"Pahinga lamang ang ating kailangan at hindi ang hiwalayan"
Mga salitang nasambit ngunit hindi napanindigan. Siguro nga kailangan natin ng pahinga. Pahinga mula sa isa't isa. Naputol man ang ating kwento, naging masaya ako't ikaw ang kasama kong nagbuo ng istoryang di mapagkakailang napaka ganda. Hindi man masaya ang pagtatapos, masaya naman akong maayos itong nagtapos.
Aking Saturno.
-K
March 10, 2024










