Sa Siyudad ng Baguio
I’m hurt.
I’m alone.
I’m depressed.
I cry myself to sleep.
And I hate myself all because of you.
But I hope you’re doing okay because
I LOVE YOU.
“Sometimes you need to sacrifice the things you love for greater things.”
Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako iibig sa’yo dahil alam ko ang standards ko: no affection sa classmates, friends, and even workmates. Ayokong magkaroon nang nararamdaman sa mga taong malapit sa akin dahil ayokong maging awkward ang atmosphere sa pagitan namin.
Una pa lang, nararamdaman ko na ito pero pinipigilan ko dahil alam kong iyon ang tama. Hindi ko iniintindi ang sinasabi nang nararamdaman ko bagkus ay ang aking isip ang mas gumagana kumpara sa puso.
Pero kinain ko ang sinabi ko nang ikaw ay lilisan na. Ikaw ay babalik na sa lugar na iyong kinalakhan. Nang dahil sa impormasyong iyon, nakaramdam ako nang kakaiba na hindi ko pa naman naramdaman simula nang ako ay isilang. PAG-IBIG. Pag-ibig sa ibang tao. Sa maling tao. Sa iyo na alam ko na sa huli ako ang talo kaya hindi ako sumugal.
Pero niloloko ko ang sarili ko kaya sa huli, umamin ako. Inamin ko ang nararamdaman ko sayo nang ikaw ay bumalik na sa lugar na iyong kinalakhan at umaasang magkikita pa tayo katulad nang sinabi mo - Sa Siyudad ng Baguio.
Reference:
http://www.traveltheworldfans.com/what-things-to-do-in-baguio-city-when-travel-to-philippines/















