Grabe na talaga epekto sakin ng On The Wings Of Love.. Nababaliw na yata ako???
Sobrang kinikilig ako sa unang parts, as in tili sa sobrang kilig. At tawang tawa din. Tapos hindi ko matigilan kakapanuod sa gabi, yung tipong puyat na puyat na ko - 2AM! Parang wala ng nasa utak ko kundi OTWOL. Excited na ko umuwi para lang makanuod na agad agad.
Tapos minsan napapaiyak nalang ako. EP 42 yata yun, nung nagkita na sila ng nanay niya.. Damang dama ko yung drama niya. Tapos naiyak din ako sa episode na kinausap si Clark at Leah ni Tatang Sol. Parang ang bigat ng feeling ko sa sad scenes.
Bigla akong naging fan ni James Reid at Nadine Lustre! Initially, hindi ko napapansin si James, especially nung nasa PBB. Tapos nung nagka movies sila, hindi ko naman pinanuod.. Nababalitaan ko lang. Tapos yung girl, nung first time kong nakita (not in person), like ko naman. Nagagandahan ako, simple lang pero maganda. Nung nagkaserye sila, di naman ako nakanuod. Nakikita kita ko lang sa Instagram. Nagkaron lang yata ako ng chance mapanuod yung 1 episode nung Feb 8, nung nasa Pinas ako. Parang ang scene nun ay nagbabalak pumunta ng ibang bansa si Leah.. Tapos mag-asawa si James at Nadine. Di ko pa kilala character names nila that time. Medyo naguluhan ako bakit mag-asawa.
Tapos dahil sa concert, sandamakmak sa IG feed ko yung JaDine, lalo na’t umamin sila na sila na. Dahil yata dun, nadala ako na manuod ng series nila. Recently, last Monday, Feb 29, nagtry lang akong manuod, isa lang sabi ko. Tapos wala, ganun talaga, tuluy-tuloy na.. SOBRANG GANDA. Ewan ko ba, parang tagos sa puso. <3 Maganda din kasi yung matututunan dun. At syempre, relate na relate yung pusong OFW ko, at hindi lang yun, parang relate yung buong pagkatao ko. “Charot lang” haha. Para kasing tinackle niya yung karamihan ng mga nararanasan nating problema sa araw-araw, kahit simple, tungkol sa pamilya, o sa pag-ibig man.
Ayun, tapos nakabisado ko na yung On The Wings of Love na song kaka-loop. Ngayon yung Say You’ll Never Go naman tinatry ko. At nakikinig na din ako ng songs ni James Reid at Nadine! Magaling pala sila kumanta at sumayaw pareho!! Maganda’t gwapo pa! Sobrang talented pala nila, as in! So yun, sobrang fan na ako... <3 Sana forever kayo. Clark & Leah, James & Nadine.<3
I hope pumunta kayo sa SG at may Meet and Greet! <3 At sana may mabili pa yung pinsan ko (for meeee) na solo albums niyo at merch! :)
P.S. JaDine photo from Google.