Nakakapanibago itong school.
Mas malaki yung dati kong school pero okay naman dito. May garden, may kanya kanyang building, may mini mall at wi- fi pa buong campus. Mas refreshing dito. Maraming puno, very province-like. Di katulad sa dati ko school.
Habang naglalakad sa may garden e nakita ko yung apat na mga heart throb. May sarili ba naman silang imaret? Purket heart throb e ganyan na? Aba! Umaabuso na sila.
Kahit ayaw kong dumaan sa harap nila e kailangan, nandun kasi sa kabila yung guidance namin. Ipapaayos ko lang sana sched ko.
"Choooooco Shaaaaaaaaaaaake!"
Urgh! Lumingon na ako at nakakarindi na. Yung mukhang koreano sa kanila yung nagtatawag sa akin. Yung mukhang angelic e nakaupo lang sa isang gilid at nagbabasa while yung athletic e napatingin na rin sa akin samantalang yung masungit na guy e naglalaro ng psp.
"Ano bang problema mo? Ha? Purket ba nabuhos ko yung shake e kailangan tawagin mo na rin akong shake?"-me
"Huh?"-sabi nung matangkad na guy.
"Anong huh? Ako ba e pinagloloko ninyo?!"-me
"We're just telling our P.A. to buy us choco shake. There o." Sabay nguso nung mukhang koreano na guy sa dalawang girl na nasa may cafeteria.
Oh sheez. Pahiya. Nagmukha akong feeling na ako ang tinatawag nila.
"HAHAHAHA! AKALA MO IKAW TINATAWAG NAMING CHOCO SHAKE? HAHAHA!"- sabi nung mukhang koreano.
"Dash! Respect."-yung matangkad na guy. Lumapit sya sa akin, "uhhmm, I'm Red. And you are?"
"I don't give my name to strangers." Sabay alis ko doon. Pero before ako umalis, tinignan ko muna yung masungit na guy, nakangiti. Aba, tinatawanan din siguro ako nun! Asar!
Hinabol ako nung Red at Dash.
Di ako lumingon. Nakakaasar kasi e.
"Red, mali naman kasi. Dapat ganito, CHOCO SHAKE!"- Dash
Nakakainis! Lumingon ako at pinagsabihan sya, "hoy, ikaw Dash ka, di ito ang time para makipaglokohan. Wag mo nga akong matawag tawag na choco shake at di kita kilala!"-me
"Di mo kilala e kakasabi mo lang ng pangalan ko. Shunga? HAHAHA!"-dash
"Pagpasensyahan mo na lang sya. Uhmm, miss, ito pala o, invitation sa party."-Red.
"Yeah. Sa bahay ko."- Dash
"E kung sa bahay pala ng hukluban na ito e di ako pupunta."- me
"Hukluban? Weirdo!"- Dash
"Ako pa ang naging weirdo?! Hoy, lalaking mukhang Koreano, lumayas ka nga sa pagmumukha ko!"-me
"Ano bang nainom mo ha? Tawa ka ng tawa."- me
"Choco shake, di ako Koreano okay, Half Japanese lang."- Dash
"Korean, Chinese, Japanese, Taiwanese, pareho na rin yan! Pareho naman kayong singkit ang mata e!"-me
"Aba. Hoy di singkit ang mata ko!"- Dash. Pinipilit nyang palakihin ang mata nya. Nakakatawa!
"Dash, huminahon ka nga."- Red
"Urgh! Ang gulo nyo! Makaalis na nga!"- me
Dumiretso na ako sa guidanace. Nakakaasar! Di ba nila alam ang respeto? Sabagay...
Pagkapasok sa guidance e nakita ko na yung guidance counselor. Pumunta ako sa table nya.
"Uhhmm, good morning po! Pwede ko na po bang makuha ang schedule ko? Ma. Gayle Mendez po."-me
"Oh, sure hija. Saglit lang ha."- guidance counselor.
Tumingin ako sa may pintuan.
Nandun yung masungit na kasama sa group nila. Yung natapunan ko ng choco shake. Aasarin din ba ako nito?!
Pumasok sya at umupo dun sa upuan na katapat ko. Baka may aayusin din.
"I want to fix my schedule." biglang nagsalita yung masungit na guy na natapunan ko ng Choco Shake.
