“ELECTRONIC SPORTS”
Electronic Sports, ano nga ba ito? Ito lang naman ay isang bagay na kinahihibangan ng mga kabataan ngayon at inaamin ko na ako din ay naadik dito dahil kapag naglalaro ako parang nakakalimutan ko lahat ng problema sa buhay ko, ang ESPORTS ay hindi masyadong kilala sa pilipinas dahil hindi sinusuportahan ng gobyerno natin ang mga manlalaro hindi katulad sa atong bansa na todo ang pagbigay ng suporta ng gobyerno nila sa manlalaro nila dahil ang ESPORTS ay isa paring kompetisyon na kapag nanalo ang koponan ng isang bansa ay magdadala ito ng karangalan sa bansa at ang isang klase ng ESPORTS gaya na lamang ng dota 2(The Internationals) ay may prize pool na umabot na sa $18,429,613! napalaking pera na iyon! try to imagine na kapag nanalo ka ng ganong halaga at naaaliw kapa! ang saya diba! at maraming kabataang pinoy na malaki ang potensyal sa paglalaro nito o sadyang ipinanganak sila upang laruin ito (Prodigy kumbaga) pero dahil sa kahirapan ng bansa ay hindi na nila napapansin ang mga bagay na ito kaya nasasayang na lamang ang talento at hindi nagagamit kaya nananawagan ako sa pamahalaan na bigyan ng pansin ang ESPORTS dahil baka sa pagdating ng panahon ay dahil dito magdadala ito ng karangalan sa bansa at magtatatag ng kasaysayan sa buong mundo! Dapat hindi tayo magpapahuli sa ibang bansa at hindi tayo magmumukmok sa ating saliring bansa ng hindi naaabot ang mga bagay na naaabot na nila dahil alam kong ang mga pilipino ay hindi magpapahuli sa lahat ng bagay at punong puno ng talento! ISULONG ANG ESPORTS SA ATING BANSA!!!!













