yung boss ko na walang ginawa kundi ang utusan ako ng utusan, dahil para nga naman daw sulit ang bayad ng company sa akin. Sa supervisor kong puro 1 ang binigay na grade sa evaluation form kaya napakadaling kuhanin ang overall rating. Sa kadepartment kong puro lakas ng hangin ang inabot ko dahil siya na ang pinakamagaling sa lahat ng tao sa mundo at siya na ang perpekto. Sa isa ko pang kadepartment na kung anong iniyabang ng isa, ay siya namang ibinait niya. Siya na lagi kong kakuwentuhan sa kung anong bagay. Magsisimula sa company hanggang sa mapunta na sa social issues, pulitika, relihiyon, at ang totoong nangyari sa itsura ni Charice Peympeyngkow. Siya na laging gumigising sa akin kapag nakakatulog ako at may paparating na manager. Sa bwakanang Coordinator namin na walang ginawa kundi ang pabalik balikin kami sa school at magfeeling artista dahil sa sobrang demanding. At higit sa lahat, sa mga operators na kahit OJT ako ay itinuring akong head nila at the same time ay tropa. Sila na lagi kong kadaldalan at kasama kong magpapanggap na busy, masipag at madaming ginagawa kapag parating ang manager. Sila na pinaexperience sa akin ang mga gamit nilang machines na hangang hanga naman ako kapag ginagamit. Daig ko pa ang bata sa pagkahanga. Salamat. Sa isang electronics company na pagmamay-ari ng mga Ayala ako nag-OJT. Doon ako nag-OJT kasi may allowance at kasi masyado nang late para magpakachoosy pa ako sa pag-OOJThan ko. After ng OJT ko, doon ako maraming natutunan at narealize sa buhay. Noong first day ko doon, bagot na bagot ako. Tapos puro orientation kaya antok na antok ako. Tapos pakilala dito, pakilala doon. Itutour ako sa buong company. Ilang na ilang naman ako kasi siyempre halos lahat ng mata, nakatutok sa akin. Kasi nga ako ang bago. Naalala ko pa, noong first week ko, gustung gusto ko na matapos ang OJT kasi nga feeling ko hindi ako masaya at naiinip ako. Wala pa din akong kakilala at kausap noon. Kung ako ang pinakamadaldal sa course namin, sa OJT parang ako ang pinakatahimik. Pero habang tumatagal, doon ko unti unting natututunan na mahalin ang company. Mas nagiging attached na ako. Pero, sa stay ko doon, marami akong narealize. Narealize ko na kailangan, sa pipiliin mong trabaho, dapat masaya ka. Kasi di gaya ng OJT na may total number of hours, sa totoong trabaho, magsawa ka hanggat gusto mo. Di naman puwede kasi na dahil di mo feel, magreresign ka kaagad after ng 1 week, lalo na at kung freshgrad ka. Narealize ko din na sadyang mahirap pala talaga ang magtrabaho. Di pala talaga biro ang ginagawa ng mga operator. Dahil sa buong shift nila, restricted sila sa ginagawa nila. Sila ang maghapong nakatayo, nakatuwad, nakayuko, atbp. Hindi pala biro maging operator. Dahil sa kabila ng kakarampot na kita, sila ang gumagawa ng mga mahihirap na trabaho. Marami akong nakausap na gusto man nilang umayaw sa trabaho, wala silang magawa dahil kailangan nilang kumita para sa pamilya nila. Karamihan naman sa kanila ay hindi tapos ng pag-aaral kaya hindi sila makapamili ng trabaho. Kung saan may opening, kahit ano pa man yan, apply lang sila. Narealize ko kung gaano kahirap maging minimum wage earner. Yung kita nila, kahit maliit, pilit nilang pinagkakasya para lang may maibigay sa pamilya nila. Lalo na yung mga nagboboarding house. Lahat ng pagbabudget ay nadiskartehan para lang may maipadala. Kahit di na sila kumain, may maipambayad lang sa renta at pamasahe papunta sa trabaho. Kadalasan, 2000 lang ang naipapadala. Kaya yung iba, kahit magtrabaho ng 15 oras, kahit araw-araw pumasok, kahit pumasok ng Linggo at Holiday, okay lang sa kanila. Ang mahalaga sa kanila, ang kumita. Narealize ko kung gaano kahirap kapag yung wala kang magawa. Katulad na lamang mg mga empleydo sa mga company na galing sa agency. Wala silang magawa dahil anytime, kapag di sila feel ng management, pwede sila ipatanggal basta ng walang bakit-bakit pa kaya kailangang sundin ang gusto at utos ng mga nakakataas. Narealize ko din kung paano magpahalaga ng mga simpleng bagay. Sila kahit 3000 lang ang suweldo, masayang masaya na. Mailibre mo lang ng 8 ounce na Coke, masaya na. Kahit na kakarampot na kita nila, kahit pagod sa trabaho, nakukuha pa din nilang.ngumiti at sumaya. Doon, narealize ko kung gaano ako kasuwerte. Yung mismong nag-OOJT ako, dapat nga ipagpasalamat ko yun, dahil ibig sabihin nun, malaki ang tsansa ko na makapagtapos na ng pag-aaral. Yung iba nga, gusto makatapos pero wala sila magawa dahil walang pera. Doon ko din narealize na magpakumbaba. Huwag masyadong mataas ang tingin sa sarili dapat dahil may mas magaling at may mas marunong pa sa iyo. Matutong makinig at sumunod, dahil hindi lahat ng alam mo na theory, mai-aapply mo. Minsan nga, mas madiskarte pa yung mga operators kaysa dun sa mga may tinapos. Narealize ko na mahirap pala talagang kalabanin ang antok. Narealizr ko na isang effective na paraan para hindi ka mahuling natutulog ay ilagay ang kamay sa baba, humarap sa computer, hawakan ang mouse, buksan ang excel na may laman, at matulog. Narealize ko na mahirap kapag sa company inabot ng tawag ni Mother Nature. Narealize ko na mahal ang tinda sa canteen. At sa huli, narealize ko na uso din ang nakawan ng ballpen sa company. Totoo pala na hindi lahat ng bagay ay matutunan mo sa paaralan. Minsan, kailangan mo ding lumabas dahil doon mo malalaman na may mas magaling pa na teacher diyan sa terror prof mo, may mas demanding pa sa mga prof mo sa mga minor subjects na feeling major, may mas mahirap pang ispelengin sa prof mo sa Calculus - ang iyong sariling karanasan.