Napatingin yung Guidance Counselor at mukhang natakot. Gosh, sino ba'to?
"Yes, Sir. A- a, give me your desired schedule and I will fix it as soon as I can"- guidance counselor
Sir? Sino ba sya? Bakit kinakakatakutan sya?
"Here. I want it before lunch."Sabi nung Draco at umalis na sya. Aba ang yabang! Walang galang!
"Uhmm, ito na Gayle. Pumunta ka lang sa scholar's lounge, naghihintay na mga kasama mong scholar doon. Sa may Stringe Building."-Guidance Counselor.
"Ah, sige po. Salamat po!"-me
Umalis na nga ako doon. Pagkalabas ko e may humablot ng sched ko.
"Ma. Gayle Mendez. Hmmm, scholar ka pala."- Red
"Dash! Alam mo ba yung respect?"-Red
"Oo, scholar ako! E kung di ko afford ang mag-aral dito e. Pwede ba, tantanan nyo na ako. Maghanap na lang kayo ng ibang ibu- bully."-me
Kukunin ko na sana yung sched pero biglang kinuha nung Red sa kamay ni Dash at itinaas. Paano ko ngayon maaabot yan e higante si Red? -_-
"Go to the party later."-Red. Nakangiti sya. Ang gwapo nya!
"Aah. Pwedeng iba na lang?"-me
"Please, Gayle."-Red. Naka puppy face na sya, ang cute! Crush ko na yata itong si Red!
"Err. Sige na nga! Ibigay mo na sa akin yan!"-me
At binigay na nga sa akin. Nakangiti na sya. Pati rin si Dash nakangiti.
"Aasahan kita ha? Wag mo iwala invintation para alam mo kung saan?"-Red
âWaitâ- me. Napahinto sa Red at Dash at lumingon sa akin. âWhy do you really want me to go to that party?â
Napangiti si Red. âWelcome party for you, I guess. And itâs our way of saying sorry for what Draco did earlier.â
Draco pala pangalan nung masungit na yun a. âDi mo naman kailangan mag sorry e. You did nothing wrong.â
âHay, ang drama mo naman Choco Shake! Basta punta ka nalang sa party!â- Dash
âShutup! I wasnât talking to you!â- I rolled my eyes.
âWhatever Choco Shake.â At umalis na si Dash. Nginitian ako ni Red bago sumunod kay Dash. Oh my gosh. Ang gwapo at bait ni Red. I think I have a crush on him.
Umalis na ako doon para makapunta sa Stringe Building. Pumasok na ako sa room namin. Lahat nakatingin sa akin pagkapasok ko. Mga 6 siguro ang nasa room.
"Hi. Uhmm, ako nga pala si Terrence."-lalaking cute na nakasalamin ang nag- approach sa akin.
"Jane."- babaeng nakasalamin naman.
"Jessa, but you can call me Jes."- naka braces sya.
"Marc."-lalaking may pagka nerd-kind of look. Naka salamin and braces kasi sya e. At naka tuck-in pa ang shirt nya sa pants.
At yung dalawang babae parang familiar sa akin.
"Maya, ako nga pala yung PA ni Dash. Nakita na kita kanina."
Kaya pala familiar. Sila yung PA na sinasabihan ni Dash na bilhan ng choco shake.
 âNakita na kita kanina e.â- Marc âIkaw ba yung nakatapon ng milkshake kay Draco?â
âOkay lang yan. Nakakatawa nga e.â- Terrence.Â
âPero ingat ka Gayle. For sure nasa list ka na ni Draco.â- Jess
âWag mo nga takutin sa Gayle. Okay lang yan. Basta iwas ka nalang kay Draco.â- Marc
"Teka, bakit P.A. kayo?"-me
"Scholar kami e. Tsaka kailangan talaga ng pera."-Faye
"Oo nga. For sure ikaw rin, magiging P.A."-Maya
"Ha? Bakit sa amin dati walang ganyan? Wala naman akong P.A. a?"-me
"Natural, siguro scholar ka din dun."-Jane
"Ah, e. Meaning ko, di ako naging P.A."-me
âEver since, tradition na maging PA ang mga scholar. If you donât agree with it, for sure kick-out ka na. The elites would do anything just to make your life here hell if di ka nag PA. So itâs either you quit, or theyâll make you quit.
