Minsan akala mo tapos na, yun pala magsisimula pa lang..

No title available

Discoholic 🪩
Sade Olutola
Game of Thrones Daily
official daine visual archive
No title available
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
d e v o n
Mike Driver
Monterey Bay Aquarium
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Interview Vampire Daily
almost home
Lint Roller? I Barely Know Her
art blog(derogatory)

tannertan36

Game Changer & Make Some Noise
Cosimo Galluzzi

Jar Jar Binks Fan Club

shark vs the universe
seen from United States

seen from United States

seen from Türkiye
seen from United States

seen from United States
seen from Iraq

seen from Canada
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Canada
seen from Vietnam
seen from Ukraine
seen from United States
seen from Kazakhstan

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United Kingdom
@kaethlouis-blog
Minsan akala mo tapos na, yun pala magsisimula pa lang..
Medyo feelingera ♥.♥ (Kuya Mark yan eh!)
Excited na ko pumasok. Hindi lang dahil sa baon. Syempre, dun na ko sa Manila. Iba ang buhay sa probinsya kesa sa syudad. Chos! Syempre nakarating na naman ako dun no. Hindi naman na ko mamamangyan. Haha kinakabahan lang ako sa mga uri ng tao dun. Laging sinasabi sakin ng Daddy ko, "Hindi lahat ng tao mabait. Akala mo lang. Wag ka basta magtitiwala" syempre, alam ko naman. Pero minsan talaga may taong mapagpanggap. Bait baitan tapos kapag nakuha loob mo sasamantalahin na. Tapos wala ka na ibang gagawin kundi pagsisihan na sana hindi mo na sya kinausap. Ganun! Haha pero excited na talaga ako pumasok. Pero wala pa akong kahit anong gamit. Kasi sabi ng mommy susunduin daw nila kami :( sa 6 pa daw. Huhu love you momma!
Ate: pano maggawa sa Wikipedia?
Ako: Bakit?
Ate: gagawan ko sarili ko.
Ako: ay teh, artista? Sikat ka na nyan?
Kahit alam mong "mas" ka sa kanya, wala kang magagawa kasi siya yung mahal niya. Bhelat kulelat ka.
Ang mga bata bataan kahapon. Haha cutie patootie ♥
Alam ko, bata pa ko! Haha. Happy Birthday to meee! I love myself. Haha :") ♥
Fiesta na naman. Pero wala kaming handa. Iglesia po kami. Hihi. Tanda ko nung bata pa bro ko, mga 8. Bumili sya ng sisiw na may kulay. Tapos inalagaan, tapos lumaki na. Tatlo yun. Isang araw:
Bryan: Mommy nasan na po alaga ko?
Mommy: Sya, naluto ko na. Nakain mo na nga!
Bryan: Eh? :(
Mommy: Oo. Pero yung iba nasa freezer pa.
Ang bruts lang ng mommy ko. Hahaha
Countdown
Ilang araw na lang, birthday ko na. Shet lang. Di ko talaga feel. Para nastuck ako sa pagiging 14 years old. Parang walang nagbago, lalo na sa height ko. Parang pag tinanong ako kung ilan taon na ko e hindi ko alam. Parang kasi pag 16 ka, bata ka pa. Pero pag 17 na, parang feeling ko matanda na. Pero hindi pa talaga. Haha eeee lapit na birthday ko. Wala naman ako gagawin. Wala parents ko dito. Huehue
Sometimes, your best is not really good enough.
Feeling model lang. HAHA naalala ko lang. Project kasi namin yan sa computer. E hindi naman ako marunong magphotoshop. Kapag nalapit yung teacher ko sa unit ko, lagi nya sasabihin "bakit lagi na lang yan ginagawa mo? Adjust adjust lang? Walang kaeffort effort ah" Huhu nahiya ako dun pramis. Yung sa mga kaklase ko kasi e dami dami layer sakin tatlo lang. Tapos ang ginawa ko lang dyan e brightness at blurr ng konti tska yung sulat. Yun lang. Galing ko. Haha