Ako si Baby Junjun at nandito ako para iligtas kayo mula sa malupit na si Baklang Frog. Siya na nagmalupit sa mga tao. Siya na nang-aalipin ng mga nilalang sa mundo. Lulupilin ko siya at ang kaniyang sidekick na si Tingting Boy. Hindi na tama ang kanilang ginagawa. Tatalunin ko sila sa tulong ni Boy Eng-eng, Sungki Girl, at si Yabang Man. Kaming apat ang pag-asa ng mundo. Huwag na kayong matakot. Ligtas na kayo. Parurusahan namin sila, sa ngalan ng Goya!
Silang mga anak nina Tito at Tita
Sila ang ating unang mga kaibigan. Sila ang ating unang mga katropa. Sila ang ating unang mga kaaway. Sila ang ating mga unang bestfriend. Sila ang ating mga pinsan. Aminin man natin o hindi, ang ating mga pinsan ang isa mga pinakauna nating mga nakilala sa mundong ito. Mga unang kalaro, mga unang kasakay sa trip. Marami sa atin ang may mga masasayang mga alaala kasama ang ating mga pinsan. Isa sila sa mga dahilan kung bakit astig ang ating kabataan. Kung wala ang ating mga pinsan, malamang sa malamang, kulang sa excitement ang ating childhood days. Naalala ko noon, kapag sinabi ng nanay ko na darating ang mga pinsan ko sa amin, para akong bulate na sinabuyan ng Zonrox at asin. Di na mapakali. Maya't maya ang galaw, sobrang excited makalaro ang mga pinsan. Todo ligo ako noon para sobrang linis ako. Tapos lahat ng pinakamaganda kong laruan noon, ilalabas ko. Ididisplay ko lahat sa may center table para pagpasok ng pinsan ko, mga laruan ko agad ang makikita nila. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang saya ko kapag nasa bahay namin ang mga pinsan ko. Lahat ng bawal na gawin, ginagawa ko noon. Kapag nandiyan din kasi mga pinsan ko, hindi ako pinapatulog sa tanghali. Masaya kapag kasama ko sila. Akala ko noon puro saya ang dulot ng mga pinsan. Pero hindi pala. Lahat tayo may mga pinsan na nagpaiyak sa atin, yung nambuwisit sa atin, at may echoserang mga pinsan din. Pero sa lahat, isa sa mga pinakaayaw ko noon, na nagiging mortal na kaaway ko noon e yung mga pinsan kong ninanakaw yung mga laruan ko. Hindi ko sila pinagbibintangan, alam kong sila ang may gawa noon. Kapag tinanong mo naman sila, hindi naman sila aamin. Saka yung mga pinsan na manghihiram ng laruan tapos ay hindi na isosoli. Kapag sinumbong mo naman sa magulang mo, sasabihin na hayaan na dahil mga pinsan ko naman daw sila. Minsan, napaisip ako noon, ako ba ang pakay nila kaya sila pumupunta sa bahay o ang mga laruan ko? Kasi kapag nakukuha na nila yung laruan ko, hindi na sila pumupunta sa bahay e. Nagiging emo na ulit ako. Pero ganunpaman, wala naman akong magagawa dahil nga kasi sa pinsan ko sila. Naging masaya din naman ako sa piling nila. Sila ang kasabay kong maligo sa poso, sila ang mga kasama ko sa outing ng pamilya. Minsan, sadyang may mga pinsan tayo na malalakas ang trip at meron din naman iyong mga mababait. Hindi naman tayo makakapamili ng pinsan dahil ganun talaga ang life.