Originally, gumawa lang ako ng Tumblr nung 2011 para magsave ng quotes. Uso pa dati ang “Sink like an anchor” at “I solemnly swear that I am up to no good.” Tapos pagtagal, na-inspire ako kay Erika Rabara na gawin tong “blog.” Sa pagtagal, parang naging kaibigan ko na rin tong si Tumblr — mas marami pa akong naikwento rito tungkol sa buhay ko kaysa sa isang actual na tao. Yung frustrations, galit, kung gaano kasaya ang mga nangyari sa araw, hanggang sa gumamit ako ng #bakaMagingMechanicalEngineer na hashtag nung nag-college.
High school to college, hanggang sa magkaroon ng trabaho, ma-share rito ang mga gimmick with friends, heartbreaks, maging sakristan, first date, mawalan ng lolo at lola, mawalan ng trabaho, maging tambay — tapos ngayon, Tumblr, nakaka-gala na ako sa mga lugar na dati nakikita ko lang sa postcards.
Heto ako, hindi nagdedeactivate kahit gano kalala pagsubok sa buhay HAHAHAHAHAHAH. Patagalan tayo dito mga chong. 14 fucking years with tumblr 😎
Favorite lyrics ko heto. I-express mo lang sarili mo rito, tatagal ka. Kahit wala naglilike ng posts mo.