Ang Aking Pamilya
Ang aking Pamilya ay binubuo ng Mama ko Papa ko at ang dalawa kong kapatid. Ang mga magulang ko, sila ang nag paaral sa aming magkakapatid sa maayos na paaralan, sila ang nagturo sa amin ng mga mabubuting asal, sila rin ang naging gabay namin papunta sa tamang landas, sila rin ang inspirasyon ko para mag aral ng maayos. Ang aking dalawang kapatid naman na makukulit, minsan ko man silang nakakaaway ay pilit parin nag babati at sila rin ang mga kasama ko sa paggagawa ng mga kalokohan.
Hindi man kami kumpleto araw-araw dahil sa pangingibang-bansa ng mama ko pinipilit parin namin na maging masaya dahil kung hindi siya nag trabaho sa ibang bansa hindi naman nya kami masusunod lahat ng gusto namin at masaya parin kami dahil kahit paminsan-minsan umuuwi ang mama ko sinusulit parin namin ang mga araw na ito
Minsan man nila kaming napag tataasan ng boses at napapagalitan alam ko naman na kasalanan namin iyon at ginagawa nila iyon para madisiplina kami at para kami ay matuto sa mabuting asal.
















