trying on a metaphor

祝日 / Permanent Vacation
taylor price
noise dept.

oozey mess

if i look back, i am lost

⁂

JBB: An Artblog!

Product Placement

ellievsbear
No title available
Peter Solarz
Mike Driver
One Nice Bug Per Day

Love Begins

titsay

Origami Around
Xuebing Du
Cosimo Galluzzi

Kaledo Art
seen from Canada
seen from Sweden
seen from United States
seen from France

seen from Malaysia
seen from Netherlands
seen from Australia

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Malaysia

seen from T1

seen from Russia

seen from Italy
seen from Brazil
seen from Brazil

seen from Brazil
seen from Brazil
seen from United States

seen from United States
seen from United States
@lilianadeasis
Alaala ni Roberto, Tambay sa Museo
Daniel Rodriguez
Kaharap ko ang isang larawan ng may kagandahang babaeng nakasuot ng kulay berdeng baro't saya. Naalala ko noong kabataan ko nagsusuot din ng ganyan si lola, at may katerno pang abaniko siyang dala-dala lagi kasi mainit. Habang ang ganda pa rin ng babaeng nasa larawan, parang walang epekto ang init na dapat na nararadaman niya. Parang nakapalan yata sa make-up at hindi pinagpapawisan ang babaeng iyon. Nagsasawa na ako sa mga ganyang parang perpektong mga babae, delikadong pakisamahan sa dami ng gusto eh. Wala akong alam sa pagpinta o pagguhit, pero alam kong walang ganyang babae, hindi man lang pagpawisan.
Kakaibang Pagtingin ni Diego
Jerome Chua
Walang kapintasan ang iyong pangangatawan. Ika’y isang klasikong kagandahan; ang iyong kaakitan ay hahangain higit pa sa iyong panahong 1952. Kahit di kasing ganda ang na sa iyong nilalaman sa loob, masaya pa rin ako dahil maari ko pa ring hangaan iyong panlabas na bahagi at lalo na ang iyong simetriko at proporsyonal na gilid. Kahit hanggang sa tingin lang ang ating maikling samahan, parang nahihipo ko na ang kakinisan mo sa pagtititig lamang sa iyo. Ngunit sigurado ako na hindi lang ikaw ang masterpis sa mundong ito, hindi kitang makakalimutan dahil sa walang katulad na pakiramdam na naranasan ko.
Saloobin ni Dionisio Maling-Silang
Miguel Antonio
Walang kapares ang kahusayan ni Amorsolo. Kinaya ng isang kalalaking tao na itanghal ang lubos na kagandahan ng babae. Ngunit, nauunawaan kaya niya ito ang totoong saloobin ng mga babae? Ang mga matingkad niyang labi ay kasing pula ng umaagos na dugo, at mata’y pino’t mapagmahal. Ang kutis niya’y wari niyebe sa kulay ngunit siguro nang ito’y salatin ay sing kinis ng sutla. Kung minsa’y tumingin sa salamin, napapaisip ako. Nakakalimutan ko ang aking bruskong pagmumukha, kutis kong magaspang at maitim at matipunong katawan. Oo, sa labas buto’t balat lalaki. Subalit, sa loob, naroroon ang kagandahang pambabaeng kinilala ni Amorsolo.
Niko sa Umaga, Naomi sa Gabi
Karlo Baingan
Aba, mataroosh itech! Tingin naman sa fezticles niya, nakakalurkey yung mga mata. Malakamandag ang tingin, bale sting-like-a-bee ba. Hindi naman kapanipaniwala yung gander ng kutis ni madam, masyadong keribells yung suot. Sabi ni friendship etchoserang horse, olive daw ang tawag sa ganitong uri ng pagkaberde. Have na have na talaga ni madam Liliana! Sa bagay, kung ganiyan din ang aking suot na kuwintas, gumugulong siguro ako sa pera. May pambayad sana ako kay David. Silahis daw, X-men daw, pero parang moneybells ko lang yung hanap. Iiwanan din pala ako. Maka Alicia Mayer na nga, bago pa dumami ang eklabush ko!
Payo ni Melay Santos
RC Rosario
Inilalarawan sa litratong ito ang isang babaeng napaka-Pilipina ng dating. Nagustuhan ko ‘yong kulay ng suot-suot niya: berdeng ‘di gaanong maaliwalas na tamang tama sa shade ng skin tone niya. Pero, ‘yong style ng dress niya ay medyo shocking dahil napakababa ng neckline nito kaya medyo revealing, hindi matching sa a la Maria Clara na styling ng buhok niya. Masasabi nating ang babaeng nasa larawan ay halimbawa ng klasikong dalagang Pilipina, na may halong pagkalandi ng modernong Pinay. Ang ‘di ko lang nagustuhan ay ang pagka-over accessorized niya dahil ang sobrang pagsuot ng mga alahas ay isang big fashion no-no.