"Tsaka 70% lang ang scholarship, ibigsabihin may 30% pa tayong babayaran."-Terrence
"So mamaya, pupunta tayo sa gym at dun tayo pipiliin isa isa nung mga popular."-Jane
"Pero kami, taken na."-Maya
"May Red na kami at Dash. Ang swerte namin!"- Faye
Ibigsabihin magiging utusan ako? Waaaaaah! Never pa ako naging utusan no?!
"Ako, gusto kong makuha ni Draco. Kasi feeling ko, di nag- uutos yun e."-Jess
"Ako ni Karla, para naman magkalapit kami."-Terrence
"Kahit sino sa akin. Basta magkapera."-Marc. At nagsitawanan kaming lahat.
"Teka, ilan ba ang mamimili sa atin?"-me
"4 na boys, tapos 2 girls. Yung apat na boys si Draco, Nico, Dash at Red. Yung 2 girls namin si Karla at Danica."-Jess
"Gusto mo isa- isahin namin?"-Terrence
"Oo. Para naman may alam ako di'ba?"-me
"Sabagay. Si Nico, ang crush na crush ko sa lahat. Tahimik pero matinik. Haha! Anak sya ng isang mayamang businessman. Sa pagkakaalam ko e wine ang business nila. Tsaka nakoo, kung magsalita yan, mga 10 words a day lang yata?"-Jane
"Si Red, sya yung gentleman nila. Napaka romantiko nyan. Basketball player namin yan dito. Parating MVP. Sa tangkad ba naman nya?"-Faye
"Si Dash naman ang maloko sa kanila. Approachable sya at simpleng guy lang. Comedy rin sya. Parang sya ang ang nagbibigay buhay sa grupo nila e."-Maya
"Si Karla naman, ang kakambal ni Dash. Mukhang Japanese din sya kasi half Japanese nga sila di'ba? Napakaganda nya, kaya crush na crush ko sya e. Kaso nga lang e, mukhang ang crush nya e si Draco."-Terrence
"At si Draco. Ang pinakadapat mong igalang. Kasi isang wrong move mo lang, patay ka na. Sila ang may-ari ng school na ito kaya kaya nyang patalsikin kahit sino man ang nandito. Nakakatakot sya. Pinakamasungit na guy. Akala mo e mas problemado pa sa Presidente ng Pilipinas."-Jess
"Si Danica, galing sa rich family. Di ko alam kung anong business. Basta ang alam ko e karibal ni Maida kay Nico. Paano ba naman, sabi nya destiny daw, Danica, Nico, medyo rhyme daw."-Marc
"Psh. Kanino kaya ako mapupunta?"-me
"Di natin alam. Malalaman natin mamaya."-Jess
"Teka, sobra tayo ng isa, san mapupunta yung di mapipili?"-me
"Di a. Since nalaman ni Danica na sobra ng isang scholar ngayon, nauna na sya na nagsabing 2 ang kukunin nya. Si Danica kasi feeling maganda."-Jane
"Haha! Palibhasa karibal lang si Danica e."-Faye
"Osya, tara na, malate pa tayo sa klase."-Marc
Pumunta na kami sa kanya kanyang klase namin. Section A ako, sila naman sa iba. Ako lang ang natatanging section A sa aming mga scholar.
Pagkapasok ko sa room e una kong nakita si Draco. Nakaupo lang sa isang gilid, nakatulala.
"Choco Shake! Kaklase pala kita!"Biglang pumunta sa harap ko si Dash. Ano ba naman ito, ang energetic!
Inilagay ni Red kamay nya sa mukha ni Dash at iniusod.
"Pagpasensyahan mo na Gayle ha, may topak e."-Red
"Upo ka na dito o, sa tabi ko."-Red
"Hoy Red, tinatakwil mo na ba ako. Seatmates and Cheatmates tayo di'ba?!"-Dash
Nakakatawa naman itong si Dash!
"Uhmm, mukhang ayaw ng Koreanong yan e, kahit san na lang ako."-me
"Teka, di'ba scholar ka? Uy, ayos! Sa tabi na lang kita para ikaw na cheatmate ko!"-Dash
Dahil sa sinabi ni Dash e nagtinginan na ang mga tao sa akin.
"Scholar? Eew."- may nagsabing babae. Mukhang maarte.
"Yuck."- sabi naman ng isa.
