Para kanino ka bumabangon?
Para kanino ka bumabangon?
Para sa anak. Para sa kaibigan. O sa di mo kakilala.Para sa bata. O sa isip bata. Para sa marami. Para sa sarili.
Pag may Nescafe Classic na puro at tunay, sumasarap ang umaga. Para di ka lang basta gumigising, bumabangon ka ng may dahilan. Dahil pag tinulungan mong bumangon ang isang tao, parang buong bayan na rin ang bumabangon.
Bangon na sa Nescafe Classic.
Para hindi ka lang bumabangon. Bumabangon ka ng may dahilan.
Papalapit na naman ang isang umaga. Isang umagang hindi mo sigurado kung may patutunguhan. Unting-unti mong nararamdaman ang init ng bagong bukas at binuksan mo ang iyong mga mata. Sinimulan mo ang iyong araw sa isang mataimtim na dasal at isang ngiting aabot ng buong maghapon. At sa pagkakataong iyon, naitanong mo sa sarili mo, “Para kanino ba ako nabubuhay?”
Minsan ay nakapagtataka ang buhay. Para saan ba’t nabubuhay tayo? Para sa mga taong malapit sa atin? Para sa pera? O para lamang mabuhay sa maghapon. Hindi ba nakakapagod ang gumising para sa pareparehong gawain, nakikita ang mga parehong tao? Nagpupumilit lamang na bumangon. Talagang nakakapagod nga. . Ang buhay natin ay isang sugal. Punong-puno ng mga pagsubok at mga mysteryo. Ano nga ba at nabubuhay tayo?
Ang Pamilya, iyon na siguro ang pangunahing dahilan natin. Sila ang nakakalam sa bawat kilos natin, sa bawat problemang napagdaanan natin at sa pag-uugali natin.Sila ang pinakamalapit sa atin kaya alam din natin kung gaano kahirap ang pinagdaanan nila upang marating natin ang kinaroroonan natin ngayon. Nagsisikap tayo para sa kanila. Kaya siguro bumabangon tayo sa araw-araw upang hindi na nila muli maranasan ang mga mapapait na karanasan na iyon. At dahil dito, pinapaalala sa atin ng paulit-ulit na may tutuparin pa tayong layunin.
Para sa ating mga kaibigan: Ang tunay na kaibigan ay yung taong di ka iiwan anuman ang mangyari, mapagkakatiwalaan mo ng walang duda.Ang kaibigan ay isang taong nandyan lang sa tabi mo pag may problema ka.Pinapalakas nila ang loob natin at binibigyan nila tayo ng inspirasyon,kahit na anong problema and dumating sa atin, kakayain natin dahil nariyan sila. Sa araw-araw na nabuhay tayo, may mga masasayang alaala at marami na ring problema ang napagdaanan natin. Marami din tayong di inaasahang nakikilala na siya palang magbabago sa ating buhay. Hindi natin napapansin na ang mga bagay at mga taong iyon ang mga nagpapalakas sa atin.
Para sa ating mga pangarap. Marami tayong pangarap, kabi-kabila, maya-maya mayroon tayong nabubuo sa ating isipan. Ang tangi lamang nating gusto ay ang mapagtagumpayan, maabot at maangkin natin ang mga pangarap na ito. Ngunit, ang mga pangarap natin ay hindi laging naaabot. Madalas pa nga ang pangarap ay habambuhay nang pangarap. At ito, marahil ang nagtutulak sa atin na ipagpatuloy ang buhay.
Para sa pag-aaral:Wala naman sigurong madali sa buhay natin lalo na kung may kinalaman ito sa pag-aaral. Mahirap, lalo na kung natambakan pa tayo ng mga quiz, homework at dahil sa subject na nakikimajor pa. Sa eskwelahan na lang umiikot ang buhay at doon din natin madalas maranasan ang pagkabigo.
Sa ilang pagkakataon, malapit na tayong sumuko at hindi natin alam kung ano ang gagawin natin. Habang bumabangon, tinatanong pa natin sarili natin kung gusto pa nating pumasok kahit ayaw natin. Kaya kahit umuurong ang katawan natin na gumalaw,pinilit pa rin ng ating isipan na gumalaw tayo at panindigan natin ang ating mga pangarap kaya sinasabi na lamang natin sa ating sarili na kahit anong mangyari, kailangan nating pumasok.
“May oras para sa lahat ng bagay, oras para gawin ang gusto ng magulang mo, at mas matagal na panahon para gawin ang gusto mo”
Ang buhay at oras natin ay lumilipas habang pinag-iisipan mo ang sagot sa tanong na ito Kung ano man ang iyong dahilan, kumilos at mag-isip ka Paano na lang kung sa oras na ito ay madaganan ka ng isang gusali? Sigurado ka na bang sapat na ang mga nagawa mo sa iyong buhay? Suriin mo ang mga layunin mo at alamin mo ang iyong mga prayoridad at kung sino ang pinaglalaanan mo ng bawat hirap at ng bawat sakripisyo. Dahil tama ang Nescafe ad. Hindi lang dapat bumabangon. Dapat bumabangon ng may dahilan.
Ikaw, para kanino ka bumabangon?
“All the days that have passed Have made me who I am now”
:)









