Hi mahal! 1 year na pala nung araw na una tayong nag hiwalay at ang huling araw na mahahawakan ko ang kamay na pilit kong iningatan sa loob ng apat (4) na taon. 1 year na rin pala na di kita nakakasama. Di nakaka-text, kasi ayaw mo'ng mag reply. Ayaw mo rin akong tumawag. Pero dahil makulit ako, yun...you blocked my number. 1 year na pala nang di ko man lang namalayan na may boyfriend ka na pala kasi pinakita sa akin ng mutual friends natin from college yung pictures nyo nang bago mo. At ngayon lang din habang isinusulat ko ito sa mismong date nung huling araw na niyakap kita at nahalikan sabay sabing "ingat ka palagi mahal ko ha?", nakita ko sa status mo na "In a Relationship" ka na pala....talaga :'( 1 year na rin na palagi kong nadararaanan ang mga lugar kung saan tayo tumatambay, mga lugar kung saan andaming memorya meron tayo. Halos lahat ng lugar na pupuntahan ko sa kahit saan mang dako nag syudad, nakikita ko and mga araw at gabi na magkasama tayong tumatawa, umiiyak, nangangarap, nalulungkot at higit sa lahat, ang mga araw na kung saan tayo ay masayang nag-mamahalan. 1 year na hindi pa rin ako maka-paniwala sa mga narinig ko mula sayo. Totoo ba yun? Palagi kong tanong sa sarili ko, na paulit-ulit mo namang sinasagot na "Oo!" 1 year na, lagi ko pa rin tanong: Ikaw ba talaga yun? Ang taong ipinangako sa akin ang kanyang pagmamahal na di magmamaliw? Na kailanman di ipag-papalit sa kahit nino man? Kahit anong taba ko na? Bakit ba daw kasi ako matatakot iwan e di naman yun mang yayari kasi di mo yun gagawin, kasi, mahal na mahal mo ako. Sabi mo yun mahal. :'( Pero mahal ko, sa apat na taon, saan ito pumunta? Alam ba ito ng mga kaibigan mo o ni kahit sino? Hindi diba? Alam mo mahal, hindi ko alam kung paano pagagalingin ang sirang puso na ito, nararamdaman, na hindi na ito kailanman ini-expect na maramdaman. Hindi ko maibabalik ang mga pangyayari at ang lumipas na 1 taon. Mula nang unang araw na yun hangan ngayon, nais ko sana kunin ko kung ano ang tamang dahilan ng iyong pagsuko at paglisan na di mo man lang binigay sa akin mahal. Bukas ay magpapanggap ako na magpapaalam ka at kailanman ay di na muling babalik ka. Ako ay isang hangal na nahulog sa pag-ibig sa kanyang sariling panaginip.At noong sinasabi mo na gusto mong umalis, bumitaw, magsimula ng isang bagong buhay, ay ang mga mismong salitang naisip ko na hindi mo kailanman sasabihin at bibitawan. 1 year/Isang taon na mahal ko, ngunit hangang ngayon, ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Ikaw na ang pinangako ko sa aking sarili at hiniling sa panginoon na aalagaan ko at mamahalin habang buhay. At ang tanging babae na hihintayin ko sa altar habang pinapanood ang kanyang pag lakad tungo sa akin upang pag-ibig ay mabigyang basbas mula sa may taas. 1 year na akong naghihintay nang pagkakataon na makausap ka man lang. upang sa gayon, malaman ko ang tunay na dahilan. Alam ko may kasalanan din ako, pero sana man lang binigyan mo nang pagkakataong malaman ang dahil ng iyong pag bitaw. Isang taon na, at maghihintay pa rin ako hangang sa tuloyan ko nang patawarin ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Maghihintay ako sa araw na ipagkaloob mo ang ISANG ARAW na kailangan ko. Hangang sa muli, Isang taon mo nang kinalimutan, Isang taon na at di pa rin kita malimotan. Nagmamahal, KARL.