"Hoy Karla and Danica, magsitigil nga kayo. Matalino sya e, ano magagawa nyo."- Red
"Red, as if di major turn off sa'yo ang mga scholar."-sabi nung babaeng maikli ang buhok. Sya yata si Danica e.
"Yeah. I mean, scholar? More like nerd."-babaeng curly. Si Karla yata ito dahil kamukha ni Dash.
"Oo nga, scholar ako. Pero wag nyo akong mamaliitin kasi sa school na 'to magkalevel lang tayo. Pareho lang tayong nag-aaral."-me
"Level? In your face! Maganda kami, pangit ka. Mayaman kami, poor ka. Saan ang magka- level doon?"-Danica
"Well, let's see if nag- aagree ang iba nating classmate, guys, magkalevel ba kami nitong babae na ito?"-Karla
"Noooo."-at nag sigawan ang mga classmates ko. Grabe. Ang laki ng discrimination dito.
"Good Morning class!"At dumating na rin teacher namin. Nakatayo pa rin ako malapit sa pintuan.
"Oo nga pala, you have a new classmate. Gayle, introduce yourself."-teacher
Ayoko ng magsalita. Feeling ko e mapapahiya lang ako. Halos mapaiyak na ako sa mga nangyayari. Pero kaya ko ito. Kaya ko dapat.
"Hello. My name is Ma. Gayle Trinidad and yes, I am a scholar. I am here to study, not to have a fashion show. I am here to learn, not to show off my gadgets. I am here to graduate, not to wear make- up."
At tumayo si Dash si kinauupuan nya at nag clap. Tumayo na rin si Red.
"Hooo! She's my girl!"-Dash
"Okay. Mukhang dramatic ang pagpapakilala Gayle a. Well, umupo ka na doon sa ...."
"Ma'am! Dito na lang sya!"-Dash
"Yes ma'am! Aalis na lang daw si Dash sa tabi ko para tabi kami!"-Red
"Anong aalis? Ikaw ang aalis!"-Dash
"Well, wala ng iba pang upuan e. Sa may dulo ka na lang, sa likod ni Nico at Draco. May isang upuan doon."-teacher
Awww. Solo ko lang? Wala man lang katabi?
Malapit lang sa akin si Dash at Red, kasi ganito ang seating arrangement:
Draco Nico  Dash Red
Gayle
Natapos na rin ang klase namin. Ibigsabihin, lunch na! Aalis na sana ako kaso hinarang ako ng koreanong makulit, este japanese pala.
"Gayle, alam mo bang may girlfriend na si Red?"-Dash
"So?"-me
But deep inside medyo nasaktan ako. I thought he could be the one. Aray.
"Ibigsabihin, di pwedeng maging kayo. Kaya wag kang mahuhulog sa ka- sweet-an nya ha?"-Dash
Biglang dumating si Red at hinampas ng libro ang ulo ni Dash.
"Anong akala mo sa akin, chickboy? Ikaw Dash, syempre mahal ko girlfriend ko pero dapat maging mabait pa rin tayo kay Gayle."-Red
Awww. So totoo nga. May girlfriend si Red. Sya pa naman ang crush ko.Â
"Uhmm, sige mauna na ako."-Me
"Wait, gusto mong sumabay sa amin Gayle?"-Red
"Sige na! Para friends na tayo."-Dash
"Alam mo Dash, lahat gusto ko maging friend pwera lang sa'yo!"-me
"Aba! Hoy Choco Shake, maswerte ka nga at ang bait bait ko e!"-Dash
"Mabait? Define mabait?"-me
"Pwedeng spell na lang? D-A-S-H. Mabait!"-Dash
"Tama na nga yan, Gayle, sama ka na sa amin para makilala mo sila Nico at Draco."-Red
"Aish. Galit nga yata sa akin si Draco e."-me
"Nako, ganun lang talaga yun. Pero mabait yun pag nakilala mo."-Red
"Uhmm, may meeting pa kasi kaming mga scholar e."-me
"Oo. Sige, I have to go."-me. At tumakbo na ako paalis. Hayy, mabuti na lang at nakaalis din ako doon.
Nag lunch akong mag- isa sa garden. Wala pa kasi akong mahanap na real friend. Di pa ako sure if yung mga kapwa ko scholar e matatawag kong real friend.