Doctor to Accountant ♥
Pangarap ko talaga maging doctor. Bata pa lang. Natutuwa kasi ako mantusok hihi pero gusto ko talaga maging doctor. Kaya naman syempre, dun ako sa gusto kong school, UST. Nagexam ako nun parang ang dali dali lang tapos paglabas ko ng room napapakinig ko usapan ng mga nagexam din. Sabi nila "diba chuchu ang sagot dun sa blabla?" naisip ko, shet my gosh bakit parang iba yung exam ko sa kanila? Nga pala, medtech first choice ko. Second, psychology. Quota courses yan kaya hindi na ko umasa. Narelease na yung results ng USTET, syempre ano pa ba aasahan ko edi hindi ako pasa. HAHA Natatawa ako kasi yung mga classmates ko hindi rin so, tawanan lang kami. Haha so i tried magpareconsider kaso late na ko pumunta and my only choice is sa Education. Pinagisipan ko talaga yun ng bonggang bongga. Sabi ko, shet medtech tapos educ parang ang layo naman. Tska gusto ko kasi talaga uniform na white e :( edi yun, wala na kong pag-asa. Tapos suggestion ng parents ko, accountancy na lang daw para daw sa future business chuchu whatever. Huhu pano na yung white na uniform ko? Tapos nagexam ako sa FEU nun, ang hirap nung Math promise. Hinulaan ko talaga. Tapos pangalwa pa ko sa nakatapos. Super bilis lang. Pero hindi ko sya binasta ha. Nagkataon lang na may timer talaga. Haha after nun, nakita na agad results at yehey! Candidate for Merit Scholarship ako. At natuwa ang nanay ko ng sobra sabi nya sakin, ibibigay parin nya sakin pang tuition ko. Akin na lang daw. Hihi. Tapos, nagenroll na ko nung April 11. Final na talaga. Wala ng atrasan accountancy na ko. Natutuwa ako kasi Full Merit Scholar ako at halos di ko nagastos yung baon kong pangdownpayment sana. So yun, masaya ako kasi may kakilala na agad ako sa bago kong school :") Excited na ko sa pasukan. Hihi ♥
Boy: Ipagpapalit mo ba ko?
Girl: Hindi.
Boy: Yung totoo?
Girl: Hindi ko alam...
Boy: *pinatay si girl*
Ang mga epal, madaling masusunog sa impyerno.
Ang anak kong si Denden
Nakikipaglaro ako sa isang bata. Maputi, lalaki, cute at sobrang kulit. Napapakinig ko ang mala-anghel nyang tawa. Tumatakbo sya at hinahabol ko sya habang sinisigaw ang pangalan nya "Denden! Denden!". Kitang kita ko ang magaganda nyang mata na nakangiti sa akin. At ayun, nagising ako. Panaginip lang pala si Denden. Kinwento ko sa mga kaibigan ko ang batang si Denden. Sabi nila, baka daw yung teacher namin yun kasi maputi daw. Sabi ko, hindi naman cute si sir? Hehe pero yun nga. Lagi kong napapanaginipan si Denden. Pero nung isang gabi, napag-alaman ko na importante pala sya sa buhay ko. Sa panaginip ko, may kausap syang isang bata pero hindi malinaw ang pinaguusapan nila. Sa pagkakaalam ko, nakababata nya yung kapatid dahil magkamukha sila. Lalaki din. Tapos nagulat na lang ako na may nagsabi sakin na anak ko si Denden. At hindi lang si Denden, pati yung isang bata na kausap nya at hindi ko alam ang pangalan. Ang galing. May anak na pala ako. Mga anak sa panaginip. Sa panaginip ko lang sila namumukhaan. Pero pag inaalala ko, hindi ko matandaan.